Ilang minuto pa bago makarating ang kaibigan ko na si Jodith galing sa office ni Ma'am Santos.
Kaya naman nakatunganga lang ako pagkatapos kong kumain at hindi parin makarecover sa ginawa ng Kevin na yun. Haaaysss!
"Dana!.." sigaw niya habang patakbo na papalit sakin.
"Nakuuu! Pasensya na talaga ha? Hindi agad ako nakabalik dito sa classroom. Si Ma'am kasi e! Kwento ng kwento. Di tuloy ako maka angal. Nagpanggap na lang ako na masakit na ang tiyan ko kaya pinaalis na niya ko. " sabi niya sakin.
"Grabe naman yang si Ma'am Santos. Hehe. Oh? Kumain ka na ba?" Sabi ko sa kanya
"Ah oo. Grabe Dana halos mabilaukan na ko sa pagmamadaling kumain kala ko time na. Lagi nga palang Late yung teacher natin sa P.E haha"
"Oo nga. Haha" sabi ko sa kanya. Na may halong konting tawa.
Hindi din naman nagtagal ang pag uusap namin ni Jodith. Bigla din naman dumating ang aming teacher sa P.E ang kinakatakutan kong teacher. T_T
"Good morning Class" bati niya sa amin.
"Goid Morning Sir." Agad naming sagot. Ayaw kasi niya na hindi agad nasagot sa kanya.
"Ang topic natin ngayon ay all about dance. Folk Dance. So each one of you should have their own partner. Babae sa lalake. Lalake sa babae. Hindi pwede na lalake sa lalake. Baka gusto niyong malintikan sakin. Maliwanag ba?" Paliwanag niya sa amin . Ganyan ang aming teacher sa P.E nananakot.
"Oh siya! Maghanap na kayo ng kapartner niyo. At kapag nakahanap na. Bumalik agad sa upuan. " sabi ng teacher namin sa Pe.
Mabilis na kumilos ang aking mga kaklase. Maliban sakin.
Si jodith na ang aking kaibigan hindi agad tumayo sa kanyang upuan dahil alam niyang wala akong makaka partner kaya ang balak niya ay kami na lang dalawa. Hindi naman problema kung parehas babae ang magkapartner. Ang mahalaga ay kung parehas babae ang magkapartner, isa dapat ang mag aact na lalaki sa sayaw.
"Oh Dana, tayo na lang ang magkapartner ha. Alam kong ayaw mo sa kanila. Kaya ako na lang :)) " sabi ni jodith. Ang bait talaga niya :3
"Oo nga jodith. Pasensya ka na ha. Di mo tuloy naging kapartner ung crush mo." Sabi ko sa kanya.
"Ano ka ba! Hahaha. Crush ko lang siya pero di nya ako crush. Yaan mo na siya. Haha"
"Sorry talaga jodith. Nang dahil saking pagkamahiyain. Pati ikaw nadadamay. Ako plagi ang iniisip mo. (_ _)"
"Ok nga lang sabi yun. Ano ka ba. " -jodith.
"Ako na lang ang lalaki sa'ting dalawa ha? Para naman makabawi ako sayo. Tsaka ayaw ko pati ng nakasuot na pang pilipina sa oras ng ating Demo. -.-" sabi ko sa kanya.
"Hay nako Dana, highschool ka na. Kailangan mo nang mag ayos. Tsaka maganda ka ok? Hindi ka panget para isipin na hindi bagay sayo na mag suot ng mga ganung damit. "
"Uhh.. basta (_ _) lalaki na lang ako plith?" Sabi ko
"Ano na class? Balik na kayo sa mga upuan niyo. Ang iingay nyo na!" Sigaw ng pe teacher namin.
"Sige na nga! Ipapasa na natin kay sir yung pangalan natin e. Ikaw talaga Dana ha.."
"Thank you Jodith!! ^_^"
at tumayo na nga siya papunta kay sir para ibigay ang papel kung san nakasulat ang aming pangalan.Nang nakolekta na ni sir ang aming mga pangalan..
"Ayos na ba lahat? May kapartner na lahat? " tanong ni sir habang nakatingin sa amin.
"Ok. Bumaba na ang lahat para sa practice. " -sir
At sumunod nga kami sa sinabi ni sir. Baka pa magalit e. -.-
----
Hello! :D
Parang ewan tong Chapter 3 ko. Sorry Guys! Haha. Hihi ^_^ vBabawi ako sa Chapter 4 :)))
--- nica :*