Chapter Eight

35 2 0
                                    

Nicole's POV

"anak,pasensya na——"pinutol ko ang sasabihin ni papa...

"ako po ang dapat humingi ng pasensya. sorry po kung nasigawan ko kayo kahapon. siguro naman po naiintindihan niyo kung bakit ko nagawa 'yon"sabi ko at ngumiti si papa. tinanguan niya ako at hinawakan ang kamay ko

"alam ko marami kang tanong kaya gusto ko, itanong mo na lahat 'yan ngayon para naman mawala na sa isipmo 'yang mga 'yan" sabi ni papa at ngumiti ako.

"bakit niyo po kami iniwan? bakit hindi manlang kayo nagpakita? bakit hindi manlang kayo nagparamdam saamin?" sunod sunod na tanong ko.

"Noon, hindi ko kaya. hindi ko kayang buhayin kayo ng mama mo dahil una,wala akong trabaho. wala akong magandang maibibigay sainyo. at kung inaakala niyo na iniwan ko lang kayo ng basta basta,nagkakamali kayo. mahirap para saakin na iwan kayo noon pero 'yon lang ang alam kong magandang gawin para maging maayos ang buhay ninyo" paninimula ni papa.

"magandang gawin para maging maayos ang buhay? eh halos buong buhay ko ang rami kong tanong tungkol sa'yo! buong buhay ko sa tuwing nakakakita ako ng buong pamilya,nalulungko ako! naiinggit ako! nasasaktan ako!"sabi ko at unti-unting lumabas ang luha sa mata ko.

"kaya ako umalis ay para makapagtrabaho ako sa ibang bansa. may tumulong saakin. kaya ko tinanggap ung trabahong 'yon dahil inisip ko kayo. inisip ko na pag nakaluwag luwag ako, uuwi ako at babalikan ko kayo. mabibigyan ko na kayo ng maayos na buhay." sabi ni papa at patuloy na umaagos ang mga luha ko.

"kaya ako bumalik.kaya ko kayo binalikan. kasi nakuha ko na lahat ng gusto ko. nakuha ko na lahat ng kailangan ko para mabigyan ko kayo ng maayos na buhay. kaya sorry kung nasaktan ko kayo. lalo na ikaw Nicole,alam ko na masyado ka pang bata para maranasan 'tong mga 'to pero kaya ko lang naman ginawa 'yon eh para sa ikabubuti ninyo. kaya sorry" sabi ni papa. tumayo siya mula sa pagkakaupo at nilapitan niya ako para yakapin. iyak lang ako ng iyak. hindi ko alam ang sasabihin ko...


———————————

Weeks had passed after nung "Heart-To-Heart Talk" namin ni papa.

nung unang dalawang linggo ng bakasyon,everyday dumadalaw si papa dito sa bahay. hindi pa kasi siya pwedeng tumira dito dahil may mga inaasikaso siya sa trabaho. hindi na siya nagt-trabaho sa ibang bansa pero nagt-trabaho siya sa Manila at kaya hindi siya pwedeng tumira pa dito eh dahil may pinapagawa ung boss niya sakanya.

sa ngayon nandito kami sa isang restaurant kumakain ng dinner...

"bukas ko na makukuha ung mga papeles na pinapagawa ng boss ko tapos babalik na ako sa Manila. tutal bakasyon niyo naman Nics,sumama na kayo saakin doon" pagkasabi pa lang ni papa na sumama raw kami sa Manila ay agad akong napangiti. bakit? dahil unang pumasok sa isip ko ung concert ni Vice.

"mukhang excited kang magpunta ng Manila Nics ha?"napatingin ako kay papa at tumango ako.



MAY CHANCE NA MAKANOOD AKO NG CONCERT! kaso, baka hindi ako payagan ni mama... eh hindi pa naman alam ni papa na fangirl ako ni Vice. Nakikita naman niya akong laging nanonood ng shows ni Vice pero hindi niya alam na fan ako ni Vice.

matatanggap niya kaya yung pagiging Little Pony ko?


———-

pagkauwi namin ay agad akong nagimpake. mga two-three weeks lang kami doon. after kong magimpake ay pinuntahan ko si mama sa kwarto niya...

"oh? may kailangan ka?" tanong nito. umiling ako at umupo sa bed niya.

"ma,may itatanong ako" sabi ko. nilingon naman ako ni mama.

"ano nanaman 'yan? hindi pa ba nasasagot lahat ng tanong mo?"pilosopong sabi ni mama. natawa ako....

"ma naman eh!"Sabi ko at tumawa si mama.

"ano nga kasi 'yon?" tanong ulit ni mama at bumalik siya sa pag-iimpake

"eh kasi diba? pupunta tayo ng Manila... eh diba sa 22 ung concert ni Vice? baka pwede tayong manood. please?" tanong ko. nilingon ako ni mama saglit.

"tignan natin. hindi naman tayo sigurado kung hanggang kailan tayo sa Manila at kaya naman tayo mpupunta doon eh para makasama ang papa mo" sabi niya at napangiti ako.

"yes! sige ma matutulog na ako.. good nighttttt!"sigaw ko habang tumatakbo palabas ng kwarto...







MAY CHANCE TALAGA NA MAKANOOD AKO NG CONCERT!!!!



(A;N:medyo focused muna sa life ng bida ung previous chapters pero it'll affect the flow of the story. Basta! Lalabas na rin soon ang meme Vice :) please pakispread naman po tong story haha! Love you guys! :) )

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

More Than JUST A FanGirlWhere stories live. Discover now