Dear Future Boyfriend,
Masaya na may halong lungkot ang pagiging fangirl.
Masaya kasi pinapasaya ka ng mga hinahangaan mo sa bawat performances at shows na ginagawa nila. Pinapakita nila kung gaano ka kamahal nila. Kahit maliit na bagay lang ang nagagawa nila, tiyak ang araw mo'y buo na. Hindi kumpleto ang araw mo kung hindi mo makikita ang mukha nila sa larawan o marinig ang boses nila na kumakanta. Minsan rin, dahil sa pagiging fangirl mo may nakilala kang kapwa fangirl. Sabay kayong sisigaw dahil ang 'hot' ng bias niyo.
Pero hindi mawawala ang lungkot. Sabi nga nila kakambal na ni saya si lungkot. Parang death and life kumbaga. Malungkot kasi nakikita ka lang bilang isang dakilang fan o sa mas malala pa hindi ka nakikita dahil sa sandamakmak na mga fans nila. Tinatawag ka lang nila na 'fan' at hindi nila alam kung anong pangalan mo. Nagiging routine mo na ang araw - araw na pagchecheck sa twitter at instagram account nila. Nilalike at nagcocomment ka sa bawat post nila. Araw - araw ka rin nagdadasal na sanay mag-dm sila sa iyo. Na sana kahit simpleng 'hi' man lang ay matanggap mo galing sa kanila. Pag may concert sila kadalasa'y team bahay ka dahil sa kapos sa pera. Magsta-status ka na lang na 'good luck' at maghihintay sa mga fancams na mapopost sa youtube.
Pero kahit marami mang mga malulungkot na scenarios, 'di ito malalampasan sa saya na naibibigay ng pagiging dakilang supporter o fangirl.
Nagmamahal,
Trixie
______________________________________________________________________Relate guys? Haha😂
Happy Fathers' Day😁
BINABASA MO ANG
Para kay Future Boyfriend
Teen FictionIto'y mga sulat na gustong iparating sa magiging boyfriend niya. Ang mga sulat ay naglalaman ng iba't ibang pangyayari sa buhay ng sumusulat na si Trixie.