T W O

16 2 0
                                    

Break namin ngayon at nandito ako sa cafeteria. Wala akong kasama kasi nga wala akong kaibigan dito.

Kain lang ako ng kain nang may umupo sa harap 'ko.

"Hi." bati nya sakin. Nag-hello nalang ako sa kanya. "Ba't wala kang kasama?"

"Wala kasi akong kaibigan dito." yumuko ako. "Tayo nalang magkaibigan. Gusto mo? Kasi ako gusto ko. Hehe." nahihiyang sabi nya.

Tumango nalang ako at tumawa ng mahina. Napangiti naman sya agad dun. Nagpakilala sya at syempre ako din. Lem pangalan nya.

Pagkatapos ng break time, bumalik na kami sa room. Kaklase 'ko pala 'to.

*KRINGGGGG

Buti naman nagbell na. Puta tamad na tamad ako. First day kasi, eh. Puro pakilala lang. Hays!

Palabas na sana ako ng room nang hatakin ako ni Lem.

"Teka! Ba't mo 'ko hinihila? San mo 'ko dadalhin?" tanong ko sa kanya habang hila hila pa din ako. "Oy puta! Sumagot ka." natawa nalang sya at nakarating kami sa kotse nya. San ba 'ko dadalhin neto?

"Mall." maikling sagot nya. Teka.... pa'no nya nalaman? "Halata kasi sa mukha mo. HAHAHAHA." Natatawang sagot nya. Kaya naman pala.

Nakarating kami sa mall. "Oy anong gagawin natin dito? Wala akong pera." nahihiyang sabi 'ko.

"Huh? Ba't wala kang pera? Grounded ka 'no? Hahaha!" sabi nya.

Umiling ako at inamin 'ko sa kanya na mahirap lang ako at scholar lang ako. Ngumiti sya bigla, "Ganun ba? Okay lang 'yan. Libre nalang kita lagi."

"Ano ka ba! 'Wag na 'no! Okay lang naman, eh." Umiling sya at hinila ako sa isang tindahan ng mga cellphone.

"iPhone 6+ please." sabi nya sa nagtitinda doon. Yaman talaga neto!

Binigay na sa kanya yung iPhone at nagbayad na sya. Nagulat ako ng bigla nyang iabot sakin 'yung iPhone.

"Anong gagawin 'ko dito?" nagtatakang tanong 'ko sakanya. "Try mo kainin." sinamaan 'ko lang sya ng tingin."Dejoke lang. Sayo na 'yan."

Ngumiti nalang ako at nag-thank you.

Umalis na kami dun at pumunta sa isang store na puro damit ang tinda.

May binulong sya sa isang staff dun at ngumiti lang yung staff at tinawag ako. "Mam Erys!"

-----

Pagkauwi 'ko sa nirerentahan 'kong apartment, inayos 'ko na agad 'yung mga pinamili namin ni Lem. Nilibre nya 'ko. Lahat, as in lahat!

Pagkatapos 'kong ayusin 'yon, nagselfie ako. Ganda 'ko talaga! Hays! Hahahaha! Joke lang.

Inayos 'ko yung kwarto 'ko kasi sobrang gulo pa. Kakalipat 'ko pa lang kasi.

Ayos lang ako ng ayos nang may malaglag na kung ano mula dun sa hawak 'ko.

Isang picture.

Picture 'ko nung bata pa 'ko, kasama sya.

xxxxxx

Lame update. Sorry! Wala akong maisip, eh. Huhuhu.

-alien.

Greyson's ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon