Chapter 2
Jhiro's POV
*Booggssh*
Bwisit ilang beses na nila akong binubugbog, hinang-hina na ang katawan ko, hilong hilo na rin dahil bukod sa pagsapak, may pinang hampas pa sa akin na baseball bat o kaya kahoy.
Duguan na ako, sobrang dami na ng dugo ang nawawala sa akin, ayokong sumuko gusto ko pang makita si Amy.
*Paakkk*
*booghhss*
Ayan bumagsak na ako, pero tuloy pa rin sila sa pag hahampas sa akin at pag suntok.
"Alam mo ba ang pwede naming gawin sa girlfriend mo? Ang sexy nya sobra ang laki ng boobs niya pagdating niya dito sobrang mabubusog kami"
"F*ck you! Wag na wag mong hahawakan ang girlfriend ko! Ako lang ang kelangan niyo! Wag niyong isasama ang girlfriend ko dito!"
*boogshh*
"Bobo! Napakabobo mo! Paano ka naging valedictorian kung bobo ka! Huh?! Bankrupt na nga kayo, andami pang utang ng pamilya mo! Tapos ano tatakasan mo kami?! Damay kung damay ang nasa paligid mo! Since isang buenavista ang girlfriend mo! Aba malamang sobrang dami ng pera nun! Pera niya at siya ang kabayaran sa lahat ng utang mo at ng pamilya mo!"
I'm sorry babe, nasama ka pa sa gulo ko, please sana wag kang pupunta dito. Parang awa mo na sana marinig mo ako, hayaan mo na ako.
"Parang awa niyo na, wag niyo syang idamay dito! Wala siyang kinalaman dito! Ako! Ako na lang ang patayin niyo wag niyo syang idadamay dito parag awa nyo na!"
"Awa? Sa tingin mo meron ako nun? Tss..wala ka sa posisyon ko para sabihin na maawa ako! Ang isang katulad ko ay walang awa pagdating sa mga kalaban ko!" Nasa harap ko siya ang lalaki na sumira sa pamilya ko, ang dahilan kung bakit kami na bankrupt, kung bakit baon na baon kami sa utang...
Sya si Michael Yamamoto.
Bakit nga ba ako nahuli ng mga toh? Ganito kasi ang nangyari...
FLASHBACK
Andito ako manila sa mansyon namin, para bisitahin ang pamilya ko.
Pagdating ko sa mansyon...dugo....puno ng dugo ang buong bahay.
Nag sisisigaw na ako dun tinatawag ko sila mom at dad pati na ang kapatid ko na babae ang bunso.
Pero wala sila, bakit may dugo dito? Kahit saan ako tumingin, may mga bakas ng dugo.
"S-sir Jhiro!" Yung isang katulong namin sugatan siya, kaya agad akong napalapit sa kanya.
"Aling Nena, nasaan sila mom at dad? Jaira? Nasaan sila?" Tanong ko sa kanya.
"Na-na...nasa Ho-hospital, h-hindi ko na ka-kaya"
Na-nasa hospital ang mga magulang ko ano ba ang nangyari?
"A-aling nena, please wag niyo akong iiwan dadalhin ko kayo sa hospital please lang gusto kong malaman ang buong nangyari!" Binuhat ko na si Aling Nena para dalhin sa loob ng kotse ko pero paglabas ko pa lang...
"San ka pupunta?" S-si Cynthia...ang recently ex ko. Bago naging kami ni Amy, at sobrang obsessed sa akin, na pinalit ko sa kanya si Amy.
"Pupunta ako ng hospital, kaya umalis ka sa dadaanan ko" tuloy tuloy pa rin ako paglalakad para malampasan ko na siya.
"Hay...paano ko ba ito sasabihin?, mukhang hindi lang pamilya mo ang damay dito" napatigil naman ako sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Meet The Prince of Heartbreaker
General FictionMagawa kayang takasan ni Amy ang lalaking inatasan ng kanyang Ama na maging bodyguard na si Enzo. Magawa niya kayang pigilan ang sarili na hindi mabihag sa lalaking binansagang prinsipe ng mga playboy. Hanggang kailan niya pipigilan ang sarili. Maga...