Sulat # 10 - May Umamin na Naman

16 0 0
                                    

Dear Future Boyfriend,

Mayroon na namang nagpapaasa rito at masasabi kong wala siyang pag-asa sa akin. Hindi ko gusto ang inaasal niya. Tinanggihan ko na siya't sinabihan na wala pero pinagpatuloy niya pa rin yang nararamdaman niya. Kaya ginagawa ko ang lahat para iwasan siya pero wala pa ring silbi kasi lapit pa rin siya nang lapit sa akin. Alam naman niyang naiirita ako sa kanya. Hindi nga akong naniwala noong una na ako ang gusto niya kasi base sa pagkakakilanlan ko hindi ako yung babaeng tipo niya. Umamin siya noon M.U pa ako kay, itago na lang natin sa pangalang 'Una'. Si Una ang lalaking nang-iwan sa akin ng walang ibinigay na rason/dahilan. Bakit kaya ganito? Bakit ang raming lalaking umaamin tapos papaasahin yung babae at iiwanan lang? Hindi ko naman sinasabi na lahat ng lalaki ay ganyan sadyang mas marami sila kesa sa mga seryosong lalake. Siguro isa silang pagsubok na kailangang malagpasan, kailangan mong madaanan. Nasa dalawa lang siguro sila, it's either his a blessing or a lesson. Siguro rin dito makikita ang katatagan ng mga babae. Kung paano makakaya ang ganitong sitwasyon. Pero di rin natin alam na sa pamamgitan nito makikita na natin si "The One", ang ating "OTL".

Nagmamahal,
Trixie
_____________________________________________________

Heto na po ang update ko madame sisslyn 😝
Salamat sa pagpapatuloy niyo sa pagbabasa nito😉😘.
Enjoy!!😀

Para kay Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon