Ang Lalaki Sa Pangpang

0 0 0
                                    

Jen: oh! Lola ano ho almusal natin? Nakangiting Sabi ko.

Lola : gusto ko ng halamang dagat
Jen : oh! Diba po Lola paborito niyo po iyan? Sige po mangunguha ako ng seaweeds malapit sa pangpang alam ko pong doon marami. At mukhang marami parin dahil wala naman po akong nakikitang ibang kumukuha maliban sa atin Lola.

Lola : oo naman apo, samahan na kita.
Jen : oh talaga Lola! sige ho.

Hindi ko na pinagbawalan pa si Lola dahil nakikita ko sa mga Mata niya ang pananabik.

Minadali ko na ang aking pagdidilig. Tsaka nga pala kumukuha ako ng tubig sa ilog dito namin ginagamit ang pangsaing at pang ligo gayon din sa pagdidilig. Malapit lng ito sa likod bakuran namin kaya hindi masyado mahirap. Nang matapos ko na ang pagdidilig pumunta na kami ni Lola sa Pangpang upang manguha ng seaweeds. Tsaka nga pala marunong din si Lola lumangoy pero sa ngayon ayaw ko siyang magpagod kaya ako lang muna. Nakarating na kami ni Lola sa pangpang dala ko ang aking sirip. Lambat na basket at maliit na kutsilyo sa aking tagiliran. Nakasunod sa amin si Luna at ang Isa naming aso si lasi. Hinahabol ni lasi si Luna kaya nanggigigil na napa takbo si Luna paakyat sa Malaking bato at tinatahol ni lasi.
Ramdam ko ang saya ni Lola ng sa wakas nanumbalik na uli ang kanyang awra. Oo masaya si Lola sa tuwing pumupunta kami sa pangpang na ito. Kwento sakin ni Lola napakaespesyal daw ang pangpang sa kanya. Tahimik at komportable daw siya. Nakaupo si Lola sa malaki at bilog na bato habang ako naman ay pasulong sa dagat. Kumaway ako Kay Lola tsaka, huminga ng malalim at sumisid. Sa di kalayuan may makikita kang maliit na kawayan na nakatayo sa ilalim ng dagat ito ang hide out ng mga seaweeds. Lumangoy ako palapit dito at pinutol ko ang nagkumpol kumpol na mga halamang dagat nilagay ko ito sa basket ko at nag putol na naman ulit. Lumangoy ako sa kabilang dereksyon, may mga na daanan akong malalapad na mga bato at nakakapit dito ang ibat ibang klasi ng korals. Mabuti nalang tinali ko ang buhok ko na style sentiped. Pumutol na naman ulit ako ng halamang dagat ng gulat ako napasikhab sa nakita ko nakalunok ako ng dagat kaya Dali Dali akong lumangoy paakyat kaso nasabit ang basket ko, pilit kong kinakampay ang mga kamay at paa ko nakapikit na hinihila ang basket, lumakas ang pintig ng puso ko at dahil doon unti unti akong nawalan ng lakas at nilanghap ang tubig -dagat . Akala ko mamamatay na ako. Idinilat ko ang aking mga Mata at nanlaki sa nakita ko kumikinang ang balat ko at napansin ko ang kaliskis sa kamay ko. Ito kaya ang nagligtas sa akin. Napabuka ako ng bibig at oo nga nakakahinga ako paano nangyari ito! Napaatras ako ng may humablot sa basket ko nanlaki ang mga Mata ko. Ngumiti siya sakin at inalalayan akong lumangoy pataas. Nakahinga na ako ng maluwag nang makita ko na ang langit at ang pangpang. Lumingon ako sa likuran ko at hinanap ang taong kalahating isda. Nilibot ko ang paningin ko. Maya maya'y tinawag ako ni Lola. Lumangoy ako palapit sa kanya dahil lumusong na si Lola sa dagat.

Jen: Lola wag na po kayong lumusong pa baka madulas kayo.

Lola : ano ka ba naman apo ba't mo ako pinag alala. Mabuti nailigtas ka niya.

Niyakap ako ni Lola ng mahigpit. Ano daw? Mabuti nailigtas niya ako? Sino iyon? Tanong ko sa sarili.
Kumalas na sa pagka yakap sakin si Lola.

Lola : hindi na kita pakukuhain ng halamang dagat.
Jen: pero Lola okay lang po ako.

Sasabihin ko sana Kay Lola na nakahinga ako sa ilalim ng dagat pero baka hindi siya maniwala.

Inilapat ni Lola ang kanan niyang palad sa dagat at ang kaliwa naman sa dibdib niya. At sinabi niyang...

Lola : mabuti at dumating ka iniligtas mo ang apo mo.

Nagulat ako sa sinabi ni Lola, at nakita nalang ng Mata ko ang palad mula sa ilalim ng tubig dagat na humawak sa palad ni Lola at umahon ito. 😲Makisig ang pangagatawan, kumikinang asul ang balat niya gayon din ang kanyang buntot. May palikpik siya sa siko niya at hasang sa kanyang leeg. Ang kanyang mga mata'y asul. Ang buhok naman niya'y magkahalong ginto at asul. Namangha ako sa isdang ito ay este kalahating taong isda. Naluha si Lola at yumakap sa lalaki basa na ang kalahati niyang katawan. Isang lalaki na kalahating isda ang nasa tabi namin ngayon at nakatitig ang mga mata Kay Lola, matamis ang mga ngiti nito. Hindi pa ito gaanong katandaan. Kung tatansyahin ko'y nasa edad 50 palang siya, at si Lola 70 na. Hinawakan ng lalaki ang mukha ni Lola hinaplos ng dahan dahan. Hinawakan namn ito ni Lola at patuloy parin sa pagluha.

Lalaki : huwag ka ng malungkot sinta

Nanlaki ulit ang mata ko sa narinig, (sinta!? Ibig sabihin magkasintahan sila 😲) makikitsismis muna ako kina Lola. 🤣

Lalaki : hindi na kita iiwan, tutuparin ko na ang pangako ko sa iyo. Lilisanin ko na ang karagatan at maninirahan sa piling mo. Batid kong mahirap sa anak natin ang pag layo ko.

Anak natin? Ha? May anak si lolang isda?

Lola : kumusta na si Luis, namimis ko na siya hindi man lang niya ako pinupuntahan. Nakalimutan niya na rin ako. Malaki ang pagsisisi ko, alam kong ako ang dahilan ng pagkamatay ni Alice.

Pabaling baling ang tingin ko sa kanila. Nalilito ako masyado. Anong mga nangyari at bakit wala akong alam? Nahinto ang paguusap nila ng malaglag ang basket na hawak ko.

Lalaki : dalaga na ang apo ko at masipag pa, nagmana ka nga sa iyong ama. Halika ka rito, wag Kang matakot, marahil ay naguguluhan pa ang isip mo. Halikat ipaliliwanag namin sa iyo.

At ganon nga ang nangyari kahit na naguguluhan ay nag paubaya akong makinig sa sinabi nila. Nalaman kong isa rin pala akong isda. 😒🙄Akala ko allergic lang talaga si Lola sa isda kaya ako naman hindi nagka interest na tikman ang isda dahil Sabi niya kasing tulad daw ito ng tao malansa ang laman kaya kung ano ano na ang pumasok sa isip ko. Kaya ayaw ko sa isda kasi malansa.
Pagkatapos nilang ikwento ang kasaysayan ng buhay nila, namin. Ay umuwi na kami, kanina pa talaga ako nagugutom. Pumasok na ako sa palikuran upang maligo at magbihis na. Nagpaiwan si Lola sa labas. Kausap niya pa Ata sa dagat ang Lolo ko. Syempre may pagtatampo akong naramdaman pa tungkol sa tinago nilang lahat sakin. Kaya pala malungkot si Lola lagi dahil pala sa inaantay niya si Lolo. At sinabi rin nila sakin kong ano nangyari Kay ina isinilang akong namatay siya. Nasaktan ako nang labis sa narinig ko. Inaasahan ko pa sana na makita ko siya at makilala. At si ama raw may kinakasama nang bagong pamilya. Kaya pala ako ibinanduna, hindi raw ako matanggap ni ama dahil wala akong buntot at ipinaubaya ako Kay Lola. Umiyak ako sa harden simula ng malaman ko ang lahat. Masyadong nasaktan ang puso ko pero napagtanto ko Isa lang silang alaala lahat dahil nasanay na akong si Lola lang magulang ko. 😔May pagtatampo rin ako para sa ka nila.
Pero dahil mabait akong apo ni Lola pinapatawad ko na sila. 😌

Nagluto ako ng gulay at inulam din namin yong halamang dagat. Masayang pinagmasdan ko si Lola at Lolo. Ang saya nilang tingnan, parang dalaga't binata. At nabanggit din ni Lolo sakin, siya pala yong humawak sa kamay ko nong nagsasarado ako ng bintana. At kaya pala masaya si Lola kinabukasan. Nakaka pag anyo tao si Lolo dahil sa bracelet na suot niya. Kilangan lang ito mabasa sa dagat araw araw upang manumbalik ang sigla nito at manatiling anyong tao si Lolo.

Lumipas ang Gabi at nag Umaga. Masaya kong binagtas ang dalampasigan. At nilibot ang lawak ng karagatan. Wala ng Isla sa kabilang dagat, kaya naisipan kong isipin kong ano ang nasa likod ng malawakang karagatan. Habang iniisip ko ng malalim biglang nag pop sa isip ko ang gagawin.

Jen: tutal Isa rin naman akong isda languyin ko nalang kaya ang napakalawak na karagatang ito. Oo Tama!!

(Kahit na naka dress ako sumulong parin ako)
Lumusong ako sa tubig dagat, at lumangoy na parang aso tanging ulo ko lamang ang nakikita. (mukhang malayo na Ata nilangoy ko ah) lumingon ako oo nga maliit na ang bahay namin. Hindi kaya magagalit si Lola sakin. Gusto ko lang kasi mag adventure. Isda lang naman ang nasa ilalim eh tsaka kamag anak ko rin sila Kay safe na safe ako. Teka medyo pago na ako, nagpalutang lutang lang ako ng 5 mins.  at lumangoy ulit.
Namilipit ako sa sakit hinawakan ko ang dalawa kong paa dahil sumasakit ito at pinilit kong kumalma.

Jen: kalma Jen, huhuhu. Kaya mo yan, (Tama Isa rin akong isda so makakahinga ako sa ilalim ng dagat!)

Huminga ako ng malalim at itinuwid ang paa, tumingin sa ilalim ng dagat. (bat ang dilim wala akong makita) nagpalinga linga ako, at hinawakan ko ulit ang paa ko sa ngayon ay unti unti akong lumulobog. Nahirapan ako sa sitwasyon ko dahil sa namimilipit kong paa at sa damit ko. (ito na gagawin ko na Isa, dalawa, tatlo!)
Bilang ko sa sarili ko. At ibinuka ko ang aking bibig at nilanghap ang tubig dagat. (oo nga nakakahinga......) hindi ko na natapos pa nawalan na ako ng malay.

Someone's life
Boy
Unknown : oh sige susunod ako may dadaanan lang ako.

Kumaway ako sa mga kaibigan ko. Habang tinatahak ko ang secretong daan napansin ko sa itaas ang isang puting halaman? Nahulog galing sa itaas? Paanong nagkaron ng halaman sa itaas? Siguro may tumakas na may dalang halaman. Dahan Dahan ko itong nilapitan. Nagulat ako dahil kakaibang halaman ang nakita ko! May mukha ito, may mga kamay at ano ito!! Kinarga ko siya sa mga bisig ko at dinala ko sa sekreto kong pangpang.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dream Where stories live. Discover now