Chapter One

89 3 2
                                    

Nicole's POV

"Ano ba talaga ang ginagawa mo? Nanonood ka ba o nag ce-cellphone?" Tanong ni mama saakin. Kasi naman! Kailangan habang nanonood ako dapat nagu-update din ako sa twitter...

"Ma, diba nga sabi ko, kai---" hindi ko na natuloy ung sasabihin ko kasi nagsalita si mama.

"Kailangan habang nanonood ka ay naguupdate ka rin sa twitter" sabi niya at tumango ako

"Alam mo naman na pala ma eh! Bakit mo pa ako tinatanong?" Tanong ko Kay mama habang nakatingin sa TV.

"Wala lang. Eh lagi ka na ngang nakatutok sa TV Pag shows na ni Vice Ganda ang palabas tapos tutok na tutok ka din diyan sa cellphone mo" sagot ni mama tapos nag kibit-balikat na lang ako. Napansin ko namang Parang bihis na bihis si mama, saan naman kaya siya pupunta?

"Ma, may lakad ka?"tanong ko at tumango siya bilang sagot.

"Pupunta ako sa bayan. Bibili na rin ako ng meryenda kaya wag ka nang bumili sa store. Alis na ako" sabi ni mama. Tumango na lang ako at umalis na si mama.

Ako nga pala si Nicole Alcantara. 13 years old. Grade 8 student. Isa sa mga mahilig mag-aral. Ung tipong Kapag may quiz at exams,o kaya seatwork man lang ay talagang nagbabasa ng notes at nagmememorize. Mahilig din akong sumayaw at magsulat ng kung ano-ano(about family,friends,problems and love) at isa ako FANGIRL. Isa ako sa mga NUMBER ONE FAN/DAKILANG FAN ni Vice Ganda,Ang ASIA'S PHENOMEMAL STAR.

Siguro nakakagulat Para sainyo ang malaman na isa akong fan ni Vice Ganda. Kasi usually, ang mga ka-age ko, sila Daniel Padilla,James Reid,ang 5SOS at ang One Direction ang kinahuhumalingan. Pero ako, hindi. Aaminin ko naman,nagwa-gwapuhan ako kina James Reid at Daniel Padilla.nakikinig din naman ako sa mga kanta ng 5SOS at ng One Direction pero hindi ko lang talaga sila trip.

Nagtataka siguro kayo kung bakit si Vice Ganda ang idol ko. Marami naman akong isasagot diyan eh!
1. Kakaiba siya. Hindi lang sa gender pero sa maraming aspeto/bagay.

2. Mabait siyang anak,kapatid,apo,Tito at mabait din siya hindi lang sa mga fans Kundi sa lahat ng tao.

More Than JUST A FanGirlDonde viven las historias. Descúbrelo ahora