Chapter 1

25 1 2
                                    


Hi. Ako nga pala si Dana Marie Mendoza. 13 years old. 1st year High school palang ako. And sa public school ako nag aaral.

Nung araw na nalaman ko na sa public school ako papasok. Ayaw na ayaw ko talaga. Hindi sa maarte ako dahil 'public school nga siya' at ako ay graduate ng elementary sa isang private school.

Ayaw kong mag aral sa public school dahil natatakot ako at nahihiya na makisalamuha sa ibat - ibang tao. Dahil hindi naman ako ganun ka'sociable sa maraming tao.

Nung elementary palang, sanay na kong mag isa. Dahil walang gustong kaibiganin ako dahil nga siguro panget ako at boring kausap.

Kaya simula nun. Nasanay na ko.

Pero eto ako. Nag aaral na ko sa isang public school. Mag iisang linggo na ko dito sa paaralan na ito. At kasalukuyan na nila akong pinagtitripan. -_-


"Ayiieee!!!! Hahahaha"

Sigaw ng mga kaklase ko tapos saka tatawa ng malakas.

Ganito palagi ang nadadatnan ko bago ako pumasok ng classroom namin sa umaga.

Hiyawan dito.

Hiyawan doon.

Parang mga wala sa higher section e. -____- Hindi kami Section A na inaakala niyo. Section B lang kmi

. Parang extension lang kmi ng Section A.

Pati na nga din yung katabi namin na section, (Section A) nakikisali na din sa mga kalokohan ng mga kaklase ko.

Alam niyo ba kung sinong mahilig mantrip sakin?

Lahat ng kalokohan na ito ay kagagawan ni KEVIN SUAREZ !!!!!

Ako palagi ang pinagtitripan ng lalaking to. Ewan ko nga ba? At sa dinami dami namin sa aming section. AKO ang napili niyang pagtripan!.

Siguro dahil sa PANGET nga ako.

Oo PANGET ako.

Maitim ako. Mukhang manang kung manamit. Hindi nag aayos ng sarili. Palaging oily ang mukha. Pero kahit ganito ako. May utak naman ako. Na siyang ikinaNGA-NGA NGA palagi ng mga kaklse ko sa panahon palagi ng aming klase.

"Good morning Dana :)" Bati sakin ni Kevin sa harap ng pintuan.

Syempre? Ano pa nga ba? Edi nag sigawan na naman ang mga kire kong kaklase . Samahan pa ng mga estudyante sa Section A.

Edi ang lakas nun diba?

Kulang na lang talunin nila ang lakas ng hiyawan sa sabungan. -_-

Nilampasan ko na lamang si Kevin at umupo na lang sa upuan ko.

Nang makaupo na ko sa upuan ko. May naririnig pa kong nagbubulungan... I mean. Di pala yun bulong. Rinig na rinig ko e.

"Hahaha! Pare! Lakas ng tama mo kay Dana ah! " sabi ng kaibigan ni Kevin.

"Oo nga pare! Sa tuwing nakikita ko si Dana sa umaga.. DUMADANA ANG ARAW KO!!! INLAB NA ATA AKO! SHET! " sabi ni Kevin na MAYABANG ! Wow ha? Hindi naman yun malakas no?

// AUTHOR'S NOTE: ( DUMADANA ANG ARAW KO) --- ang ibig sabihin dyan ni Kevin. GUMAGANDA daw ang araw niya sa tuwing nakikita niya si Dana. Hahahaha Kilig much XD //

Sa halip na tumingin ako sa direksyon ni Kevin.

Tumingin na lang ako sa Black board namin. Kahit wala pa doon ang aming adviser.

Hmmp! Aantayin ko na lang si mam.

Pero after .. uhh. 2 minutes? May kumulbit sa likod ko.

Nilingon ko ito. At nakita ko si.. sino pa ba? Edi si KEVIN!

"Hi :)" nag hi siya sakin. Tapos sabay takbo papunta sa upuan niya. Magkabukod kasi ang upuan ng mga babae at lalaki.

Biglang bumilis ang tibok na puso ko O_O .

Ay bakit kaya?

"Huy! Dana! Anyare sayo? Najan na si mam oh. Hayaan mo na lang si Kevin. Kahit ako naiinis na din jan e. Lagi ka na lang pinagtitripan. " sabi ng seatmate ko na si Jodith. Si jodith ay close friend ko. Siya lamang ang mabait sakin dito. Buti pa siya. Nagpapasalamat ako kay God at binigyan niya ko ng kaibigan kahit isa na palagi kong nakakasama.

Tumango na lang ako sa sinabi ni jodith. At umupo ng ayos.

Pero habang nakatingin na ko sa teacher namin. Hawak hawak ko pa din ang dibdib ko sa tapat kung san nadoon ang aking puso. At tila ayaw parin nitong tumigil sa pagkakatibok ng mabilis.

Hindi kaya nagkakagusto na ko kay Kevin? Hindi pwede.. Ayoko nang maulit pa ang naranasan ko noon..

****

Hi readers!!! ^___^

Yey! Tapos na ko sa Chapter 1 ! Haha

Pasensya na po sa mga typo ko. Haha. Pati na din sa wrong grammar XD

Okay lang po ba yung nagawa kong chapter 1? First story ko po kasi to. Hindi ko pa masyado alam kung anong gagawin. Haha.

Comment na lang po kayo kung may mga nais kayong sabihin about sa story ko. Thank you :)

-nica

Mr. ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon