/ERYS CHANCE\ POV
Inayos 'ko na yung gamit 'ko at umalis na ng bahay para pumasok. Jusko, kinakabahan ako. Mayayaman kasi mga tao dito! Baka walang makipagkaibigan sakin dito. Mahirap lang kasi ako. Wala na din akong pamilya. Parents 'ko? Iniwan na 'ko. Na aksidente sila. Yung bestfriend 'ko naman nakatira na sa ibang bansa. Simula nun, wala na 'kong kasama lagi sa bahay. Saklap no? Hahahaha I know.
Pagkapasok 'ko, pumunta agad ako sa locker room.
Nilagay 'ko na yung ibang gamit 'ko don at naglakad na papuntang library. Maaga pa kasi. Edi magbabasa muna 'ko.
Naglagay ako ng earphones at nagpatugtog ng mahina. Pakanta kanta lang ako sa isip 'ko nang bumangga ako isang poste? eh?
"Ay putangina, sakit." Napahawak ako sa pwet 'ko. Tangina masakit talaga! Hindi pala poste yun. Tao pala. Bwisit.
"Hala, minura nya si Kyle."
"Kapal naman nyan, sya na nga nakabangga sya pa galit."
"Waaaah! Nakabangga nya si Kyle. Swerte nya, huhu."
Tumayo na ako at nakita 'ko yung walang karea-reaksyon na mukha nung nakabangga 'ko. Tsk. Di manlang ako tinulungan. Bwisit talaga! Umagang umaga, badtrip agad ako. Tsk.
Naglakad nalang ako ulit papuntang library at tahimik na nagbasa don.
Nung tinamad na 'ko magbasa, hinanap 'ko na yung room 'ko at pumunta na don. Leche, nabadtrip talaga ako! Wala tuloy ako sa mood.
Pagkaupong-pagkaupo 'ko, nakarinig agad ako ng bulungan.
"Pogi talaga ni Kyle!"
"Oo nga! Gagi, minura sya nung isang babae kanina."
"Oh? Lakas naman ng loob nun."
Feeling 'ko ako yung pinag-uusapan nila. Haynako! Kyle! Sino ka ba?
xxxxxxxxx
Kathryn Bernardo as Erys Chance.
-alien.
BINABASA MO ANG
Greyson's Chance
RomanceI am the chance. He's the greyson. Combine it together, wala pa ding forever.