Chapter 2

34 1 3
                                        

Hindi pwede to.

Hindi pwede...

Sabi ko sa isip ko.

Natauhan lang ako ng makita kong nasa harap ko na si Ma'am . Ang teacher namin sa filipino/adviser.

"Ms. Mendoza? Nakikinig ka ba?" Sabi sakin ng adviser namin.

Lahat ng mga kaklse ko nakatingin sa akin. Nang biglang magtama ang mga mata namin ni Kevin.

Aissshh!

Bigka kong ibinalik ang tingin ko kay Ma'am.

"P-p-po? Opo ma'am" sabi ko sa kanya.

"Ipaliwanag mo kung anong ibig sabihin ng monolog"

Tumayo agad ako at sinabi kung anong tinatanong ni mam.

Sinabi ko sa kanya kung ano ang sagot. Hindi nagkamali si ma' am ng tanong sakin. Dahil nasagot ko naman ito ng tama.

"Tama ang iyong sagot. Pero sa susunod. Ituon mo ang iyong atensyon sa klase ko. Maliwanag ba?" Sabi niya sa akin.

"Opo ma'am" sabi ko naman sa kanya.

Nakita ko na naman si Kevin na pumalakpak ng mahina. Matapos kong sumagot sa tanong ni ma'am.

Hindi lang siya pumalakpak.

Ngumiti pa siya ng malawak.

Hay nako. Dana wag mo na lang siyang pansinin. Tsk.

Sabi ko sa isip ko.

(Recess)

*ring * *ring*

"Dana. Naku hindi kita masasamahan ngaun sa recess. May inuutos kasi sakin si Ma'am Santos sa office eh. Ok lang ba sayo?" Sabj sakin ni jodith. Ang nag iisa ko lang kaibigan dito sa section namin.

"Ah... sige ba ok lang. Sanay na naman akong mag isa." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Dana, pasensya na talaga. Kung di lng ako nakita ni Ma'am Santos kanina. Edi sana hindi niya ako uutusan ngayon at masasamahan kita ngaun mag recess." Sabi niya.

"Naku. Ano ka ba. Ok lang yun :) sige punta ka na dun sa office ni Ma'am. Magalit pa yun sayo eh." Sabi ko sa kanya.

"Ay siya oo nga. Cge Ba'bye na :) babalik ako promise :)" sabi niya sakin. At tuluyan na nga siyang umalis.

Bago ako bumaba sa classroom namin. (Nasa taas kasi yung classroom namin. Bale nasa 2nd floor kmi.) Inayos ko muna anf mga gamit ko. Mahirap na baka manakawan ako dito. Dami pa naman luko luko dito saming section. Ewan ko nga ba kung bakit nagsama sama dito ang mga estudyante na pasaway. Parang wala ako sa Section B eh. -.-

Lumabas na ko sa classroom at bababa na sa building namin para bumili sa canteen ng makakain.

Nang makarating na ko sa canteen.

Nagulat ako dahil masyadong Crowded ang canteen. Dahil sa mga estudyante. At dahil hindi ako sanay lumapit sa mga tao. Lumayo muna ako at inintay na umunti sila. Kahit gutom na gutom na ko.

Kaya tumayo muna ako sa gilid..

Nang may nahagip ang mga mata ko na hindi ka aya aya.

Nakita ko si Kevin na pasimpleng kumukuha ng pagkain habang sinasamantala niya ang pagkakataon na maraming estudyante ang nagsisiksikan makabili lang ng pagkain.

Pasimple niyang kinuha ang isang Hamburger na nakapatong sa lamesa. Malayo iyon sa tindera. Kaya hindi iyon napansin na kinukuha na pala.

Nang makuha ni Kevin ang Hamburger sa canteen or let us say.. nang manakaw na niya ang Hamburger sa canteen, umalis na siya sa maraming tao na akala mo'y wala siyang nagawang mali.

Dumaan siya sa harap ko. Pero parang hindi niya ako napansin dahil busy siya sa pagkain ng ninakaw niyang hamburger.

Grabe lang. Ganun ba ang ugali ng mga kabataan ngayon? O si Kevin lang. Hayyy.

Bahala siya sa buhay niya. Ang dami na niyang kasalanan.

Sayang ang kagwapuhan niya. Nagnanakaw pala siya.

Wwhhat? Anong nasabi ko?

Erase erase! Erase erase!

Di siya Gwapo! Panget siya!

"Hay nako Dana bumili ka na nga lang ng pagkain mo. Tsk" sabi ko sa sarili ko. Nababaliw na ata ako.

(Class room)

Narito na ko sa classroom namin nagyon.

As usual? Ako lang ang mag isa na umakyat dito. Dito na lang ako kumain sa classroom namin dahil wala nga si Jodith ang kaibigan ko. Inutusan kasi siya ni Ma'am Santos.

Pero kapag kasama ko si Jodith, sa canteen kami palagi nakain.

Nang matapos na kong kumain.

Tatayo na ko sa upuan ko para itapon ang basura ko. Malapit lang ang basurahan sa kinauupuan ko.

Nasa likod lang namin yun ni jodith.

Bakit nasa likod namin? Nasa last row kasi kami dahil sa surname namin. Letter 'M'

Papunta na ko sa basurahan ng makita ko si Kevin na nakaupo sa takip ng basurahan namin. Ang basurahan kasi namin ay isang malaking drum. Alam niyo yun? Malaki dapat ang basurahan namin dahil madami kaming estudyante dito sa section namin.

Bigla akong kinabahan ng ngumiti siya sakin ng nakakaloko.

Hindi ko na lamang siya pinansin.

"Uhh. Excuse me. Magtatapon lang ako." Sabi ko sa kanya. Habang hindi nakatingin sa kanya.

"Okay Ms. Dana :)" sabi niya at muli na naman siyang ngumiti ng nakakaloko. -.-

Bubuksan ko na sana ang takip ng basurahan ng bigalng hawakan ni Kevin ang kamay ko.

Dahil dun. Nagulat ako at bigla kong nabitawan ang itatapon ko sana.

Pakiramdam ko bigla akong namula sa ginawa niya. Ano ba yan. Hinawakan lang niya ang kamay ko nagmukha na kong kamatis. >_

"Ako na ang magtatapon para sayo ;)" sabi niya na may kindat pa.

Buti na lang walang nakakakita samin ngaun . Kundi isang pang aasar na naman ang matatamo ko mula sa section na ito. Tss.

"Ah.. ah.. sige salamat" sabi ko sa kanya sabay talikod sa kanya na hindi ko na inintay pa ang sasabihin pa niyang kalokokahan.

At bumalik na ko sa upuan ko sabay hinga ng malalim.

---

Mr. ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon