Chapter 3
Lalaine's POV
Nasaan na ba yung babae na yun? Kanina ko pa hinahanap yung lumandi sa boyfriend ko eh, sigurado malilintikan talaga sa akin yung babaeng malandi na yun! Ang kapal ng mukha hinalikan ba naman yung boyfriend ko sa harap ko pa mismo dahil hindi ko daw sya pinakopya sa exam namin kanina aba't ang boba hindi nagreview! Binantaan pa ako na kapag hindi ko siya pinakopya lalandiin nya ang boyfriend ko! Hindi ko siya sinunod! Sinong tinakot nya? Isang Lalaine Marquez? Babantaan nya? Ang kapal nya.
Humanda sya sa akin kapag nakita ko ang pagmumukha nya na pinuno nya ng krayola!
"Hon wait!" Ayan habol pa sa akin ng boyfriend ko!
"Bakit?!" Tumigil muna ako sa paghahanap at nilingon ang boyfriend ko.
"Hon, huminahon ka okay, hindi ko naman gusto yun, atsaka wala lang sa akin yun, ikaw at ikaw pa rin ang mas pipiliin ko para halikan ako" ugh! Bwisit...
"Binantaan kasi ako ng babae na yun! Tapos ayun tinotoo niya yung sinabi nya sa akin kanina!" Umiinit talaga ang ulo ko sobra!
"Malapit ka na ata magkaroon Hon ang init ng ulo mo" huh?!
"Ano?! Ano pinagsasabi mo dyan tss" umiwas ako ng tingin sa kanya, namumula na ata ang mukha ko. Jusko naman.
"Tumingin ka sa akin" ayoko. Ayoko syang tingnan. Lalakad na sana ako ng higitin nya ako.
"Parang mas alam ko pa ang araw na magkakaroon ka"
"Hon naman!" Kainis naman itong lalaki na ito! Hindi ko naman alam eh. Pero ano na bang araw ngaun?
"Hehe tara na magdate tayo" magdedate kami?! Seryoso toh? Minsan lang kasi kami magdate marami kasi kaming obligasyon.
"Ta-talaga Hon?!" Ngumiti ako ng maluwag.
"Oo naman since wala naman tayo ngayon gagawin, tara magdate tayo!" Yehey! Grabe seryoso na ito magdedate na kami! Haha.
Ito naglalakad na kami palabas ng campus ngayon papunta sa parking lot, magkaholding hands nakikita pa kami ng ibang mga estdyante na babae at pinapamukha ko talaga sa kanila na ako ang naging girlfriend ni Christian Luiz De Leon.
Oo inggit na sila kung inggit! Bahala sila sa buhay nila, basta ako masaya ako na naging kami na ni Chris ang long time manliligaw ko ang patay na patay sa akin! Haha maganda kasi ako mas maganda pa sa bida dito! Wag nyong ipagsasabi kay Amy yan ah! Hahaha.
Ito nasa loob na kami ng kotse nya, binabanggit ko talaga bawat lagay namin kasi mahirap na mamaya may bigla na naman sumira ng date namin ngayong aba mahirap na! Haha.
"Hon totoo ba talaga ito makakapag date na tayo ulit!" Tuwang tuwa talaga ako ngayon!
"Oo Hon hindi na ito panaginip totoong mangyayari na ang date natin ulit makalipas ang ilang maraming buwan!" Hay Oo nga kelan ba huli naming date? Limang buwan na ba ang nakalipas ? Ay hindi parang walo eh? Oh diba? Inggit na inggit ako sa mag jowa na sila Amy at Jhiro na halos araw araw nagdedate! Hiyang hiya talaga kami sa kanila! Sobra
Hahaha. Whatever.Ito na palabas na talaga kami ng campus ito na itong ito na talaga!
Kaso....
*ring ring*
Nagkatinginan kami ni Hon.
ARGGGGHHHH!!!!! KAINIS! KAINIS! KAINISSSSSSSSSSS!!!!!!!!
Parehas kaming napatingin sa cp namin ni Hon.
"Si Boss" sabay namin.
Parehas namin sinagot ang tawag.
"Good Evening po" ang daddy ni Amy tumawag.
BINABASA MO ANG
Meet The Prince of Heartbreaker
Ficción GeneralMagawa kayang takasan ni Amy ang lalaking inatasan ng kanyang Ama na maging bodyguard na si Enzo. Magawa niya kayang pigilan ang sarili na hindi mabihag sa lalaking binansagang prinsipe ng mga playboy. Hanggang kailan niya pipigilan ang sarili. Maga...