Chapter 4: Red Blood

985 39 2
                                    

EDITED

Bakit ngayon pa?! Sigurado naman akong ikagagalit nila Kong hindi ko sila papansinin at Kong hindi ko naman ito gagawin sure akong maabutan kami ng checkpoint at tuluyang hindi na makapasok sa city!

Naku!!! Hindi ko pinangarap na mabulok sa kulungan! "Ely mag isip ka! Mag-isip ka Ely!" Mga salitang bumabagabag sa aking utak.

"Ely! Hoy Ely John iz that yow?" Sigaw ng classmate Kong si Radz. Parang sasabug na ako sa kaba, anong gagawin ko? Habang nag-iisip ng malalim nabigla ako nang inagaw ni Dwane ang supot mula sa aking kamay at nagsabing "I think that was your friends, don't worry take time with them I can handle this all.".

Grabe naman! Hindi man lang niya inisip na nagmamadali kami ngayon, eh ano pa naman ang magagawa ko?
Napagpasyahan Kong lumingon at kausapin sila " Uy! Kayo pala!" At ako'y lumapit. Pansin ko na kasama nila Ang kanilang jowa.

Pinaupo ako ni Ruel sa tabi ng kanyang jowang si Jayton, at maroon Rin Ang jowa ni Radz na si Rhiniel. Ang pagkakaalam ko sa kanila, mayayaman sila, at kasalukayang nag-aaral Ang kanilang mga Jowa Sa Gensan NDDU. Di ko Alam bakit nila na target Yong dalawa, pero proud parin ako sa Kanila.

Mula sa aking pag-upo marami na silang mga tanong "Hoy Ely! Huwag mong sabihing Jowa mo iyan? Hinding-hindi talaga kami maniniwala!," sabay sabunot sa aking buhok " Maawa ka Ely ginayuma mo yong taong wala namang kalaban-laban sayo!" Hahay grabe naman tong si Ruel.

"Can I sit?" Sabi ni Dwane na inakala kong maghihintay lang sa sasakyan. Apat lang naman ang pupwedeng makaupo dalawa-dalawa sa magkabilang gilid, nakatayo nga lang si Ruel kasi di magkasya tapos nag tanong pa siya kong puwede? Hahay!

"Sure! Sit there! Ahhh sit down." Sabi ni Ruel. Nakaupo naman si Dwane sa tabi ko kasi pina-alis muna nila si Jayton at Rhiniel upang bumili ng pagkain sa loob. Kaya si Ruel naman ay umupo sa tabi ni Radz. "Hoy! Ely sagutin mo muna ako!" Muling sabi ni Ruel na nagtataka ng labis "Ano nga ulit iyon?" Pinaulit ko ang tanong niya kasi naman parang wala ako sa sarili ko dahil sa mga reaksyon ng kanilang mga mukha na tila nakakita ng lumilipad na unicorn kong baga dikapani-paniwala. "Sabihin mo!," pasigaw nyang sumbat sa akin "Kaano-ano mo siya?" Patuksong tanong niya. Hindi ko maiwasang mainis sa tanong ng kaibigan ko kaya naisip kong....

What if tutuksuhin ko siya at pagsilusin "Naku Ruel! Dika maniniwala Kong sasabihin ko Yong totoo sabagay hindi ka naman makikinig sa mga paliwanag ko,"
"Ano nga!?!" Pagkasabik ng dalawa.
Saglit na lumingon ako kay Dwane "Radz, Ruel Jowa ko si Dwane." Sa sinabi ko hindi parin naniwala si Ruel pati si Radz na tila may mga pagtataka sa kaniyang mukha.

Sunod na napunta ang tingin ko Kay Dwane, salamat naman at nakangiti lang siya normally mabuti at hindi niya naiintindihan ang sinabi ko kaya safe ako haha.. "Huwag mo kaming lukuhin Ely," panuksong tawa ni Ruel na tila ay may pagseselos sa kanyang tinig.

"Tanungin ko nga siya Kong nagsasabi ka nga talaga ng totoo."

Huwag naman sana! Baka mapapahiya ako! Ruel naman nagbibiro lang ako bat ko ba iyon nagawa?

"Hey bro! Ahhh.... Ahmmm is this is Ely that.... Jowa mo?" Tanong ni Ruel Kay Dwane na may pa hand and body gestures pa "Huh? What did you say?" Sagut ni Dwane.

Natawa lang ako sa sinabi nya pero mabuti narin iyon. Salamat at hindi niya naintindihan

"Ahmm Dwane he said that if you know how to nod can't you?" Iniba ko para naman maisahan ko ang bakla , kaya nang mag nod si Dwane napasigaw si Ruel ng napakalakas at nanlalaki ang mga mata habang si Radz naman tawang tawa dahil sa ginawa Kong eksena. Buti nga sayo hehehe.

Ipinakilala ko sa kanila si Dwane at ipinakilala ko Kay Dwane ang dalawang matatalik kong kaibigan.
May kinuha si Ruel sa kaniyang maliit na bag ngunit di ko lang ito pinansin

Nag Confess Ako kay Crush (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon