"TWO" jaundiced

9 0 0
                                    

Bagya s'yang humugot ng hinga,pagbaling n'ya ay masamang tingin ang pinukol ni chito sa kan'ya.
"masama ang tingin mo kay marra... May gusto kaba sa kan'ya?"tanong ng binata,kunot-noong nagpagrtial smile si ivo.
"are you kidding? Ngayon ko lang nakilala si marra,may gusto ako agad? Ano 'yan? Love at first sight? Wag kang magpatawa."sabi ni ivo
"bakit hindi? Kung pwede naman."sagot ni chito.
Bumuga ng hangin si ivo at tumingin ng nakakaloko sa binata
"did you know gleyn? She's my girl,my fiancee...mahiya kanga! Gleyn is hotter than marra,more prettier and more seductive...ipagpapalit ko ba 'yon para sa babaeng unang beses ko palang nakita?"tanong ni ivo
"siguraduhin mo lang..."banta ng binata,nung bumakas kay ivo ang pagkairita kaya hinarap n'y 'to ng face-to-face at malapit sa isa't-isa.
"kung matapang ka,you don't need to threaten me...gawin mo...but i assure you, i'll beatin' you on the floor bitch..."nakakatakot ang bantang 'yon ni ivo,'di man nagpapatinag ang tingin ni chito ay halatang kinakabahan 'to nung "joke lang..."saka tumawa ng nakakaloko ang binata at tumalikod nung biglang sumeryoso ang muk'a n'ya saka lumakad palayo. Humugot pa ng hininga ang naiwang si chito.
"eh sabay na nga lang tayo...para may kasama ka...baka mamaya eh mapano kapa."sabi ni rriz na nilalambing ang dalaga na ilag naman sa kan'ya habang nag-aayos ng tent.
"wag kangang makulit! Kaya ko ang sarili ko no?"anas ng dalaga
"'di naman kita aanuhin eh, wag kangang ano d'yan! Parang lugi kapa noh? Ayaw mo no'n kaw makakakuha ng virginity ko?"napalingon ang dalaga sa kan'ya na may nakakalokong tingin.
"virginity? Saan? Ultimo sa buhok mo yata 'di kana rin virgin! Matakot kanga sa sinasabi mo..."sagot ni jazz
"edi tamaan na ng kidlat ang sinungaling."
"'wag mong sabihin 'yan at baka mamaya eh kumidlat nga. Para naman sinasabi mong handa kanang mamatay?"sabi ni jazz
"ang sweet n'yo naman..."napalingon ang dalawa kay steff
"oo,talagang sweet ako... 'di lang sweet... Yummy pa!"tumataas-taas pa ang kilay ni rriz nung sikuhin s'ya ni jazz.
"hindi naman,asaran lang 'to."sagot ni jazz na nakangiti at nung tumingin kay rriz ay pinagmulagatan n'ya ito.
"...sana mahanap na natin si neal."sabi ni marra habang namimingwit sila sa sapa.
"oo nga eh,para makauwi na tayo. Natatakot na 'ko dito."sagot naman ni gillian.
"'wag kayong matakot magiging ok din ang lahat."sabi naman ni migz.
"hay! Sana nga."sagot ni gillian. Nakamasid naman sa 'di kalayuan ang dalawang lalaki.
Kinagabihan,tapos ng maghapunan ang lahat.
Nasa falls si jazz at naliligo nung makaramdam 'to ng parang may nakamasid sa kan'ya pero tuloy parin s'ya sa paghihilod nung magulat 'to sa biglang lumingkis sa kan'ya mula sa likuran,napahiyaw s'ya pero tinakpan ang bibig n'ya nung bigla s'yang ilubog no'n.
Ilang saglit ay pahugot ng hininga na umahon ang ulo ng dalaga kasabay ng lumingkis sa kanya nung makilala n'ya ay
"nakakabwisit ka!"sigaw n'ya saka n'ya hinampas-hampas ang tumatawang si rriz.
