Chapter 11

9 1 4
                                    

*Dina's POV*

Kumain na kami nina Kiosk kasama ang barkada. Bad trip naman oh. Ang ganda na nga ng ambience dito tapos solong solo ko pa si Kiosk pero nakikain pa sina Gab sa amin. -.-

"Oh Dina, tahimik ka ata?" tanong ni Lyka

"Ewan ko sa inyo." sagot ko.

"Guys! Alis na tayo, manlilibre ako." - Bree

Hay salamat, nakuha na rin nila ang gusto kong ipahiwatig. Kaya naman ako tahimik kasi gusto ko bigyan nila kami ng "alone time" eh.

"Kumakain na kami eh!" - Elle

"Ano ba. Ganito nalang, manlilibre ako ng kahit anong gusto niyo." - Bree

Life saver ko talaga tong si Bree. hihi

"Game!" - lahat sila.

"Dina, alis na kami.." sabi ni bree sabay kindat. Ngitian ko lang siya. Alam kong alam niyang pinapasalamatan ko siya.

Nung paalis na sila, tahimik na ang paligid. spell AWKWARD? ay bobo, naspell na nga eh. Medyo nagsisisi ako na pinaalis ko sina Bree eh.

"Dina, nilalangaw ka na." - Kiosk

Binatukan ko siya.

"Di ka pa rin nagbabago noh?! Akala ko pa naman magiging mabait ka na sa akin."

"Hmm, ano ka sineswerte? Di porket sinabi kong gusto kita magbabago na pag trato ko sa iyo noh. Keep on dreaming bibs :p"

"Bibs ka jan. Batukan kita ulit eh."

"Grabe naman, bawas bawasan mo pagka sadista mo oy. Mamatay ako ng maaga pag naging girlfriend kita!"

"Bakit magiging girlfriend mo ba ako?! Asa ka pa. Hindi kita sasagutin!"

Natigilan siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mga kamay ko, at tiningnan ako sa mata. Ang ganda ng mata niya. Yung tipong di ka magsasawa titigan ito. Mahigit isang minuto kaming nag titigan doon.

"Ano? May sasabihin ka? Matutunaw ang hot sexy body ko sa mga titig mo eh!" sabi ko.

"Dins, gagawin ko ang lahat mapasagot ka lang."

Eeeehhh! Kinikilig ako :">

"Hmmm, pero unang una. dapat mong ligawan sina mama at papa. Kaya mo ba yun?"

"Kakayanin. Para sa iyo naman eh." Sabay kindat niya pa.

"Tumigil ka nga jan Kiosk. Masisipa kita eh."

"Hala! Nag salita ang magaling sumipa oh! Pero seryoso Dins, liligawan ko mga magulang mo para malaman nilang seryoso talaga ako sa iyo."

"Hmm, di ako naniniwala. Gawin mo muna!"

"Oo na. Oo na."

Biglang natahimik ang paligid. Siguro naubusan na kami ng masasabi. Ang tahimik talaga, magsasalita na sana ako ng biglang...

"Shh. Wag kang maingay."

Alam kong hindi si Kiosk ang nagsasalita. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Kiosk, narinig mo ba yung narinig ko?" tanong ko sakanya.

"Ano ako? Bingi? Syempre narinig ko. Mukhang may ibang tao yata dito." Ito talaga si Kiosk, sasagot na nga lang, pabalang pa.

Bigla nanaman kaming may narinig na ingay. Natakot na ako at dahan dahang dumikit kay Kiosk.

"Huy Dins, dumadamoves ka ata sakin ah?!" sabi niya at ngumiti pa ng nakakaloko.

"Shh tumahimik ka nga Kiosk. Natatakot ako..." sagot ko.

Inakbayan ako ni Kiosk. Aba aba, tsumachansing eh, noh?! Papagalitan ko na sana siya nang may nakita akong anino sa likod ng puno. MGA ANINO actually.

Tumayo ako para tingnan ito.

"Dins, san ka pupunta?"

"SHH! Ingay eh!" sagot ko ng pabulong.

Dahan dahan akong lumapit.

Habang palapit ako, may narinig akong bulung bulungan.

"Sabing wag maingay eh. Tingnan mo, mukhang narinig tayo."

Nakilala ko agad ang boses ng nagsalita. Dali dali akong lumapit at pagka dating na pagka dating ko sa puno..

"GUYS?!"

Sina Bree, di pa pala umaalis. -.-

Tiningnan nila ako ba tila ba nagugulat..

"HIHIHIHIHI" tawa nila.

Tumayo si Fritz.

"Akala mo ba lilibrehin kami ni Bree? Kelan ba nanlibre yan? Alam mong kuripot yan. Haha Sorry Dins. Pero di namin napigilan di kayo pakinggan eh. Kinikilig tong mga babae dito. Tsaka isa pa, baka bigla kang rapein ni Kiosk."

Errr. nakakainis naman eh. Mabuti na lang love ko sila :)

"Maraming salamat guys ha? Tinakot niyo ako eh" sagot ko sabay simangot.

"Sorry Dins, group hug!!" Sigaw ni Elle

Inipit ako ng mga kaibigan ko. Mahal ko talaga silang lahat eh.

"Ehem, tapos na ba kayo jan?"

Si Kiosk pala. Nakalimutan ko kasama ko pala siya. Mga kaibigan ko naman kasi ihh :")

"Pakialam mo sa amin?!" sagot ko kay Kiosk. Panira ng moment eh.

"Tara, uwi na tayo. It's getting late. Hatid ko na rin mga kasama mo Dins." sabi nalang ni Kiosk.

"Bakit? May sasakyan ka ba? Tss." sagot ko.

"Sinabi ko ba? Ihahatid ko lang sila kanto. Tapos ikaw, sabay na tayo umuwi. Magkapitbahay naman tayo eh."

Biglang sumabat sa usapan si Gab, "Hep hep! Tama na away. Tara uwi na tayo! Hinahanap na ako sa bahay."

Natahimik kami ni Kiosk at nagsimulang maglakad. Naihatid na namin sina Gab sa kanto at sumakay na kami ni Kiosk ng jeep pauwi.

Ang saya ng araw na ito. Hinding hindi ko ito makakalimutan...

A/N: palakpakan! nakapag update na talaga ako after 3 or more long months :))) Paburger naman jan. Dejoke, di ako kumakain nyan :) Haha ohsiya sige. Yun lang <3

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon