Sulat # 3 - Pick Up Line

49 1 0
                                    

Dear Future Boyfriend,

Jusko, ang korni. Eh kasi, ang kaklase ko sa Aral. Pan. nagpick-up line:

Ako: Vincent, sagutan mo na itong mga tanong. Tapos na kami sa amin.
Siya: Bago ko yan sagutan, Sagutin mo muna ako.

At ang bruhang katabi ko kinilig naman. Panginoon kung siya man ang lalaking ilalaan mo sa akin, bigyan mo po ako ng sign kasi lagi na po siyang ganyan. Ng dahil sa pangyayaring iyon, tinutukso na kaming dalawa. Lagi nila kaming tinatabi. Kung hindi sila, siya naman ang tumatabi. Pero nakakailang, eh. Binibigyan niya kasi ang isa kong kabarkada ng mga regalo. Yung tipong mga regalo na galing sa mga manliligaw. Hindi naman halata na gusto niya yung kabarkada 'di tulad noong isa kong kaklase na patay na patay sa kanya.

Nagmamahal,
Trixie
_____________________________________________________

Sabayan niyo ako sa pagkanta
In 1
2
3
🎶 Ang korni, ang korni,korni,korni 2x🎶

Para kay Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon