Yuri's Pov
"UMILAG KA, RAY!" sigaw ko nang makita ang isang malaking bookshelves na papabagsak sa kaniya na agad niyang naiwasan.
"All I just need is your cooperation. I'll promise, everything is gonna be alright."
"Nababaliw ka na talaga.."
"Ginagawan ko lang kayo ng pabor, bandang huli makikinabang din naman ang lahat."
"Ang gawing zombie kaming lahat?"
"Ang magkaroon ng pagkakapantay-pantay." mariin na sagot ng ama ni Nami. "Sumunod ka na lang sa akin, kung gusto mo pa na abutang buhay ang anak mo sa ospital."
"S-si Asari?! H-hindi, huwag mo lang subukan na gawan siya ng masama kung hindi ay ako mismo ang tatapos sa buhay m-"
"Edi gagawa tayo ng bago, napakadali lang gumawa at umayos ng problema Nami. Kayang-kaya ko gawin ang lahat na mismong hindi magagawa ng Luke na iyon." Saad nito na ikinabigla naming lahat.
"Akala mo ba ay hindi ko malalaman na lagi kang nagpapaalam para lang pumunta sa pari na iyon imbis na mag-aral ng maayos para sa kinabukasan mo? Nakikita ko sa mga mata mo na gusto mo siya, kaya huwag ka mag-alala dahil isasama ko rin siya."
"Hindi mo pwedeng gawin 'yan!" sigaw ni Nami kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata nito.
"Pero ngayon, kailangan ko munang tapusin ang mga harang sa harap ko!" sabi nito at agad na tumakbo papalapit sa akin.
"Hoy! Kalabaw lang talaga ang tumatanda, hindi ako!" Sigaw na boses ng tao sa pintuan ng basement at isang malakas na putok ng baril ang dumagundong sa silid.
Si Manang Ezmeralda.
"Inang!"
"Kuhanin na ninyo ang mga kaibigan ninyo bago pa mahuli ang lahat!"
"Buhay ka pa?!" Bulalas ng lalaki na nakahiga sa sahig habang hawak ang sugatan nitong braso.
Agad kaming nagtakbuhan papunta sa kinaroroonan nila Lennon at Zyndel, at sa awa naman ng Maykapal ay buhay pa sila.
"Tara na mare, aalis na tayo." Sabi ko at inakay namin silang dalawa hanggang sa makalabas sa basement.
"Alam kong anumang oras ay magbabago na rin ang anyo ko kaya pipigilan ko siya hanggang makakaya ko. Kailangan mong siguraduhin ang kaligtasan ni Asari, ako na ang bahala rito." Sabi ni Inang habang hawak ang isang shotgun.
"Pero Inang.."
"Wala nang pero-pero Nami, ang hiling ko na lang sa iyo ay mag-iingat ka palagi at ganoon din kayo ng mga kasamahan mo. Gusto ko matapos ang lahat ng ito ay dadalhan mo ako ng manok ni Mang InaRald ha."
"Pagbabayaran ninyo ng malaki ang kapangahasan na ito Nami, magkikita pa tayo at ako mismo ang papatay sayo!" Sigaw ng ama ni Nami at dali-daling isinara ni Inang ang pintuan.
"Lumabas na tayo bago pa malaman ng ibang mga gwardya ang kaguluhan." Sabi ni Ray at mabilis kaming tumakbo papunta sa labasan.
Walang mga nagbabantay sa paligid.
Pagkakataon na namin para makaalis.
"Kailangan nating puntahan si Asari sa lalong madaling panahon."
--
Zevia's Pov
"Ay sarado ang tindahan ni Mang Ac, sayang naman."
"Doon na lang tayo kumain sa bagong bukas lang na Preselle's Burger, balita ko romance-fantasy theme raw ang bilihan na iyon." sabi ni Esor. Pero paborito ko pa naman sa Mang InaRald.
BINABASA MO ANG
TLP: Night Runners Z ( Zombie Series 3 )
AléatoireCan you be my our hero for a while, Yuri? Disclaimers: This is a works of fiction, all of names, events, place, etc. is only based on the imagination of the author. Any actual events, names of person, living or dead, are all coincidental. Copyright...