[05] Merlin

486 33 4
                                        

Ang Nightspell School of Wizardry - Eastwood campus ang isa sa pinakamalaki at pinakamatandang wizardry school sa mundo ng mahika. Well, at least for those who knew about the art of wizardry, of course. Dito nag-aral ang ilan sa pinakatanyag na wizards noong 18th century, some even advancing their studies abroad. Wala akong ideya kung anong masteral degree ang ino-offer sa ibang bansa, but it must be pretty damn good considering that they all left Nightspell after finishing their undergrad studies.

Isa sa pinakakilalang alumnus na naiwan dito sa Eastwood ay si Master Zephir, ang kasalukuyang tumatayong headmaster ng campus na ito.

Ang headmaster na nagdesisyong papasukin kaming senior wizards ngayong gabi para saksihan ang wanding rites ng freshmen.

And as expected, I was a bit late for the ceremony.

"Yow, Merlin!" Johannes greeted me as I ran through the portal.

Kumunot ang noo niya nang makitang maputik at may dumikit pang natuyong mga dahon sa robes ko.

"Damn, almost forgot."

I sighed, took my wand out of my pocket and muttered a cleaning spell. Sa isang kisapmata, nagmistulang bagong laundry ang mga damit ko. Kung tutuusin, kung wala akong ibang inaasikaso, kakayanin kong nagpatayo na lang ng laundry shop business at magpakayaman na lang. But then again, revenge always has a price.

Suddenly, Johannes noticed something odd. Sumilip siya sa likuran ko.

"Nasaan pala ang succubus mo?"

I smiled proudly and turned to my side where I knew Vela was boredly watching us. O baka naman naiinis pa siya dahil hindi siya nagtagumpay sa mga binabalak niyang gawin sa'kin kagabi?

Anyway, after I made sure no one was eavesdropping on our conversation, I simply explained.

"Hindi ko siya maitatago gamit ang anumang spell o potion dahil maaari itong ma-detect ng masters. Kaya sumaglit pa ako kanina sa Supplier at bumili ng invisibility paint."

Johannes grinned and gave me a high five. "Dude, that's sick! Ang astig ng naisip mo!"

This time, I tried my best to smile as if it was nothing. Dahil sa totoo lang, sa buong araw naming magkasama ni Vela sa bahay, ilang beses sumakit ang ulo ko dahil sa kanya. Do you know how stressful it is to have a succubus "trying" to seduce you while you worry about how to keep it her a secret from your own school? Mukhang hindi niya talaga nauunawang kahit anong gawin niyang pang-aakit, it won't work on me.

"You look like you're thinking about me. That's cute," Vela cooed. "Nagbago na ba ang isip mo at gusto mo nang matikman ang langit?"

I frowned at her persistence.

"I'm thinking about how to keep your mouth shut later during the ceremony. Hindi ka nakikita ng ibang wizard, pero maririnig ka pa rin nila," paalala ko sa kanya.

Vela placed a hand on her hips, the chain between us rattled. Oo, kinailangan ko rin talagang pinturahan ang kadena, kaya ako na-late. Hindi pa nakatulong na ayaw suotin ni Vela ang normal na mga damit (t-shirt at pants) na binili ko sa kanya sa palengke. Nag-away pa kami kanina. In the end, she conjured up a tight black dress that showed off her every asset.

"Ikaw na mismong nagsabi na wala akong magagawa kung 'di sumunod sa mga utos mo," she said before smirking. "As long as I'm bound to this stupid chain, I'll be as obedient as you want me to be, daddy."

I ignored the endearment. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya.

Pero sa kabila nito, tumango na lang ako at sinundan na si Johannes papunta sa event arena.

Sa 'di kalayuan, nagdadagsaan na rin ang iba pang mga wizards suot-suot ang kanilang mga batch robes. Naka-color coding per year ang mga wizard robes namin, ours being a deep shade of crimson.

Maya-maya pa, nagtipon-tipon na ang lahat sa espasyo. Nightspell's event arena is situated at the very heart of the castle grounds. Maihahalintulad ito sa isang mini-Colosseum, yari sa mga batong nandito na mula noong isinilang ang mundo ang buong istruktura. It was ancient and filled with untapped energy, the kind that makes your skin crawl in discomfort. Sa pinaka-sentro nito, mayroong pabilog na entablado kung saan direkta itong nasisinagan ng supermoon. The ceiling itself was enchanted to vanish every time wanding rites occur.

Naupo kami ni Johannes sa pinakadulong row, kung saan kakaunti lang ang seniors na pumwesto.

Thankfully, mukhang wala pang nakakapansin sa kasama ko.

'At least the invisibility paint worked,' I thought appreciatively.

Ilang sandali pa, narinig na namin ang trumpeta na hudyat ng pagsisimula ng ceremony.

I allowed myself to relax, knowing that this will only be an hour or two. Sana lang hindi mainip si Vela at makalimutang bawal siyang magsalita ngayon.

Suddenly, a blur of crimson appeared from my other side. Johannes looked alarm, but before he could even warn me about it, I felt a pair of feminine arms wrap around my neck.

"MERLIN! Bakit hindi mo 'ko tinawagan kahapon? Sabi ko naman sa'yo palagi mo 'kong ia-update huhu na-miss kaya kita sobra!"

"Nian---"

"Na-miss mo rin ako, 'di ba?"

She pecked my cheek.

I froze in my seat, feeling the murderous glare from my right side. Nang sumulyap ako kay Vela, napansin kong masama na ang tingin niya sa bagong-dating, partikular na sa brasong nakalingkis pa rin sa'kin. At base sa ekspresyon ng succubus, mukhang handa na siyang daldalan ako.

And no, this is not good at all.

---

✔ How To Tame A Succubus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon