"ONE" hostile

97 0 0
                                    

"...ayoko nga do'n."anas ni nessa n paakyat ng hagdan.

"mag-eenjoy ka do'n. Maniwala ka."sagot naman ng mama n'ya. Huminto ang dalaga at bumaling paharap.

"a...yo...ko..."sabi nito saka pairap na tumalikod.

"kahit isama mo'y mga kaibigan mo."sabi uli ng mama n'ya.

"..nung nakaraan sabi mo ayaw mo,ngayon gumagayak kana!"anas ni gleyn kay nessa habang nag-iimpake 'to ng gamit.

"eh gano'n talaga. Wag kanga, nung una kasi kala ko di kasama yung mga barkada ko. Eh pwede na kaya sasama na'ko." sagot ng dalaga.

"ang sabihin mo,mas gusto mong mag-outing kasama yung boyfriend mo!bahala ka. Hindi ka mag-eenjoy don. Mag-a-outing rin kami." umirap lang si nessa.

Mabilis na inuubos ni josh at mak ang sigarilyo habang nakakubli.

"bilisan mo. Baka may makakita sa'tin."alarma ni mak. Agad na binigay ni josh ang sigarilyo at hinithit naman ni mak sabay tapon nung may humawak sa balikat ni josh! Gulat na gulat 'to.

"ano'ng ginagawa n'yo d' yan? Lagot kayo,nagyoyosi-" tinakpan agad ni josh ang bibig ni tony.

"kaingay mo no?"anas ni mak. Napalingon sila nung bumusina na ang van. Agad silang nagtakbuhan palapit do'n.

"aalis na?"tanong ni mak.

"hindi pa! Bumusina lang."bara ni tony.

"pumasok na kayo,tara na!"yaya naman ni kurt.

Agad pumasok ang walo sa van.

"dasog kanga! Konti lang."gitgit ni ithan kay cryl na kumakain ng pizza.

"maganda ba do'n sa pupuntahan natin?"tanong ni berry.

"sabi,maganda daw."sagot ni nessa.

"ga'no kalayo 'yon?"tanong ni kurt. S'ya ang driver.

"mga humigit kumulang..."sagot ng katabing si josh saka tumawa at nakipag-appear pa kay mak na nasa likod nito.

"nakakatawa."sabi ni kurt.

"gusto mo?"tanong ni cryl kay nessa,umiling naman ang dalaga.

"...eh ano pinuputok ng buchi mo?"tanong ni jazz "nakakainis nga,at mas sumama s'ya sa mga 'yon kesa sa'tin."sagot ni gleyn.

"ayos nga yon,nang maiba naman. At nang mapahinga sa muk'a mo."pang-aalaska ni rriz.

"you're so mean!"anas ni gleyn.

"pagbigyan n'yo na! Minsan lang eh."sabi naman ni ivo. Tiningnan n'ya ng masama ang binata.

"o! Chill! Mas'yado kang hot honey!"awat ni ivo.

"...baka maligaw tayo ah?"paalala ni tony.

"sa'kin ok lang andito naman ang mahal ko..."saka lumingon si berry kay cryl "diba mahal?"tiningnan s'ya ng binata at ngumiting-aso.

"ayaw mo ba sa'kin,cryl?"tanong ni berry.

"ha?"tanong din nito saka napatingin kay nessa. Umiwas naman 'to ng tingin sa binata.

"bhie,oh!"abot ni ithan ng chichirya kay nessa. Umiling ang dalaga. Napatingin 'to kay cryl,halata sa binatang nairita 'to. Agad din n'yang iniwas ang paningin sa binata.

Ilang oras din ang inabot ng mga 'to bago nakarating sa malayong probins'ya nila nessa.

"sa'n ba gawi dito?"tanong ni kurt.

" The hint"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon