Prologue
Minsan sa buhay natin. Palagi talagang meron hindi inaasahan na darating. Katulad na lang ng nangyari sa buhay ko. Hindi ko inaasahan na darating siya. Ayoko palaging nariyan siya. Palagi ko siyang pinaalis. Kung bakit ba naman sa lahat ng pwedeng maging guard. Isang katulad pa niya. Hindi ba inalam ni Dad na may allergy ako pag dating sa mga lalaking magaling maglaro. Playboy.
“Amy umuwi na tayo” Ayan na naman siya! Nasa tabi ko na naman siya. Hinawakan niya ako sa braso. Biglang nag init ang pakiramdam ko. Dala na rin siguro ito ng vodka na iniinom ko.
“Fuck off! Enzo! Humanap ka na ng babae mo!” Pero hindi niya inalis ang pagkakahawak sa braso ko. Naramdaman ko ang pag higpit rito. Masakit. Sobra.
“Aray ko!” Bigla niya na lang ako hinatak palabas ng bar na pinasukan ko. Para makapag move on ako sa pangyayari sa taong mahal ko.
“Pwede ba! Ayoko sabing nandito ka eh!” Nakalabas na kami sa bar. Agad may dumating na lalaki at iniabot sa kanya ang susi.
“Iuuwi na kita” Uminit lalo ang ulo ko sa kanya. Kung maliwanag lang ngayon pulang pula ko na siguro.
Hindi siya palasalita. Mabuti na rin. Dahil ayaw ko sa madaldal na lalaki. Isa pa sa dahilan kung bakit ayaw kong nasa tabi ko siya palagi dahil. Nag wawala ang buong katawan ko. Ni hindi ako makapag concentrate sa isang tabi. Lalo na kapag andyan ang mga mata niya na hindi maalis.
Pag andyan siya nangangatog ang mga binti ko. Kapag sa gym ko hindi ko na natatapos ang mga dapat kong gawin dahil andiyan siya palagi. Hindi naman sana ako ganito. Lalo na sa boyfriend ko. Nung nabubuhay pa siya.
“Hindi mo kailangan magpakalasing” Napatingin ako sa kanya. Nangilid agad ang mga luha ko. Bigla ko siyang nasampal. Sobra na ang galit na nararamdaman ko.
“Wala kang karapatan para pag salitaan ako nang ganyan! Hindi mo alam ang nararamdaman ko! Palibhasa wala kang puso! Wala kang ginawa kundi ang maglaro! Diba?” tuluyan na akong sumabog. Hindi ko na kinaya. Nanghina na ako.
Ano bang karapatan niya para pag sabihan ako na hindi ko kailangan maglasing? Diba ganun naman dapat? Ganun naman dapat ang mangyari ang maglasing kasi wala na. Wala na ang taong inalagaan ko. Ang taong minahal ko. Hindi ko lang matanggap na sinabi niya sa akin na. Hindi ako ang nararapat sa kanya.
Paano ba yun? Pwede ba na hindi ako nararapat sa kanya? Sino ba pwede magpa intindi sa akin non? Yung guard ko ba? Itong guard ko na walang ginawa kundi ang paglaruan ang mga inosenteng babae? Fuck diba? Hindi ko rin maintindihan si Dad kung saan niya kinuha ang lalaking ito.
“Nag aaksaya ka lang ng oras” Pinag hahampas ko na siya. Mga traydor kung luha talagang tumulo pa sa harap ng lalaking ito.
“Bakit ka ba ganyan? Iwan mo na lang ako!” Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang braso ko. Nanghina na talaga ako. Kung hindi lang siguro niya ako hawak. Tuluyan na akong bumagsak.
“No” Isang matigas at buong salita. Agad kong naramdaman ang malalambot na labi niya. Ilang segundo bago siya kumalas.
“Now. Let’s go home” Pumasok na kami sa loob ng kotse niya.
Ang kapal niya para halikan ako! Ghad. Napatikom niya ang bibig ko. Hindi ko na nagawang mag ingay sa loob ng kotse niya na madalas kong ginagawa.
Hanggang sa makarating kami sa mansion. Tahimik ako.
“Goodnight. Sleep well Baby” Hindi ko siya matingnan ng maigi. Agad kong sinarado ang pinto ng kwarto ko. Yung puso ko. Sumali na naman sa karera. Hindi ako makahinga ng maayos. Normal pa ba ako? Bakit ngayon ko lang naramdaman ito sa buong buhay ko? Makakatakas pa ba ako sa nararamdaman kong ito.
Agad akong tumakbo papunta sa kama ko. Binalot ko ang sarili ko ng comforter. Hindi maaari. Hindi pwede. Kinagat ko ang labi ko ng maalala ko nung dumampi ang labi niya sa labi ko.
Hindi pwedeng magkaroon ako ng gusto sa kanya. Hangga’t maaga pa pipigilan ko. Hindi ako pwedeng mainlove sa isang katulad niya. Dahil panigurado. Paglalaruan niya lang ako. Magiging isa ako sa mga babae niya na iniwan na luhaan. Ayoko. Not me.
Pero pwede bang umasa ako? Kahit konti. Pero masasaktan ako. Pero hindi mawawala iyon kapag nagmahal ka na. Ano magpapaka bayani na ba ako ngayon? Kakayanin ko ba kapag may kasama siyang ibang babae? Kakayanin ko? Ghad. Grabe. Hindi ko akalain na makakakilala ako ng isang Prinsipe ng mga playboy.
BINABASA MO ANG
Meet The Prince of Heartbreaker
General FictionMagawa kayang takasan ni Amy ang lalaking inatasan ng kanyang Ama na maging bodyguard na si Enzo. Magawa niya kayang pigilan ang sarili na hindi mabihag sa lalaking binansagang prinsipe ng mga playboy. Hanggang kailan niya pipigilan ang sarili. Maga...