More Than JUST A FanGirl

145 5 0
                                    

Lahat naman ng fan ay pinangarap at patuloy na nangangarap na makita ang kanilang mga iniidolo ng personal. Ung mapanood ng personal at mahawakan man lang ang kamay. Ung mayakap at makausap at masabi kung gaano mo siya kagusto at sabihin sakanya na NUMBER ONE FAN ka niya. Ung makapagpa-picture kasama siya at mapapirmahan lahat ng CD niya na meron ka.

Lahat din naman ng fan ay pinangarap na sana mapansin sila ng kanilang iniidolo kahit sa Facebook o Instagram o Twitter man lang. Kahit Isang like man lang sa Isang picture na tinag mo siya o kaya naman magcomment ng "Thank You" Pag binati mo siya ng "Happy Birthday".

Pero aminin din natin, na lahat tayo na fan ay pinangarap na sana kamag-anak tayo ng ating mga iniidolo o kaya kaibigan man lang. Ung tipong fina-follow niya tayo. Ung nasasabi natin ung mga gusto nating sabihin anytime. Ung nakakasama natin siyang lumabas at ung may number kayo sa isa't-isa.

RELATE DIBA?

Lahat naman siguro ng mga yan ay pinangarap niyo rin.

Pero Paano kung Isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon ay makita mo ang iniidolo mo?

Hindi lang Basta nakita kundi, nakasama at naging kaibigan pa!.

Anong gagawin mo?

Anong mafe-feel mo?

What if the STAR meets the FAN?

What if the FAN becomes a friend of the STAR?

What if the FAN becomes MORE THAN JUST A FAN?

More Than JUST A FanGirlWhere stories live. Discover now