Chapter 12

11 1 0
                                    

*Dina's POV*

Nag pagulong gulong ako sa kama ko. Umuulan. Ugh, nakakatamad pumasok. Sarap matulog. Tumingin ako sa orasan.

5am? 5am?! Hala, bakit parang ang....

AGA ko yata nagising? Hindi kaya.... Excited akong makita si Kio--- Ahh hindi. Hindi maari! Okay?!

HINDI AKO EXCITED DAHIL NGAYON ANG UNANG ARAW NG PANLILIGAW NI KIOSK. HINDI!

Peroo... parang oo eh. Excited nga yata ako :( Ahh ewan ko! Hihiga nalang muna ako hanggang 5.30. Ang sarap kaya ng weather.. Nag isip ako ng kung ano ano habang nakatingin sa kisame.

Hanggang sa hindi ko na namalayan, nakatulog na pala ulit ako...

"DINAAAAAAAAA! MARIA SANTISIMA MAG AALAS SYETE NA TULOG NA TULOG KA PA. NAG HIHINTAY NA SI KIOSK SAYO SA BABA!"

Ugh!!! Ang aga aga ang ingay ni mama eh. Anong oras na ba? Ang aga kaya ng gising ko kanina... Wait, teka anong sabi ni mama?! Nasa labas na si Kiosk?! Ha? Bakit? Bakit? ano yun? Tiningnan ko ang orasan.

"Shiii, 7am na pala!" Dali dali akong bumangon at tumakbo papuntang banyo. Wala akong problema sa pagligo. Kayang kaya ko maligo within 5mins. Ang pinoproblema ko nalang ay ang susuotin ko. Wash day kasi ngayon eh.

Nakakita ako ng dress na nakasabit sa may closet ko. Kinuha ko ito. Bahala na, ito nalang susuotin ko. Malelate na ako eh. wala nang oras mag bihis.

Pinatuyo ko ang buhok ko sa electric fan, naglagay ng konting powder at nag pabango. Kung iniisip niyong pinaghahandaan ko si Kiosk.....

Tama kayo! Hahaha Ayoko kayang tumigil siya sa panliligaw kasi ang pangit ko. Dali dali kong kinuha ang bag ko at tumakbo pababa.

Napahinto nalang ako ng nakita ko si Kiosk na nakatunganga sa harap ko. Kulang nalang tumulo laway eh.

"Hoy Kiosk! Ano tinitingin tingin mo jan? Tara na malelate tayo"

Hinanap ko si mama, "Ma alis na po kami ni Kiosk."

Tumango lang siya at hinalikan ko sya sa cheeks bago umalis.

Hinila ko na si Kiosk palabas.

"Dinss, umuulan pa eh. Wala akong dalang payong."

Tss, anong klaseng manliligaw ito. Turn off! Dapat laging handa eh.

Inirapan ko nalang siya at sinimulan maglakad papunta sa pinakamalapit na tricycle. Nagulat ako ng hinubad niya ang shirt niya. Oo hinubad niya! Ang ganda pala ng katawan niya. Pinipigilan kong di sumilip eh! HAHAHA

"Dins ipatong mo muna shirt ko sa dress mo. Sayang pag nabasa eh. Ang ganda mo ngayon. Tapos eto bag ko, gawin mong payong."

Naramdaman kong nag init ang pisngi ko. Eh sa kinikilig ako eh! Pwede ba. haha. Tiningnan ko lang siya, galit kunwari, at ginawa ang gusto niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

Nakakaawa naman siya, mukhang nilalamig na at nanginginig. Wala na tuloy akong ibang choice kundi kunin yung payong sa bag ko.

Oo may payong ako, gusto ko lang tingnan anong gagawin niya pag nabasa ako sa ulan. Ako na madaya. Hahaha infairness nakapasa siya sa unang pagsubok.

Binigay ko sa kanya ang payong ko.

"Oh, mukhang mamatay ka na sa lamig dyan!"

Matapos kong ibigay yun, tumakbo na ako papunta sa tricycle.

Sumunod lang siya. Binigay nya na yung bayad kay manong.

"Manong PWU lang po."

Nakarating na kami sa school. Naghiwalay kami dahil pumunta siya sa CR para magpalit ng damit.

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon