CHAPTER 33: SURPRISE!!!!

49 5 0
                                    


ELY'S POV

(MUSIC: Crying alone)

Mag-isa na lamang ako rito sa kulungan. Naka-alis na pala rito si Adrian mag mula nang dalhin nila ako sa court.

Sabi ng mga pulis papatawan ako ng kamatayan matapos ang isang linggo. Binigyan nila ako ng pagkakataon na sa lahat ng araw pupwede akong bisitahin ng sinuman.

Naubos na ang aking luha kagabi sa kakaiyak kasama si Ninang Madona nang bisitahin nya ako rito sa kulungan.

Nasa hospital siya ngayon at nagpapagaling matapos mahimatay sa sobrang lungkot. Sinisisi ni ninang ang kaniyang sarili sa mga nangyayari, subalit, wala naman talaga siyang kasalanan. Nagpasalamat pa nga ako sa kanya dahil sa binigay niyang opportunity sa akin na makapag-aral kahit sa sandaling pagkakataon.

Magpahanggang ngayon tinatanong ko parin ang aking sarili kung bakit ginawa iyon ni Dwane. Hindi ako makapaniwalang isusumbong niya ako sa mga pulis!

Si Papa! Ililibing na siya matapos ang tatlong linggo. Hindi ko na sila mabibisita. Pati si mama!! Hindi ko na sila matutulungang hanapin pa si Doc. Laurence para ipagamot si Sirius!!! ANG KAPATID KO SA INA.

Wala akong magawa sa loob ng rehas kundi ang tumunganga na lamang. Napaka tahimik ng lugar lalo na't wala rin akong nakaka-usap.

Nakaupo ako malapit sa rehas habang nakahawak ang dalawa kong kamay sa mga matitibay na bakal na nakatayo. Di ko na alam kung papa-ano pa ako makakalabas sa maliit na silid nato. Pinagmamasdan ko na lamang ang mga rehas na medyo kinakalawang na sa tagal ng panahon.

Tulad ng aking mga pangarap para sa aking pamilya. Gusto kong i-ahon sina mama sa hirap pero heto ako ngayon, tila ginagapos ng malaking problema. Gusto mang makawala subalit napakadaya ng tadhana.

Akala ko ba makakapagtapos ako ng pag-aaral rito sa City? Pero ibang landas ang aking natagpuan. Isang landas na kailan man hindi ko piniling puntahan.

Si ate, bukod sa pamilya ko si ate lamang ang nakaka-alam na naparito ako sa maliit na silid na to. Isang kasalanan na ibinibintang na di ko naman kayang pagtuusang gawin. Isang kasalanan, na tila pumipigil sa ilaw ng aking tagumpay na gusto ko sanang tanawin at abutin. Isang kasalanan na gawa ng taong ipinasa lamang sa akin.

Gusto ko mang makapiling pa sina nanay sa mga huling sandali, subalit ayaw ko siyang makitang lumuluha dahil sa akin. Ayaw kong atakihin siya sa nerbyos dahil lamang sa sitwasyon kong ito.

"AHhhhh!!!! Mama, papa!!!!"

Ang luha koy mababaw na. Kailangan ko nalang maging masaya sa mga huling sandaling ito. Ayaw kong mawala sa mundo na puno ng lungkot ang aking puso. Tama na to!!!

"Mawala man ako, pero hindi ko hahayang hindi makapagsulat ng liham para sa aking minamahal na pamilya."

Habang nag-iisip ng pwedeng maisusulat, may nakita akong mga paang humakbang papunta sa aking harapan.

"Ely, ang pamilya mo, pinatuloy ko na lamang sa amin"

Nang marinig ko ang kaniyang boses alam ko na agad na si Adrian ito. Tumayo ako at kinausap siya.

"Bakit anong nangyari?" Tanong ko na tila tinatago ang mabigat na lungkot sa aking puso habang nakatingin sa kanyang mga matang tila puno ng awa.

"Sinisingil na ni Misis Josephine ang nanay mo sa inyong utang" Malungkot niyang sabi sa akin.

Nag Confess Ako kay Crush (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon