Narito na kami ngayon sa Gym para mag practice sa aming sayaw.
"Ok class, makinig muna ang lahat! 30 minutes lang tayo ngayon dito sa gym. Kung hindi baga sana kayo nagtagal kanina sa classroom niyo sa pagpili ng kapartner niyo. Edi sana 1 oras tayo dito?! Mga bwiset kayo! Pinapainit niyo ulo ko! " sabi ng aming matapang na teacher sa Pe. Oh-oh ! Nagagalit na siya. -.-
"Oh! Ito ang photo copy. Tingnan niyo dito ang mga steps na kailangan pag aralan sa folk dance. Tinatamad akong magturo sa inyo. Babantayan ko na lang kayo. Umayos kayo ha!" Sigaw muli ng aming Teacher. -.-
Grabe lang. Porket gobyerno ang nagpapasweldo sa inyo. Ganyan ang trato nyo sa mga estudyante sa public school. Kung kaya ko lang umimik at sumigaw dito sa kinatatayuan ko. -.-
"Dana, oh eto na ang photo copy natin. Good luck satin. Psh." Sabi ni jodith na halatang naiinis na din kay sir.
5 minuto na ang nakalipas at marami rami na din ang na' aral namin ni jodith.
Habang nagkakatuwaan na kami ni jodith sa aming ginagawa... May kumulbit mula sa aking likuran.
Napalingon agad ako dahil ang sakit niyang kumulbit. Halatang inis sakin -.- Ang bigat kasi ng daliri. Grabe naman.
"Oy!" Kabarkada pala ni Kevin ang kumulbit sakin. Pagkasabi niya sakin ng 'OY' tinuro niya si Kevin gamit ang kanyang nguso.
Napalingon naman ako kay Kevin.. at nakangiti na naman ang loko. -_-
Pagkatapos niyang ngumiti. May sinabi siya sakin. Yung parang walang boses? Pero naintindihan ko dahil magaling ako sa lip reading.
Alam niyo yung sabi niya? Eto lang naman. "Dana, tayo na lang ang partner. May putok pala tong kapartner ko. Gusto ko ikaw na lang ;)" sinabi niya yun habang nakatalikod yung kapartner niya.
O-o-kay? Parang natawa naman ako na kinilig dun.
.
.
.
.
Ay Fotek! Hindi nga sabi ako kinilig! >_<Eh bakit naman niya ako gusto makapartner? Pag titripan nya lang ko panigurado. At tsaka Ang arte niya ha. Magtiis siya! Yun ang pinili niya e. Tsaka maganda naman yung kapartner niya ah? May putok nga lang. Haha.
Okay. Ang sama ko na. -.-
Matapos sabihin yun ni Kevin.
Tumalikod na ko sa kanya. At hindi na pinansin. Bahala siya sa buhay niya.***
"Ok. Class. Balik na kayo sa classroom niyo tapos na ang 30 minutes. " sabi ni sir na masungit.
Nagsimula nang maglakad ang aking mga kaklase paakyat ng aming classroom.
As usual? Nagpahuli kami ni Jodith. Ayaw kasi namin sumabay sa pag akyat kapag maraming tao.
Mag lalakad na sana kami ni jodith ng biglang may bumulong sa mula sa likod ko.
"Tayo na lang kasi ang partner ;)" agad kong nakilala ang boses na iyon. At hindi nga ako nagkamali. Si Kevin nga. -.-
Pag'ka bulong niya sakin agad siyang tumakbo papuntang classroom. Namin.
"Dana, ansabe sayo ng Kevin na yun? " sabi ni jodith.
"Ha? Uh. Uh. Wala. Nang aasar lang. " pagsisinungaling ko sa kanya.
Nakakainis ka talaga KEVIN! Bakit parang na a-ano ako?! Ugh. Nevermind. -.-
"Lagi ka na lang pinagtitripan nun no? " -jodith
"Kaya nga. Tara na nga" aya ko sa kanya.
***
Whooot ! Hahaha :D
Ang lande ni Kevin! HAHAHA XD
Hello ulit ! XD ang ikli kong gumawa ng chapter. Sorry ulit
Hahaha.Follow me on twitter : @itsnicabels
Instagram : itsnicabelsThank yow :*
-nica ;)