"natakot ka no?"natatawang tanong ng binata nung sabuyan s'ya ng tubig ni jazz. Inakap n'ya ang dalaga
"don't yah worry babe! You're safe,as long as i'm here."pang-aalo ng binata. Simpleng napangiti naman si jazz nung masuyo s'yang halikan ni rriz.
"...parang ang tagal ng kasama n'yo?"pansin ni migz na nagpapalipas ng oras
"baka nasarap."sagot ni ivo
"huh?"reaksyon ni gillian
"wala 'yon,saka 'wag kayong mag-alala sa mga 'yon. Kaya nila ang sarili nila."sagot ni gleyn.
"baka naman pati sila hanapin nadin natin."sabi ni steff
"wag kangang gan'yan."sita ni marra
"sus! Malabo... Sabagay,'di n'yo pa kasi kami kilala, you know..."natatawang sabi ni gleyn
Pabalik na ang dalawa at nauuna si jazz nung mapahinto si rriz sa napansing imahe na parang may ginagawa sa 'di kalayuan. Tiningnan n'ya muna si jazz at dire-diretso lang ang dalaga kaya pinuntahan n'ya ang imaheng nakikita. Curious eh...
May kadiliman ang lugar pero parang may binubungkal ang imaheng 'yon,pilit n'ya pang inaaninag 'yon nung...
"oh! Si rriz?"tanong ni ivo. Napalingon naman si jazz na nagtaka din.
"kasunod ko lang s'ya kanina ah."sagot ni jazz na nakaramdam ng kaba. Napatayo si marra.
"'di kaya..."sabi ng dalaga.
"grabe naman! Baka nadapa na 'yon 'di mo pa napansin."sabi ni gleyn. Nung mapatingin ang lahat sa likuran ni jazz kaya napalingon din 'to nung makita n'ya si rriz
"sa'n kaba galing? 'di mo ba alam na nag-alala ako?"bulyaw ni jazz,nagulat pa si rriz pero napangiti rin 'to nung makita ang muk'a ng dalaga na talagang mababakas ang pag-aalala.
"d'yan lang,wag kanang mag-alala babe,andito na 'ko...saka walang mangyayaring masama sa'kin as long as mahal mo 'ko."saka kumindat ang binata kaya nagkantyawan ang lahat.
Kinaumagaha'y sinuyod nila ang kabundukan para maghanap kay neal,saktong magkasama si rriz at ivo
"...may kakaiba eh."sabi ni rriz.
"sa'n ba?"tanong ni ivo
"do'n sa isang lalaki? Basta! Parang may mali sa kan'ya eh."
"kaninong lalaki?"
"do'n sa isa,'di yung kapatid ni marra. Ano kasi pangalan no'n? Chino ba?"
"tanga! Chito!"
"oo basta yo'n! Parang may mali sa kan'ya eh."
"tingin ko din,pa'no parang laging selos amputa! Sinita nga ako kahapon tungkol kay marra... God! Kung yun lang..."
"saka pwera pa 'yon,nakita ko s'ya kagabi may binubungkal s'ya."
"baka naman nagbawas?"
"sigurado ka?"nagkibit-balikat si ivo nung tingnan ni rriz ang paanan n'ya kaya napatingin din si ivo.
"eto yung binubungkal n'ya."hayag ni rriz.

Kinagabihan,nagkukwentuhan ang lima...
"guys i'm sorry pero uuwi na 'ko bukas na bukas din."sabi ni gillian
"sasama na rin ako,guys! Wala na tayong magagawa,ni walang bakas kung nasa'n si neal."hayag ni steff
"oh edi sige,maghanap tayo hanggang bukas pag wala parin,wala na tayong magagawa."sagot naman ni marra
"pero 'di parin tayo dapat mawalan ng pag-asa."sabi naman ni migz.
"guys!"napalingon ang lima.
"muk'ang alam na namin kung nasa'n ang tropa n'yo."sabi ni ivo at nilahad ang relo. Nagulantang ang lahat nung makita ang pamilyar na relong 'yon kaya napatayo sila.
"sa'n n'yo nakita 'yan?"tanong ni migz. Napaiyak nalang si marra na napaakap kay steff.
"ba't 'di n'yo tanungin si chito?"matic ang paglingon nila kay chito
"ano naman ang ibig mong sabihin?"tanong nito.
"wala kang reaksyon. Ikaw pala ang salarin."sabi ni ivo
"'wag kang magpaparatang ng gan'yan! 'di porke nagkaro'n tayo ng alitang-"naputol na dipensa ni chito
"ako ang nakakita sa'yo kagabi."singit ni rriz.
"ano'ng ibig nilang sabihin chito?"may tonong galit na si migz
"ikaw ba ang pumatay kay neal?"tanong ni gillian.
"nagpapaniwala kayo sa kanila na ngayon n'yo lang nakasama? Kesa sa'kin na napakatagal na ng samahan natin?"tumataas na ang tono ni chito.
"kung maitatago mo man sa kanila ang katotohanan,Hindi ka makakapagsinungaling sa sarili mo."sabi ni rriz. Napalunok si chito.
"oo... Ako ang pumatay sa kan'ya!"pag-amin ng binata bagay na kinabigla ng kasamahan n'ya. Humugot ng matinding hininga si migz
"hayop ka!!!"saka n'ya ginawaran ng matinding suntok ang binata.
Paahon na sila gleyn sa falls matapos maligo nung mapahinto si jazz kaya nagtaka si gleyn
"baket?"tanonp nito,may kinapa-kapa ang paa ng dalaga na parang may inapakan kaya inipit n'ya 'to ng daliri n'ya saka n'ya kinuha
"ano naman 'yan?"tanong ni gleyn na kinikilatis nung magtitigan ang dalawa at akyatan ng kilabot nung malaman kung ano 'yon. Agad na tinapon ni jazz ang hawak na naaagnas na putol daliri saka sila nagtilian paahon....
"...tama na! Tama na migz!"awat ng mga dalaga sa kan'ya. Tuloy parin n'yang binabanatan si chito na lupaypay na sa mga natatamong solid na suntok.
"tama na men!"kalmadong awat ni ivo nung hilahin n'ya ang braso ni migz at para lang 'tong papel na hinatak ng binata. Alarmang inalalayan ng mga dalaga si chito na duguan na.
"...walang kasalanan yung tao... Pero ginano'n mo! Nang dahil sa kagaspangan ng ugali mo! Ano'ng ugali meron ka? Dimonyo kaba?! Oo,dimonyo ka!!!"hinihingal pa na pukol ni migz ng mga salita nung mapalingon sila sa tumitiling sila gleyn.
"oh! Gan'yan kayong matutulog? Baka naman maboso-han kayo n'yan?"biro pa ni rriz nung makarating ang dalawa na nakatapis lang.
"umalis na tayo dito! Please! Umalis na tayo..."pakiusap ni gleyn na hinihingal pa
"bakit?"tanong ni marra
"may nakita kaming putol na daliri ng tao sa falls..."hayag ni jazz
"ano?! Baka naman nagkakamali lang kayo?"sabi ni steff
"hindi kami pwedeng magkamali!"sabi ni gleyn na nagdadamit na
"bak-"naputol ang sasabihin ni jazz nung magulantang ito pati ang iba sa biglang pag-angat ni steff
"steff!"sigaw nila na nasa sanga na ng puno nung makarinig sila ng malakas na ungol na kinakaba nila.
Agad na nagtakbuhan ang mga 'to pero naiwan si migz
"halika na! Wala kanang magagawa!"hila sa kan'ya ni gillian.

" The hint"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon