Chapter Five

22 3 4
                                    

Nicole's POV

"Kaya dapat, ngayon Palang, inaalam na ninyo ang mga hilig ninyo Para di kayo mahirapan sa pagpili ng kukuning kurso Pag nagcollege kayo" sabi ni Sir Ian na ESP(Edukasyon sa Pagpapakatao)/GMRC(Good manners and right conduct) subject teacher namin.

"Kasi isang maling desisyon lang,pwedeng magbago ung buhay mo kaya make sure na ung kukunin mong kurso ay gusto mo Para hindi masayang ang oras at ang Pera ninyo." Dagdag ni Sir Ian at tumango kami

"Yes sir!" Sabay sabay naming sabi at ngumiti si sir.

"Eto, I have a question, bakit nga ba gano'n kahalaga ang pagpili ng kurso?" Tanong ni sir. Agad na nag raise ng hand ang iba Kong kaklase.

"Sir,Para po maging successful tayo sa buhay. Kasi kung ung kinuha mong Kurso eh talagang gusto mo, eh Mas gaganahan kang magtrabaho kasi nga gusto mo ung ginagawa mo." Sagot ng isa Kong kaklase at tumango tango si sir.

"Tama!pwede mong magamit yong mga napag-aralan mo sa trabaho at sa mga ginagawa mo" sabi ni Sir at biglang tumahimik.

"May mga sikat na tao at artista na talagang nagagamit ung mga pinag-aralan Nila noong college sila. Sino bang mga kilala niyong sikat na tao na successful talaga Ang buhay dahil sa tulong ng mga napag-aralan Nila?" Tanong ni sir. Agad naman nagsabi ng mga pangalan ang mga kaklase ko.

"Sa mga artista?" Tanong naman ni sir kaya nagsalita nanaman ang mga kaklase ko. Nag raise naman ako ng kamay at tinawag ako ni sir.

"Sir si Vice Ganda po" sabi ko at napatingin ung mga kaklase ko saakin.

"Ano bang course niya?" Tanong ni Sir

"Ah, Pol-Sci po. Political Science"sagot ko at napatango si Sir

"Ah!kaya pala ang galing niyang magsalita. Nagagamit niya yon doon sa segment niya doon sa showtime. Ano na yon?" Sabi at tanong ni Sir sakin

More Than JUST A FanGirlHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin