CHAPTER 1: The Cool Friendships

59 0 0
                                    

CHAPTER 1: THE COOL FRIENDSHIPS

SHENIE’S POV

“Hoyy!! Girl gumising ka nga jan. Anong oras na teh? Wala ka bang balak pumasok?”- KC

 Ang aga aga binubulabog ako netong babaita nato.

“Ano ba? Wait lang mga 5 mins. Na lang po ok ba?”- ako

“Whaat? Hey. Its already 7:30 am. Anong 5 mins. Ka jan?”- KC

“ok ok ito na babangon na nga eh”- ako

“See? Babangon ka rin lang naman pinahirapan mo pa ako. Hayys!”- KC

 Ganyan kami niyan palagi tuwing maaga, aba milagro na ata kapag nauna akong magising sa aming dalawa noh. Tulog mantika daw kasi ako. Well, di ko naman masisi sarili ko eh. Ganyan talaga ako whahahha XD Then mag ka room mate kami ni KC yup nag aapartment kami para daw maging mas independent kami. Grabe nuh? Third year pa lang kaya kami -_-‘

 Pakilala ko muna sa inyo si KC Villamor. Bestfriend ko yan since first year siya na palagi ang kasama ko sa lahat ng bagy. Minsan lang kame magkatamphan niyan, pero mabait talaga yan eh. Laging suportado yan sakin sa lahat ng bagay. Kaya nga lab na lab ko yan ehh XD

Sabi? Nauna ko pang pakilala ung bestfriend ko kesa sa akin hahahaha. Ako nga pala si Shenie Plander. Cool ba pangalan ko? Hehehehe. Nasa third year level na kami. Kaya medyo mateur na kami (weh? Talaga?) Grabe naman? Ayaw maniwala, eh yun ung sabi nila eh. Hahaha :D

Guys, paniwalaan niyo ako huh? HAHAHA :D

Balik tayo kay KC. Ano na kayang nagyari dun?

“Hi Keeyys, Ready ka na?” Kalmadong pagkasabi ko sa kanya pero may ngiti

“Girl, have you seen my pink notebook? I put it there (sabay turo sa mini table) then pumunta lang ako sa CR pagbalik ko wala na. paano yun? Importante sakin yung bagay nay un” sabi niya na natataranta na.

“Ahh, ito ba?” (sabay abot sa kanya)

“Yup, ayan nga. Teka binasa mo ba ang loob nito?” sabi niya na nakakunot ang noo

“Hindi, tinabi ko lang kasi kanina nakita ko na lang yan pakalat kalat. Pasalamat ka nga di ko tinapon eh” – ako

“Edi thank you, Tara na gora na tayiss”- Abot tenga ang ngiti

Sa School..

“Hi Guyss”- bati namin ni KC sa mga barkada namin.

“Hello ^^”- bati nila samen

 May grupo kami ang tawag ay “COOL FRIENDSHIPS” cool daw kasi kameng magkakaibigan. Walo lang kami sina Peter Corpuz (ang weird), si Andrei Lopez (ang boyfriend ni KC), si Coleen Ferrer (chiks sa grupo), si Donnie Porps (pinakabaliw sa grupo), si Jayson Gerrero (ang boyfriend ni Coleen), si Maggie Riyal (isang geek) syempre si KC Villamor at ako. Ang cool di ba? Pag kaming lahat nagsama masaya bonding madami nga daw ang naiinggit sa grupo namin dahil solidarity daw kami. Syempre kami pa, mahal naming ang isat isa noh. Since, first year talaga mag kaklasmate na kaming lahat kaya kilala na naming ang isa’t isa, Minsan may secret place kami kung saan nag oopen forum kami at kapag may problemang dapat ayusin.

“Guys, meron akong papakita sa inyo (sabay kuha ng dahon ewan kung anong dahon yun) base sa pagtingin ko sa paligid na sesense ko ito ang pinakamaruming dahon”- Peter

“Whatever Peter, kaw lang nakakaintindi sa sinasabi mo?”- Coleen

“Tama siya Coleen sa tingin ko yang dahon nga ang pinakamadumi”- Maggie

“Tama na nga yan Guyss, punta na tayo sa Room baka andun na si Mr. Elepante ay este Mr. Cruz Pala”- sarcastic na pagsabi ni Jayson

(nagtawanan ang lahat)

“That’s why I love you Babe”- sabi ni Coleen na nakasmirk

Napa smirk na rin si Jaayson sabay kindat kay Coleen.

Habang naglalakad ay naghaharutan kaming lahat sigeng asaran Lang.

“Oyy si Maggie and Peter bagay sila XD”- KC

Sabay naghiyawan ang buong barkada

“Ano ba guys, may inoobserve lang kami ni Maggie”- galit na pagkasabi ni Peter

“Biro lang Petess hahaha”- KC sabay tawa

Pagdating namin sa room As I expected late kami -_-

“Oh akalain mo nga naman pumasok pa kayo sa klase ko. Late kayo ng 30 mins. Tapos mga nakangiti pa kayo? Ang lakas rin pala ng mga loob niyo eh. Ikaw Maggie tinuring top 1, Ikaw Shenie Ang president. Ano ba kayo?”- gali na sabi ni Mr. Cruz

Sabi ko na nga ba ganito ang madadatnan ko eh -_-

“Tao kame sir” bulong na pabiro ni Donnie kay Andrei

“Mr. Porps and Mr. Lopez whats Funny?”- Mr. Cruz

“Dahil sa late kayo ang buong klase ay magkakaroon ng 1 week detention sa school nato. Habang ang iba ay nasa bakasyon na kayo nandito pa. sabi ko naman sa inyo di ba pag kasalanan ng isa damay ang lahat “- dagdag pa ni Mr. Cruz

“Umupo na kayo kung ayaw niyong dagdagan pa ang detention niyo.”- Mr. Cruz

Nagmadali kaming walo na umupo dahil sa takot kameng madagdagan pa ang detention na parusa namin. Sa totoo lang pang limang beses na late na naming to kaya ayun nahantong sa detention. Grabe yung mga mata ng Classmate namin parang gusto kaming lamutakin at ilibing ng buhay >_<

“Pinainit niyo na naman ang ulo ko ngayon imbes na good vibes lang ako ngayon”- Nagliligpit na sabi ni Mr. Cruz

“Im so disappointed”- dagdag nito sabay layas

“The Cool Friendships. nang dahil sa kanila ay ang buong klase ay may detention at nagalit pa si Mr. Cruz (sabay tingin sa aming walo)” Bridgette na nakataray at naka cross arms

“Excuse me? Kami ba iniinsulto mo? Baka gusto mo bangasin ko yang mukha mo?”- Coleen na galit na galit

Napatayo na lang ako at ako na mismo ang humingi ng dispensa sa mga classmate ko.

Lord sana naman po pakinggan nila ako -_-

“Coleen and Bridgette tama na yan”- ako na galit na nakayuko

Bigla na lang nagtarayan sina Bridgette and Coleen

“Classmates, patawarin niyo sana kami nang dahil sa amin ay nadamay pa kayo" Sabay Vow tanda ng Pag Sorry

“Classmates, papaya ba kayona parang walng nagyari?”- Bridgette

“Shenie tama si Bridgette dapat kayo lang ang nasa detention hindi dapat kami damay sa lecheng  parusa na yan!”sabat ni Claire

“Youre right Claire” Stella sabay tayo

*RING RINGGGGGGG*

RECESS TIME ~

END OF CHAPTER 1

Medyo sabaw eh nuh? HAHAHA :D

Kung naiinip na kayo. Kapit lang mga Readers hehehe XD

Salamat sa pagbabasa J

~ Iamnotjerk

The School Of Massacre (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon