Lola

0 0 0
                                    

Maaga akong gumising upang gawin ang simpleng routine ko ang magdilig ng aking munting harden sa likod ng aming munting bahay. Pababa palang ako naaaninag ko na ang anino ni Lola sa balconahe namin ahh! Si Lola na naman. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig at gumawa ng tea. Nilapat ko ang tea sa lamesa na kanyang inuupoan.

Jen: Good morning Lola!
Sabay Halik at yakap ko Kay Lola. Sabi ko sa Lola kong kanina pa nagmamasid sa lawak ng karagatan.

Jen: Ano na naman pong iniisip niyo?
Palagi kong nakikita si Lola na minamasdan ang karagatan. Mapa araw man o Gabi. Tila ba may inaantay siya 🤔 hindi ko na masyado pa itong inisip. Tinimplahan ko si Lola ng paborito niyang tsaa na gawa sa ginger at honey. Nasa kusina palang ako naamoy na agad ni Lola ang tinitimpla kong tea.

Jen: Oh hito po ang favorite tea niyo para mainitan ang inyong kalamnan habang nakaupo ho kayo dito. Sabay silay ng ngiti sa mga labi ni Lola

Lola : salamat apo

Tahimik lang ang Lola ko pero kahit Ganon hindi ko siya kinukulit kong ano ang nasa isip niya. Umupo ako sa tabi ni Lola at pinagmasdan rin ang lawak ng karagatan. Alas 6 palang ng Umaga kaya hindi pa masyado masakit sa balat ang sikat ng araw. Kay gandang pagmasadan ang unti unting pagsilay ng araw. Ang kalmadong huni ng dagat kung itoy hinahagud ng hangin.. Ang huni ng mga ibong nagtatampisaw sa ibabaw, nagsasayawan at ang simoy ng hangin na dumadaplis sa balat. Ang tilaok ng manok at mga asong naglalaro sa dalampasigan. Huni ng kuliglig at ibong Maya. Ang Huni ng punong sinasayaw ng hangin. Ilan lang sa mga ito ang iyong maririnig. Nasanay na kami na Ganito ang aming paligid nakaka anti stress at calming. Pumikit ako at nilasap ang tahimik ng paligid. Ilang sigundo lang hinawakan ni Lola ang kamay ko.
Lola: gusto kong maging masaya ka apo. Ano man ang pagsubok na dumating sayo magpakatatag ka. Minsan lang tayo sa mundong ito kaya lasapin natin ang kaligayahan kahit sa mumunting oras lamang. Dahil di na ito maibabalik pa. Sa tamang panahon maintindihan mo rin ang mga sinasabi ko.
Sabay ngiti sa mga labi ni Lola. Naguguluhan man ako pero inintindi ko ang mga katagang iyon. Nakikita ko sa mga Mata ni Lola ang dulot sa kanya nito sabay silay ng mga luha niya. Niyakap ko siya at pinadama sa kanya ang aking suporta.

Lola : oh sigi gawin mo na ang gawain mo, dito lang muna ako.
Jen: oh sigi po,
sabay pahid ng luha sa Mata niya. Umalis ako sa kinauupoan ni Lola at pumunta sa kusina ulit para kunin ang aking gamit pangdilig ng halaman at iba pa. Kinuha ko rin ang natutulog kong pusa sa ibabaw ng lamesa siya si Luna
Jen: mingming Luna halika samahan mo ako. 😁
Sabay unat ng kanyang mga paa at kamay.
Jen: Good morning, sorry isturbo ako 😌😅(meow😒) binitawan ko siya at sumunod sa akin sa likod. Ganito routine ko araw araw. Nag aayos ng mga halaman, nagdidilig. Mahilig ako sa herbal plants at vegetables. Hindi nga ako kumakain ng isda eh😅 hindi ko lang nakasanayan. Ganon din kasi si Lola. Malalayo ang aming kapitbahay kaya Ganito ka tahimik dito. At pinaglilibangan ko ang pagtatanim, dito kami kumukuha ng aming makakain sa araw araw. Ang mga tanim ko ay talong, okra, sitaw, kamatis etc. Ika nga bahay kubo style 😅 may prutasan din ako mangga, guyabano, bayabas, at iba pang local fruits. May mga bulaklak at herbs din akong tanim na nakuha ko namn sa bukid. Kuntento na ako sa buhay na meron kami ni Lola. Hindi ko na kilala ang mga magulang ko pero kahit Ganon masaya namn ako kasama ko si Lola.
      Pagkatapos kong magdilig at magbungkal ng lupa ay oras na para mag handa ako ng pang almusal namin ni Lola. Kumuha ako ng  kamatis, talong at pumunta ako sa manukan upang Kumuha ng itlog ni mother chick. Mag scramble at turtang talong ako ngayon paborito namin ito ni Lola at okrang nilaga. Natapos na ako sa itlogan ng manok at pumasok na sa kusina upang ihanda at iluto na ito. Alas 9 Nang Umaga na kami ni Lola nakakain. At Ganon din sa balconahe parin siya. Ubos narin tsaa niya, itinabi ko muna ang tasa at nilapag ang maliit na bempo sa dibdib niya.
Jen:" Lola kakain na ho tayo. Nagluto ako ng paborito niyo. Ohh paborito ko rin pala ito" sabay ngiti sa kanya.  Hinagod ni Lola ang likod ko
Lola : pawis na pawis ka magbihis ka muna bago tayo kumain aantayin kita.
Jen: sige po la.
Umakyat na ako pagkatapos kong ilapat lahat ng pagkain sa lamesa. At Kumuha ng kamisitang puti sa lumang aparador. At bumaba na. Masaya kaming nagkwekwentuhan ng aming mga nagdaang panahon ni Lola. At bigla kong nabanggit sa kanya kung may hiwaga ba sa ilalim ng karagatan. At tumitig si Lola sa aking mga mata at sinabing malalaman ko rin daw. Sabay kamot ko sa ulo 😅hindi ko alam kung nagbibiro lang si Lola. Tumawa nalng ako ng malakas kasi wala namng katotohanan ang tinatanong ko sa kanya. Hindi nalng ako pinansin ni Lola, hanggang sa natapos kaming kumain at niligpit na ang pinagkainan
Sumapit ang tanghali, lumipat si Lola sa kwarto niya pero nasa bintana nagmamasid na naman sa dagat. Kaya napapaisip ako tuloy ano ba ang meron sa karagatan bat hindi mapukaw ang atensyon ni Lola?
  Dapit hapon na pumunta ako sa di kalayuan na Hardin na puno ng mais ang iba pausbong palang ang bunga at ang iba nagbibinata na. Kinuha ko yong nagbibinata saktong makakain ito ni Lola. Kasama ko pala sa lakad ang pusa kong si Luna. Akyat sa puno ng niyog lipat na naman sa mangga hahaha tawa nalng ako ng tawa tuwing tumatalon siya papunta sa kabilang puno ay nalalaglag siya at  lundag na naman sa mga maisan 😂 pagkatapos kung mamitas dumiritso ako sa kusina upang mabalatan na ang mais at binuro ko yong 3peraso para Kay Lola at yong 4  naman niluto ko sa baga. Magaala 6 na ng hapon saktong luto na ang mais para Kay Lola at natapos narin ako ng sakin. Pumasok ako sa kwarto niya at inalok ng pagkain. Ng biglang may nagtatahulan na aso sa gilid ng pangpang sinilip ko ito sa bintana pero bigla ito sinarado ni Lola. Lumipat ako sa pinto namin at sinilip uli. Nalaman ko na may dalawang sulo ang papalapit sa kinaroroonan namin. Dalawang mangingisda. Kumaripas ng takbo ang dalawa palapit sa amin at ekweninto ang naranasan nila sa pangpang. May nakita daw silang isang lalaking halimaw. At pinaalalhanan kami na mag ingat. Habang naghahanap daw sila ng alimasag napansin daw nilang gumalaw ang kinaroroonan nila at nakita ang buntot ng Malaking isda. Hinanap daw nila ito at nakita nila ang lalaking nakahandusay sa bato na wala ng Malay, walang saplot at nakakakilabot. Nang nagsigawan ang dalawa pagtingin nila ulit ay wala na ang lalaki.  Kasabay non ay may narinig silang umaalingaw ngaw na nakakatakot na tunog. At Kumaripas daw sila ng takbo papunta dito sa bahay namin. Ako lang nakausap ng dalawang mangingisda dahil hindi lumabas si Lola. At pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Sinarado ko narin ng maigi dahil mahirap na baka totoo sinasabi nila. Ng pumasok na ako sa kwarto ni Lola nakita ko siyang mahimbing ng natutulog. Hindi ko nalng siya ginising. Pumunta ako sa tabi niya at hinalikan siya sa noo. Bukas ang bintana? Akala ko ba sinarado na niya ito. Pumunta ako sa bintana at akmang isasarado ko na ang pinto ng may humawak sa kamay ko, nagulat ako at sinilip ang baba pero wala namn tao. Sa subrang kaba ko sinarado ko ng mabilis ang bintana. At tiningnan ko ang kaliwa kong kamay basa at malangsa. Bumaba ako at hinugasan ko ng maayos ang kamay ko. At napansin ko ang maliit na kumikinang na kaliskis sa ibaba ng hinliliit ko. Namilog ang Mata ko at kinabahan hinugasan ko ng paulit ulit pero kumikinang parin. Pinatuyo ko at pumasok ako sa kwarto ko para lagyan ng alcohol at Nang akmang lalagyan ko na ng alcohol nagulat ako nawala? Binaliktad baliktad ko yong kamay ko pero bigo akong makita ito. At huminga ng malalim nakahiga na ako sa kama ko ng pumatong si Luna sa Tyan ko at dinilaan yong kamay ko.
At nag taka ako sa ginawa ni Luna dinilaan niya ng dinilaan hanggang sa nakatulog na siya ipit yong kamay ko at matutulog nalng din ako bukas nlng ako kakain ng mais hindi ko na inisip ng husto ang pangyayari. Tatanungin ko nalng bukas si Lola. Hayyys!! 😌😪

Dream Where stories live. Discover now