Yuri's Pov
"Live tayo ngayon sa ospital dito sa Sta. Ines kung saan ay 'di umano nasabi na namataan ang mga nagwawala na zombie nga ano, kasalukuyan itong pinipigilan ng ating mga butihing mga sundalo at inililigtas ang mga pasyente na hindi napinsala. Sinisigurado ng ating mga sundalo na hindi matatapos ang araw na ito nang hindi nila napupuksa itong mga salot sa lipunan.."
Ano bang nangyari?
"Ayos ka na ba, Mare?" Tanong sa akin ni Zyndel.
"Nawalan ka ng malay matapos ang pagsabog na nangyari sa highway sa bayan, nagkaroon ka ng ilang galos dala ng mga lumipad na shrapnels ng sasakyan." Sabi naman ni Lennon at tumingin ako sa paligid. Nasa ospital pala ako.
"Nandito tayo sa ospital ng Wamac kaya safe tayo rito mula sa mga zombie sa Sta. Ines."
"N..Nasaan si Ray?" Tanong ko.
"Ah pinauwi na muna namin siya, sinabi nalang namin na kami na ang bahala sa iyo at sinang-ayunan naman niya ito." Tugon ni Zyndel.
Bumangon ako sa pagkakahiga at tumingin sa paligid nang mapansin ang balita na kasalukuyan na ipinapalabas sa telebisyon.
"Heto na nga po tayo mga kaibigan, nakikita po natin na ginagawa ng ating mga sundalo ang lahat para puksain ang mga halimaw na nasa loob ng ospital." Sabi ng reporter habang live na nagbabalita sa labas ng ospital.
Sunod sunod ang putukan na nagaganap, puro mga nakahigang katawan ang makikita sa labasan ng ospital dala ng mga tama mula sa sundalo na nag-aabang. Ilang minuto pa na bakbakan ay nagtagumpay sila na siguraduhin ang kaligtasan.
Nakipagkamay ang reporter at tila parang wala lang ang nangyari na insidente.
"Binabati namin kayo, General Cortez para sa pagwawagi ninyo at ng ating mga kasundaluhan sa laban na ito."
"Maraming salamat."
"General Cortez, ano ang masasabi ninyo para sa mga tao na nandito ngayon at ganoon din para sa mga para sa mga kababayan natin na nanonood sa bahay sa kanilang telebisyon, may gusto ka ba na batiin o ano pa man?"
"Ah gusto ko lang sabihin na ikinagagalak ko na makaharap ngayon ang isang batikan na mamamahayag na si Xyvie Enriquez." Sagot nito at ngumiti lang ang reporter bago ito nagpatuloy.
"Alam ninyo kasi, mahirap ang trabaho naming mga sundalo para mapanatili ang kaayusan nito sa ating bayan. Hangad lang namin ng kaunting respeto ninyo at malaking dagdag na saho-- este malaking suporta para sa ginagawa namin."
At doon natapos ang kanilang usapan. Akmang tatayo naman ako nang pinigilan ako ni Zyndel.
"M-Mare, kaya mo na ba? Saan ka pupunta?" Tanong nito.
"K..kailangan ko makita si kausapin si Ray, may pag-uusapan kaming dalawa."
"Pero Ma'am, kung magpupumilit kayo ay lalo lang hahaba ang panahon ng inyong paggaling. Kailangan mo muna manatili dito upang paghilumin ang mga sugat mo o ikaw lang rin ang mahihirapan." Sabat ng Nurse na nasa kabilang kurtina. Sino ba itong extra na 'to? Panira ng moments, sinabing kailangan na matapos agad ang chapter 5 para doon na sa exciting na part.
Na alam kong 'yon din ang gusto ninyo diba? Diba?!
"Kailangan ko siyang makita, hindi ba malinaw ang sinabi ko?! May dapat akong malaman, dahil kung hindi ay baka hindi na ako makakatulog sa gabi, sa umaga, at sa tanghali sa kakaisip!"
"Guard, may baliw dito. Pakigapusan nga, asap." Sabi ni Nurse at agad na nagdatingan ang ilan sa mga gwardya na may dalang panali na sinturon. Omo!
BINABASA MO ANG
TLP: Night Runners Z ( Zombie Series 3 )
AcakCan you be my our hero for a while, Yuri? Disclaimers: This is a works of fiction, all of names, events, place, etc. is only based on the imagination of the author. Any actual events, names of person, living or dead, are all coincidental. Copyright...