[08] Vela

325 29 0
                                        

I've been in and out of Eastwood long enough to know how boring magical ceremonies can be. I mean, sino ba naman ang tatagal na nakaupo lang nang ilang oras habang nanonood ng kung anong milagro ang nangyayari sa stage?

I have no patience for such trivial things, but being bound to my wizard leaves me with no choice.

'Is he still mad at me? Oh la la la~'

Sumulyap ako wizard na nasa tabi ko. I couldn't help the victorious smirk playing on my lips as I eyed the hickey on his neck. Kanina pa niya pilit tinataas ang roba niya, pilit itinatago ang marka ko sa kanya. But at this point, I think we both realized that hiding a hickey as red as that one is near impossible.

Kaya kanina pa niya ako hindi pinapansin o kinakausap. Not that we have anything to talk about, of course. Merlin is a man of few words, that much I observed.

'I'd love to see that clingy witch's face when she notices it!' I internally snickered like a mad woman.

Soon, a burst of light filled the entire colosseum. It was too brilliant for even a succubus like me to ignore. Narinig ko ang pagsinghap ng audience na para bang isang magic show ang kanilang sinusubaybayan.  Curiosity got the best of me and I averted my eyes to the elevated stage. Napuno ng liwanag ng supermoon ang paligid at panandaliang nawalan ng anino ang mga freshie wizards sa harapan. There were about twenty of them in a circle and their white robes floated in midair, as if suspended in liquid. Halata ang kaba sa ekspresyon ng ilan, habang ang iba naman ay parang natulala sa mga nangyayari. Before them, the headmaster chanted something in an ancient language, eyes glowing an eerie shade of white.

For a moment, the old man looked like a prophet from those cursed stories I've heard about in the mortal world.

"Ab origine, ad astra, ad altiora tendo..."

It is no mystery that demons can understand the language. In my case, except from the fact that it's one of the oldest forgotten language in both Eastwood and Tartarus, succubi were born from the remnants of ancient lust and unforgivable sin of men. As told as humanity itself.

'From the source, to the stars, I strive to higher things...'

You can say that demons are devotees of the ancient tongue, while these witches and wizards are wielders of it. Kaya ito ang pundasyon ng kanilang mga spells at incantations, at kaya sila may kapangyarihang ibigkis ang mga katulad namin. Don't be fooled, demons and wizards never got along even in the past. Throughout the course of time, wizards learned to manipulate the words for their own selfish gain while demons learned to outsmart them with bargains and twist the terms.

'We've been using each other since the beginning of time, like a wicked symbiotic relationship that'll only lead to destruction,' I thought. 'Nothing good can come out of two evils.'

From the corner of my eye, I noticed Merlin shift in his seat. Eyes focused on whatever was happening.

Napabuntong-hininga na lang ako at hinintay matapos ang seremonya. Wala naman interesanteng nangyari bukod sa nag-materialize na ang mga gagamiting wands ng mga freshie wizards. Nang matapos ang headmaster, he greeted the new students and took off his ceremonial robe. Napansin kong may nag-assist pa sa kanyang propesor habang naging abala naman ang iba sa mangyayaring handaan sa Nightspell Hall, or wherever that place is. My eyes darted to the wands held in amazement by the freshies, iba't iba ang disenyo at kulay ng mga ito. Bumalik sa alaala ko ang nakita kong wand ni Merlin, how intricate the design is on the black wood.

"Wands are unique to every magic wielder," he suddenly explained beside me. "They materialize from our inner potential, cleansed and charged by the supermoon's light. The color depends on the power. A deeper shade indicates a more dormant source of magic."

Hindi ko alam kung nabasa ba niya ang nasa isip ko o talagang magaling lang siyang manghula.

O baka naman may crush na siya sa'kin? I smirked at that idea and scooted closer to him.

"Oh, I already know 'wands' are 'unique', darling... I've seen enough of them. Pero parang hindi ko pa nakita nang maayos ang sa'yo."

Napasimangot si Merlin sa sinabi ko. But before I could even inch my hand towards his...wand... he got up and almost dragged me with him. Mukhang hindi pa rin maganda ang mood niya dahil sa ibinigay kong marka sa kanya.

"Reserve your seduction, succubus. Kakailanganin ko pa ang tulong mo."

The rejection hurt, but Merlin being Merlin didn't seem to care.

Hay! Ang arte naman ng wizard na ito. Bakit ba hindi siya naaakit sa'kin? Tsk. Whatever the reasons are, I'll surely get to the bottom of this and then get into his pants!

---

✔ How To Tame A Succubus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon