T H R E E

12 2 0
                                    

Ilang araw na nakalipas mula nung nangyari yung banggaan namin nung lalaking hindi 'ko naman kilala.

Tapos lagi 'kong naririnig pangalan nung Kyle na yun! Sino ba 'yon? Lagi nalang syang pinag-uusapan.

Sa ilang araw na 'yon, may mga naging ka-close ako. Actually bestfriend yung turing nila sakin. Yung tipong lagi nila akong pinapapunta sa bahay nila! Tapos lagi kaming magkakasama. Pasukan, Breaktime, Dismissal. Alam na din nila na mahirap lang ako. Syempre inamin 'ko. Hindi naman sila nagreklamo or nandiri. Akala 'ko talaga walang makikipagkaibigan sakin dito.

Break time namin ngayon. Nasa cafeteria kami nila Francesca, Austen at Micka. Sila yung mga bestfriend 'ko. Si Lem wala. Nasa practice. Varsity pala 'yun dito!

"Erys, wala ka manlang bang ikekwento tungkol sa past mo?" tanong ni Micka.

"Wala. Bakit? Ano meron?"

"Wala lang. Basta dali na. Magkwento ka na." sabi ni Francesca.

FLASHBACK (6 years ago)

Masayang naglalaro ang dalawang magkaibigan sa park. Naisipan nilang bumili ng ice cream sa isang malapit na tindahan.

"Ryry, 'pag nawala ba 'ko anong gagawin mo?" tanong ni Kyky.

"Iiyak, syempre. Tapos hihintayin kitang bumalik. Bakit? Aalis ka ba?"

Kinakabahan si Kyky dahil sa bestfriend nya na si Ryry. Ayaw nyang iwan ito pero kailangan.

"Oo Ryry, eh. Sorry. Pupunta na kami sa ibang bansa." naiiyak na sabi ni Kyky. Maluha-luha naman si Ryry nang marinig nya iyon.

"A-ano? Kelan kayo aalis? Hanggang kelan kayo dun?" tanong ni Ryry habang umiiyak.

"Hindi 'ko alam Ryry, hindi 'ko alam. Sorry, bye." sabi ni Kyky at tuluyan ng umalis sa harap ni Ryry.

--

Kinabukasan, dumiretso agad sya sa bahay ni Kyky. Naabutan nya ang isang babae na naglilinis sa tapat ng bahay nila.

"Kyky!" sigaw sya ng sigaw at umaasang lalabas doon si Kyky.

"Ay anak! Wala ng nakatira dyan. Kakaalis lang nila kahapon." napaluhod agad sya ng marinig nya iyon.

Wala na. Wala na ang nag-iisang bestfriend nya. Iniwan na din sya.

END OF FLASHBACK.

Ngumiti lang ako ng matipid pagkatapos 'kong ikwento 'yon. Niyakap naman nila ako.

"Sino si Kyky?" tanong ni Austen.

"Bestfriend 'ko, dati."

"Hindi. I mean, anong true name nya." paliwanag ni Austen.

"Kyle."

"Kyle lang? Walang surname?" nagtatakang tanong ni Micka. "Meron. Pero sabi nya sakin nung unang pagkikita namin, sya daw si Kyle GS."

"GS? Meron ba 'nun? Weird, ha." Francesca.

xxxxxxxxx

Yung Ryry po ay pronounced as Riri. Tapos yung Kyky naman, Kaykay.

P.S Lalaki po si Lem.

-alien.

Greyson's ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon