"THREE" Inimical

62 1 0
                                    

Naalarma si sane at sy nung marinig ang malakas na sigaw ng dalaga at ungol ng psycho.

"fuck!"asar na tumakbo si sane kahit makirot ang sugat.

Nagising ang dalaga na hilung-hilo,inikot pa ang paningin sa 'di pamilyar na lugar. Agad 'tong babangon nung maramdaman na nakatali s'ya.

"hayaan n'yo na 'ko! Tama na!"sigaw ni peril habang nakahapag sa lamesa."ayoko na! Tulong!!!!"sigaw pa nito pero walang sumasagot. Pagtingin n'ya sa gilid n'ya'y " carol?"tawag n'ya sa dalaga. "carol....gumising ka!"umungol naman ang dalaga na bumaling ng tingin sa kanya. Duguan ito na may tama sa gawing ulo.

"tulungan mo 'ko..."halos bulong nalang 'yon. Habang pilit kumakawala sa pagkakagapos.

"makakawala tayo dito..."sagot ng dalaga. Nagulat ang dalawa nung marinig ang pagbukas ng pinto. Napasinghap si peril nung makita pa n'yang itinaga ng p-1 ang hawak na gulok sa kahoy.

Nagsimula ng sumigaw si carol sa takot nung lapitan s'ya nito.

"please! Not me! I'm begging you..."hagulgol ni carol. Pinakita pa ng lalaki ang hawak na gunting at buong galak na dinilaan 'yon. "not me!! Please!!!" tinusok ng lalaki ng dahan-dahan ang tyan ng dalaga. Walang katapusang sigaw at hagulgol ni carol,tanda ng matinding sakit. Gano'n din si peril habang kitang-kita ang pangyayari...habang ginugupit pahalang ng lalaki ang tyan ng dalaga. Kakasigaw ni carol ay dinukot ng lalaki ang bituka nito at pinasak sa bunganga n'ya. Umiwas na ng tingin si peril na halos masuka. Dinig na dinig n'ya ang halos masuka-sukang si carol habang pinipilit na ipasok ng lalaki ang sariling bituka nito sa bunganga n'ya. Tuwang-tuwa pa ang lalaki.

Alarmang bumaling paharap si peril nang makarinig 'to ng pagtaga.

"fuck you!!!!"sigaw ng dalaga nung makitang tinaga-taga ng lalaki ang katawan ni carol. Hagulgol na umiiling ang dalaga habang nakatingin sa muk'a ni carol na dilat na namatay at nakatitig sa kan'ya habang nakasupalpal padin ang sariling bituka sa bibig nito. Tuluyan ng naghiwalay ang upper at lower body part ng dalaga na lalong kinapanlumo ni peril. Tiningnan s'ya ng nakakaloko ng lalaki at tiningnan n'ya din 'to ng masama. Nilapitan s'ya ng lalaki at sinabunutan pero 'di nagpatinag ang dalaga. Kinuha ng lalaki ang kutsilyo saka nilapat sa muk'a n'ya. Bakas sa dalaga ang matinding takot pero 'di n'ya pinapahalata. Napapikit ito ng mariin nung maramdaman n'ya ang hiwa sa muk'a n'ya. Napalingon ang lalaki sa pinto nung dumating ang kasama n'yang p-3. Patalon-talon pang lumapit sa kanila. Hinagod ni p-3 ng tingin ang kabuuan ng nakahigang dalaga at tumawa. Hinaplos n'ya ang binti nito pataas sa hita. Palabas-labas pa ang dila nito at sinimulang dilaan ang dalaga mula sa binti papunta sa hita. Tuwang tuwa naman si p-1 sa panunuod.

"tama na!!!"sigaw ng dalaga. Nung wasakin ang gown n'ya at mamangha ang dalawa sa ganda ng katawan ni peril.

Halatang excited pa si p-3 na hinaplos-haplos ang katawan ng dalaga. Dinilaan n'ya 'to mula sa puson pataas sa punong-tenga. Diring-diri ang ekspresyon ng dalaga habang ramdam ang malapot na laway na bumabalot sa katawan n'ya. Nilapit ni p-3 ang muk'a sa muk'a ng dalaga at tinitingnang mabuti. Sagwang-sagwa naman si peril sa pagmumuk'a ng lalaking 'yon. Nung akmang hahalikan s'ya nito'y napasigaw s'ya ng sobra-sobra. Na halos mapaos na. Tawa naman ng tawa ang dalawa habang pumipiglas ang humihiyaw na dalaga.

"Tama na!!!"sigaw ng dalaga,mas lumakas pa ang sigaw nito nung hiwain ni p-1 ang hita n'ya.

"mamatay na kayo!!!!"sigaw parin ng dalaga at tuloy parin ang paghiwa sa hita n'ya nung alarmang mapalingon ang dalawa sa narinig na pagsabog. Agad kumuha ng palakol saka lumabas si p-3 para tingnan 'yon. Nag-aapoy ang paligid nila. Pinapakiramdaman nito ang lugar nung makakita 'to ng kung anong lumilipad palapit sa kan'ya.

"bull's eye." gigil na sambit ni sane nung makitang nagliyab si p-3. Palabas ng bahay ang isa pa,nung marinig ang ungol ng kasama. Mabilisan 'yon.

"peril..."tawag ni sy na palapit sa kan'ya. At alarmang kinalagan ang hinang-hinang dalaga."...wag kanang mag-alala,andito na 'ko..."kalmang binata at pumunit ng kapirasong tela para itali sa hita n'ya.

Bumagsak na si p-3 habang nagliliyab. Umungol ng malakas si p-1 tanda ng galit. Pasugod s'yang pumasok sa loob. Wala na ang dalaga. Suminghut-singhot s'ya at alarmang bumaling nung bangagin s'ya ng tubo sa muk'a ni sy.

"takbo na! Ako ng bahala dito."sabi ni sy kay peril. Alarmang tumakbo palabas ang dalaga. Sa pagtakbo nito'y nadaanan n'ya si p-3 at nagulat 'to nung hawakan ang paa n'ya kaya napasigaw s'ya. Alarma namang napalingon si sy at nakakuha ng bwelo si p-1 para suntukin s'ya. Bumalandra 'to sa pader.

"ano ba?!"inis na pumipiglas ang dalaga nung sipain n'ya 'to sa muk'a. Nabitiwan s'ya nito kaya agad s'yang tumakbo. Sa pagtakbo nito ay napaupo s'ya nung bumangga s'ya kay sane.

"sane!"agad s'yang tumayo at inakap ito. Pagtapos ay hinubad ng binata ang damit n'ya at pinasuot kay peril. Akmang aalis na ang binata nung pigilan s'ya ng dalaga.

"wag na!"awat nito.

"si sy..."sambit ng binata.

Kinuha ng lalaki ang nakitang gulok at lumapit sa nakahigang si sy. Akmang tatagain na n'ya 'to nung umilag ang binata at agad na tumayo. Pwersado n'yang tinulak ang lamesa sa lalaki. 'di nagtagal ay pumasok si sane at agad na kumuha ng tali at pinambigti sa lalaki. Agad na lumapit si sy at pinagbibira 'to sa muk'a hanggang sa bumagsak 'to.

Kumuha si sane ng katala (lyabe)at binangag ng walang lubay ang lalaki hanggang sa madurog lalo ang muk'a nito.

"tama na! "awat ni sy. Hinihingal na binitawan ni sane ang lyabe.

Sumikat na ang araw.

Nakalabas na ng gubat ang tatlo,duguan ma'y bakas sa mga 'to ang kapayapaan habang naglalakad sa kalsada.

"...sana naman tapos na."hayag ni peril.

"tapos na talaga! 'wag kang mag-alala."sagot ni sy,inakbayan ni sane ang dalaga. Tuloy parin ang lakad nila hanggang sa makatanaw ng dalawang kotse at pamilyar ang mga 'yon kila sane.

Huminto ang mga kotse. At agad bumaba do'n sa isang kotse si lethal na sinalubong ng akap si peril.

"ano bang nangyari sa inyo?"bakas sa muk'a ng dalaga ang pag-aalalala.

"mahabang kwento..."sagot naman ni sy na pumasok na sa kotse.

"men,muk'ang marami kang dapat ikwento sa'kin."sabi ni red na inabutan si sane ng panyo. Kinuha ng binata ang panyo saka pumasok sa kotse.Umalis na sila sa lugar na'yon.

Bumukas ang pinto sa bahay kung sa'n tumuloy sila peril nung mapaatras si p-1 sa nahulog na ulo ni p-2. Bumakas dito ang matinding galit kaya umungol 'to ng malakas.

Nagising si allen sa narinig na'yon kaya bumalikwas 'to. Paglabas n'ya ng kwarto ay napaatras 'to pero naabot parin s'ya ng malaking gulok. Sakto 'to sa ulo ng binata kaya nahati 'to sa gitna.

*******The end**********

" The hint"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon