[04] Vela

311 26 1
                                    

"Sigurado ka bang hindi ka asshole in training din? Hindi pa huli ang lahat para magpalit ka ng career." 

Pero tulad ng inaasahan ko, hindi na naman ako pinansin ni Merlin at umayos pa ng pagkakahiga. I pouted and stared at the mountain of pillows in between us. Nang dalhin niya ako rito kanina, na-excite ako nang malaman kong matutulog kami sa iisang kama.

"Wait... Sa iisang kama? Tayo?" I grinned like a mad woman. "Magkatabi tayo?"

My wizard sensed that I was getting too curious about it, so he nodded, took off his jacket and shirt, and climbed into bed.

I gaped at the glimpse of his nude torso.

At hindi ako magsisinungaling sa inyo: nagustuhan ko ang nakita ko.

Muntik na talaga akong tumawa na parang mangkukulam kanina dahil akala ko talaga gumagana na ang pang-aakit ko sa kanya. For a moment, I thought I was victorious! I smirked and snapped my fingers, changing the shabby robes he gave me into something more sexy.

What? Sexiness is a talent.

Nang masulyapan ko ang sarili ko sa salaming nakapatong sa desk niya, napangiti ako.

'Yes, no man on earth can resist this,' I purred in my thoughts and ran a hand through the see-through fabric. Kung sabagay, bale-wala rin naman ang tela dahil halos wala nang tinatakpan mismo ang lingerie na suot ko. 'Humanda ka, Merlin.' I licked my lips, eyeing my victim.

Indeed, for a moment I thought I was victorious.

PERO...

Noong gagapangan ko na sana ang wizard in training na 'to, napasigaw na lang ako nang inatake ako ng mga unan sa pagitan namin.

"ARGH! GET AWAY FROM ME!"

I was literally and mercilessly attacked by these stupid pillows! Umabot pa sa puntong nahulog ako sa kama. Nagulo pa tuloy buhok ko, tsk. Ano ba 'to? Wala sa mga plano kong makipag-wrestling sa mga unan! I'm a succubus for pete's sake!

Ilang sandali pa, huminto na sa pag-atake sa'kin ang mga unan.

"You think I'd let you sleep in my bed without protection?"

Mula sa sahig, nag-angat ako ng tingin. Sinalubong ako ng nakakainis (pero nakakahalinang) ngiti ni Merlin. He was lying on his stomach, looking at me from the edge of the bed, bare arms prompted and crossed.

"At ano ba 'yang suot mo?" He asked, not even keeping his eyes on my body for more than a split second.

"It's a sleepwear. Don't you like it?"

"Kung matutulog ka nang ganyan ang damit mo, mabuti pang naghubad ka na lang."

Kuminang ang mga mata ko.

"Hmm gusto mo ba akong maghubad?"

Poker face.

"Getting naked doesn't make you attractive. Good night, Vela."

What the fuck? Argh, this man! I am officially pissed off, but with the way he was looking down at me, I could only let my imagination run wild. Desire hummed through my veins.

'Him looking at me like that while being on top of me... asserting dominance as he maps every inch of my skin... while I let the wizard do what he wants to me.'

Napalunok ako.

Nang mapansin ni Merlin ang kakaibang ekspresyon ko, napabuntong-hininga na lang siya at bumalik sa pwesto niya kanina. The chain between us rattled as he laid back down.

"Kung iniisip mong magagawa mo ang binabalak mo, nagkakamali ka. I already prepared for your arrival, lambkin. This entire room is enchanted---designed to keep a succubus from molesting a poor wizard like me."

Napanganga ako sa sinabi niya.

And that is exactly how I'm stuck in this situation now, glaring at the shitty pillows between us. Alam kong anumang oras, kapag naramdaman nilang lumagpas ako sa imaginary boundary sa pagitan namin, they'll attack me again like rabid dogs!

Believe me, at this point I've already tried everything.

Kanina lang sinubukan ko na ring umalis ng kama para dumaan sa kabilang gilid, pero palagi akong tinitisod ng floorboards.

Sinubukan kong haplusin ang likod niya, pero bago pa man makalapat ang kamay ko sa balat ni Merlin, bigla akong sinakal ng kumot.

Nakaka-frustrate na!

I sighed and gazed at the ceiling. Doon ko lang napansin ang maliliit na orbs na lumulutang sa itaas, like little night lamps giving the room a relaxing atmosphere. Napasimangot ako. Paano ba ulit ako napunta sa sitwasyon na 'to?

I stared at the metal cuff on my wrist.

'Nakakainis.'

But I was pulled out of my reverie when I heard Merlin lightly snoring beside me. Napalingon ako sa pwesto niya, nakatalikod pa rin sa'kin. Tama ang hinala ko. He must've been worn out with all the energy he used in his spells. Hindi ako pamilyar sa wizardry, but I know a tired person when I see one.

And from when I can guess, Merlin is gonna need all the energy he can get if he's going to get his revenge.

At alam kong wala akong magagawa kung hindi magpagamit sa kanya.

Pumikit na lang ako. Bahala na.

"Good night, my wizard."

---

✔ How To Tame A Succubus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon