"THREE"jaundiced

21 1 0
                                    

Kanya-kanya ang walo sa pagtakbo,nauuna pa si jazz nung mamataan ni rriz ang lalaking nag-aabang sa kanila nung hinila n'ya ang dalaga at kumubli. Hinagilap ng paningin ng lalaki ang dalawa na bigla nalang nawala sa paningin nila.
Tumatakbo si gillian nung paglingon nito sa gawing likuran ay naalarma 'to at wala na si migz nung paglingon n'ya sa harap n'ya ay nagulat 'to sa bigla n'yang pagbagsak sa butas na 'di n'ya napansin. Napatakip s'ya sa bibig n'ya at napaluha nung makitang katabi n'ya ang bangkay ni neal.
Hinahagilap ni migz si marra kung saan-saan nung paglingon n'ya ay bumulaga sa kan'ya ang gulok na dumaplis sa braso n'ya kaya napahiyaw 'to. Alarmang napahinto si marra nung marinig ang sigaw ng kapatid n'ya,akmang tatakbo na 'to papunta sa narinig na sigaw nung may bagay na sumakal sa leeg n'ya. Pilit s'yang kumakawala pero 'di n'ya magawa at malapit na 'tong maubusan ng hininga nung solid n'yang sikuhin ang nasa likuran n'ya at nasundan pa 'yon ng pagtadyak n'ya sa lalaki.
"chito?"gulantang ang dalaga nung makilala
"ikaw na uunahin ko,ganti sa ginawa ng kapatid mo!"sabi ng binata at agad na tumayo para sugurin ang dalaga,'di na 'to nakaiwas at nasuntok s'ya sa muk'a pero agad s'yang bumawi... Nahihilo ma'y kinabig n'ya ang batok ng binata saka pwersadong tinuhod ang muk'a nito kaya bumagsak si chito. Napahawak sa pisngi ang dalaga
"tama na chito,please!"pakiusap sana ng dalaga pero masama ang tingin sa kan'ya nito at akmang tatayo na nung magulantang si marra sa biglang pagtuhog ng gulok sakto sa bunbunan ng binata tagos sa baba. Dahan-dahan at puno ng kaba na tumingala ang dalaga.
Hingal na hingal na huminto si gleyn kaya bumangga pa sa kanya si ivo.
Nakaupo sa tyan ng lalaki si migz habang solid n'ya 'tong pinagsusuntok at nung maramdamang wala ng malay ang lalaki ay kinuha n'ya ang hawak nitong gulok at akmang pupugutan na ang lalaki nung mapahinto ito sa tumuhog sa kanya. Paglingon n'ya ay palapit sa kan'ya ang isa pang pangit na lalaki,nung tuluyang makalapit ay pwersado n'yang winasiwas ang gulok pero nakaiwas 'to at nag-wiggle pa. Umungol 'to ng malakas saka tumingin sa binata. Wala ng lakas si migz at namanhid na ang buong katawan,alam na n'yang mamamatay na s'ya sa nakaambang kawayan sa ulo n'ya nung suntukin ni ivo ang lalaki sa batok. Pwersado 'yon kaya agad na bumulagta ang lakaki,alarma namang lumapit si gleyn kay migz nung
"si marra..."sambit ng binata
"wag kang bibigay!"natatarantang sabi ni gleyn nung tuluyan ng pumikit ang binata at bumagsak. Napatingin kay ivo ang dalaga nung makita n'yang kinuha nito ang gulok.
"time for bloody night baby!"sabi pa ng binata na tumapat sa lalaking sinuntok n'ya at inamba ang gulok.
Nahihilam na sa luha si gillian habang tuloy sa pagtakbo,natatanaw na nito ang kalsada at nagkaro'n na s'ya ng pag-asa nung bigla 'tong padapa na bumagsak at makaramdam ng sakit. May kumagat na kung ano sa paa n'ya,nung tingnan n'ya ay para itong bitag nung maalarma s'ya at lalong kabahan nung hilahin s'ya nito pabalik pero nakakapit s'ya sa puno... Napasigaw 'to sa matinding sakit habang patuloy s'yang nakikipagmatigasan at napupunit na ang balat at laman sa gawing paa n'ya hanggang sa tuluyan 'tong mahiklat kasama ng buto n'ya sa binti,walang mapaglagyan ang sakit na naramdaman n'ya,napasigaw nalang ito.
Napahinto si jazz nung matanaw si marra na nakikipagsuntukan sa pangit na lalaki.
Buti at magaling sa martial arts si marra kaya nakakalaban ito pero dahil sa babae 'to ay parang wala lang ang mga suntok nito sa kalaban hanggang sa tamaan s'ya sa muk'a at mapaupo s'ya. Kabado s'yang napapaatras at papalapit na ang lalaki na handa na s'yang patayin nung mapalingon 'to sa kumalabit sa kan'ya.
Paglingon n'ya ay solid s'yang sinuntok ni jazz sa muk'a kaya napaatras 'to,nasundan pa 'to ng flying kick kaya bumagsak ang lalaki,alarmang tumayo ito at sinugod ang dalaga nung
"wala akong panahon sa'yo."hayag ng dalaga at nung makalapit ang lalaki ay alarma n'yang binunot ang punyal sa likuran nito saka sinaksak sa lalaki,winakwak n'ya pa 'to pataas kaya sumambulat ang laman-loob ng lalaki na lumagapak lupa,nakaramdam naman ng matinding takot at pandidiri si marra.
Katatapos lang umihi sa puno ni rriz nung pagbaling nito ay bumulaga sa kan'ya ang isang lalaki. Natawa pa si rriz kaya tumawa din ang lalaki nung sumeryoso ang muk'a ni rriz saka tinadyakan ang maselang parte ng lalaki kaya napaungol 'to ng malakas.
Nagtagpo ang lima sa kalagitnaan ng bundok
"kelangan nating makalabas dito."sabi ni ivo. Nung mapalingon sila sa biglang tumusok sa puno, malapit sa kanila. Alarmang tumakbo ang lima.
Nung biglang itulak ni rriz si gleyn at mapaupo ang dalaga,kasabay no'n ang pagtuhog ng kawayang muntik na dapat si gleyn
"makikiramdam kadin,'di yung takbo kalang ng takbo."sabi ni rriz.
Habang tumatakbo ang tatlo ay biglang bumagsak si ivo kaya natigilan ang dalawa,nung tingnan nila'y may tama ito sa hita bagay na kinaalarma nila. Nakarinig sila ng malakas na ungol na lalong kinagigil ni ivo kaya kahit masakit ay hinila n'ya ang maliit na kawayan na tumuhog sa hita n'ya. Bakas sa dalawa ang panlulumo nung sirain ni jazz ang damit n'ya at 'yon ang ginamit na pantapal sa hita ng binata.
Napaatras si gleyn nung makita ang pangit na lalaki, akmang tatagain na s'ya nito nung hawakan ni rriz ang kamay ng lalaki at tuhurin n'ya 'to ng tuhurin pero ayaw namang magpatalo ng lalaki.
"tumakbo kana!"sigaw ni rriz
"huh? Eh pa'no ka?"tarantang tanong ng dalaga
"basta tumakbo kana!"
"ayoko! Ayokong iwan ka!"
"ayaw mo? Sige palit tayo dito!"anas ng binata
Nakaakbay si ivo kay jazz at marra habang paika-ikang tumakbo nung magulat sila sa tumuhog na gulok sa puno kaya alarma silang umiba ng direksyon.
"fuck!"sigaw ni ivo nung tamaan 'to sa kabilang binti kaya tuluyan s'yang bumagsak nung alarma s'yang binitawan ni jazz dahil palapit na sa kanila ang lalaki.
"ilayo mo na si ivo..."sigaw ni jazz,alarma namang inakay ni marra ang binata palayo.
Nakaiwas ang dalaga sa suntok ng lalaki nung makakita s'ya ng kahoy,alarma n'ya 'tong kinuha at binangag sa muk'a ng lalaki kaya bumagsak ito. Patakbong bumaling ang dalaga nung mapasigaw ito,tumuhog sa braso n'ya ang matulis na kawayan kaya napaluhod 'to. Naghahalu-halo na ang pakiramdam n'ya at alam n'yang palapit na ang lalaki kaya wala na s'yang nagawa,binunot n'yang pilit ang kawayan at pasaksak na bumaling sa lalaki. Sapul 'to sa dibdib,sa gigil ni jazz ay binaon pa n'ya 'tong lalo.
Takbo ng takbo si gleyn kahit wala 'tong eksaktong kakapuntahan nung bigla nalang s'yang bumangga at nagpagulung-gulong pababa.
"fuck!!!!"malakas na sigaw ni ivo nung lumapag 'to sa simento at maupuan ni gleyn ang binti n'ya matapos ang mahabang paggulong nila ay nasa kalsada na sila.
"sorry...."sabi ni gleyn na alarmang tumayo. Hinanap ng paningin ni ivo si marra nung akayin s'ya ni gleyn patayo.
"si marra?"tanong ni ivo.
"abay malay ko,ba't ako tinatanong mo?"pagtataray ni gleyn,umiling lang ang binata pero umikot padin ang paningin nito sa paligid.
Puno ng pag-aalala ang dalawa habang naglalakad at magkaakbay. Kanya-kanya sila ang iniisip tungkol sa tatlong kasamahan nila. Nung magulat sila sa biglang bumalibag sa kanila at gumulong pa 'to sa paanan ni gleyn kaya napaatras s'ya. Kunot-noo nilang tinitingnan ang parang bola na nakabilot ng damit. Akmang bubuksan na ng dalaga nung pigilan s'ya ni ivo
"muk'ang alam ko na kung ano 'yan."sabi ng binata
"ano 'yan?"tanong naman ng dalaga
"ulo ni marra 'yan."kinilabutan si gleyn at umatras sa bagay na'yon
"pa'no ka nakakasigurado?"tanong nito
"damit n'ya 'yan..."bumugso ang matinding kaba sa dalaga nung may mabigat na kamay ang dumapo sa balikat n'ya... Alarma s'yang bumaling pasampal nung hangin lang ang tamaan no'n. Pagyuko n'ya ay nakita n'ya si jazz na nakasalo sa braso.
"jazz! Akala ko patay kana?"sabi ng dalaga na inakap s'ya.
"si rriz?"tanong ni ivo. Tiningnan ni jazz ang binata na may bahid ng panlulumo.
Nagsisimula ng sumikat ang araw pero patuloy parin sila sa paglalakad nung mapahinto si jazz.
"bakit?"tanong ng dalawa
"may sasakyan."ramdam ni jazz,pagdungaw nila'y nagkaro'n na sila ng pag-asa. Paika-ikang gumitna si ivo at kumaway-kaway. Kunot-noo naman ang pulis nung makita sila. Kinuha ang baril sa console box.
Paghinto ng kotse ay agad lumabas ang pulis,lapit naman ang tatlo...
"mamang pulis! Para n'yo na hong awa,makikisakay ho!"pakiusap ni gleyn.
"ano ba'ng nangyari sa inyo?"tanong ng pulis.
"may pumapatay po...siyam kami pero kami nalang ang natira... Parang awa nyo na po..."pakiusap ni jazz.
"mabuti pa'y isulat n'yo muna ang mga pangalan n'yo..."sabi nito at sinuot ang katawan sa window para abutin ang papel at panulat nung pagbaling n'ya ay solid s'yang sinuntok ni ivo kaya napaupo ito.
"sorry men! Baka ikamatay pa namin ang kakuparan mo eh."sabi ni ivo at hinatak ang pulis palayo sa sasakyan saka sila pumasok at agad na pinaandar ang sasakyan.
Habang binabagtas nila ang kalsada ay napapaisip ang tatlo.
"unbelievable...ang dami na ng pinagdaanan natin,pero sa gan'to lang natapos ang lahat. Si rriz..."sabi ni ivo na bakas ang panlulumo. Nakaramdam din ng matinding lungkot ang dalawa nung magulat sila sa pagpreno ng binata.
"bakit?"tanong nila,napatingin sila sa daan at may taong nakabulagta sa gitna. Pare-parehas silang nakaramdam ng matinding kaba.
"wag kanang bumaba,baka mamaya ikaw naman ang sumunod."sabi ni gleyn,tiningnan lang ni ivo ang dalaga pero bumaba padin 'to "ivo!"tuloy baba ang dalawa.
"rriz!"alarmang tumakbo ang binata nung makumpirmang si rriz nga 'yon,duguan at puro sugat pero buhay pa 'to.
"rriz! God!"gulantang ni jazz at alarmang inakay nila ang binata para ipasok sa kotse nung biglang may pumalupot na kung ano sa leeg ni gleyn at hinila ito nung mapalingon sila at magulantang sa malakas na ungol na narinig. Binugsuan ng kaba ang dalawa nung makita nalang nila ang gawing paanan ni gleyn na hinihila papasok sa kung saan. Akmang pupuntahan ni ivo nung pigilin s'ya ni jazz...umalingawngaw ang malakas na sigaw ng dalaga kasunod ang paghagis sa kanila ng kapirasong parte ni gleyn.... Sumigaw nalang si ivo sa sobrang galit.

" The hint"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon