Chapter 14

42 1 2
                                    

*Kiosk's POV*

Papunta ako sa hospital kasi na hospital ang itay ko. Honestly, hindi na ako masyado nag-aalala kasi maglalayas din ako.

OO. tama ang nabasa nyo. maglalayas nga ako...

de, joke lang. XD ba't ako maglalayas? for sure na mawawalan ako ng allowance. eh di wala na akong ipangdate kay Dina. Sa wakas, nakadating na ako sa ospital. Dali dali kong pinuntahan yung room kung saan naadmit si papa.

Pag pasok ko, nakita ko si mama na natutulog sa tabi ng kama ni papa. Tapos si papa, maraming nakakabit sakanya na kung anu ano.

Nilapitan ko si mama.

"Ma, ano nangyari?"

Nagising siya dulot ng gulat.

"O kiosk, andito ka na pala. Papa mo."

"Ano nangyari sa kanya ma?" Kinakabahan na ako. sa nakikita ko ngayon, wala siya sa mabuting kalagayan.

Napabuntong hininga siya. Nakita kong nanginig ang mga kamay niya at may namumuong luha sa mata niya. "Nahulog siya sa staircase sa opisina niya. Sinasabi ng mga nakakita na aksidente lang daw ang nangyari pero sabi ng pulis na may motibo daw ang pagkaaksidente niya at possibleng pinagtangkaan ang buhay ng papa mo. Sa sobrang lakas ng pagkahulog niya'y nagkaroon siya ng spinal damage at brain trauma. Di siya makagalaw dahil sa temporary paralysis. Sabi ng mga doktor it will take time bago siya gumaling. Mga 3 months siguro. But there's a thin line between recovery and further damage and we obviously want recovery, right? That is why I want to ask you a favor." sabi niya sabay tulo ng kanyang luha na tilang nag-uunahan sa pagbagsak.

"Ano po yun ma?" bakit parang di ko magugustuhan ang magiging pabor niya?

"Kung maaari sana ikaw muna mag alaga sa papa mo. Anak kasi, kailangan ko pumunta sa America. Alam mo naman may trabaho ako dun diba? Pinapatawag ako ng lolo mo."

May ari kasi yung lolo ko ng ospital sa america, kaso gusto ni mama dito ako mag aral. Ayaw niya kasi ng ugali ng mga bata dun sa America. Kaya nung ipinagbubuntis niya ako, minabuti nila ni Papa bumalik dito sa Pinas kasi dito naman talaga sila galing.

"Uh ma, paano pag aaral ko? May nurse naman po diba?"

"Hindi ko naman sinabing hihinto ka diba? Ikaw lang mag aalaga. Tsaka ayokong naka depende tayo masyado sa nurse. Baka kasabwat pala ng mga nagtatangka sa buhay ng papa mo ang nurse. Ikaw lang mag aalaga pagkatapos ng klase mo."

Nag isip isip ako. Sige na nga. Para kay Papa.

"Sige na nga po. Kailan alis niyo?"

"3 days from now."

"Three days?! Ma naman!" napasigaw ako at naisuklay ang kamay ko sa buhok ko. Naman eh. Kaasar.

Napatayo si Mama at tumaas ang isang kilay niya. "Aba't bakit mo ako tinataasan ng boses?! Eh kung bawasan ko ang allowance mo ng singkwenta?!"

Pilit akong ngumiti at napakamot ng batok ko. "Ahehe... Love you Ma?" halos patanong kong sabi.

Umiling siya't napaupo uli. "Sorry anak." bulong niya. minasahe niya ang kanyang nose bridge. "Just... do this for your dad..."

"Fine...."

*Dina's POV*

Dalawang araw na ang nakalilipas... Di ko pa rin nakakausap si Kiosk. Balita ko naospital si Tito. Naiintindihan ko naman na kailangan niyang i'prioritize si papa niya. Hindi naman ako selfish at isa pa, hindi pa kami.

"Oh Dina, matamlay ka ata." pambungad ni Gab.

Ngitian ko lang siya. Parang malungkot siya. Ano kaya nangyari dito?

Tatanungin ko na sana siya ng biglang...

"OMG, OMG guys! may bago tayong classmate. mygash oh mygash. Pogi. Mas pogi kay Kiosk! Can you believe it?!"

Nako ito talagang si Class president. For sure nag oover react yan siya. Mas pogi kay Kiosk? pshh Spare me. Whatta joke. Sabi ko sa isip ko.

"Guys guys! Laro tayo!" sigaw ni Bree sa amin magbabarkada.

Anim nalang kami ngayon bale ako, si Bree, Elle, Gab, Lyka at Fritz. Inarrange namin yung chairs namin into a circle. Wala pa kasing teacher eh.

"Ano lalaruin natin?" Tanong ko.

Sasagot na sana si Bree pero napatingin siya sa pintuan at napahinto. Kami naman, tumingin rin. Halos lahat ng kaklase ko, pati ako, natulala. may iba pa ngang napanganga eh. Pero syempre hindi ako kasali dun. Nanaig ang katahimikan sa buong room.

"Good morning everyone. I'm Xander Reyes. Hope you treat me well."

------

HELLOOOOOO READER(S?) Bitin ang update :DD MASSIVE THANK YOU TO MARY ANGELU TAPE. :) ALAM MO NA KUNG BAKIT. hihi lablab.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon