F I V E

11 1 0
                                        

Damn you, Kyle! Ugh. Ba't mo ba kasi ako tinawag ng ganon! Di tuloy ako makatulog. Bwiset. Alam mo yung feeling na antok na antok ka na pero hindi ka makatulog? Nakakapeste diba?

Nagtataka pa din talaga ako kung bakit ganon yung tawag nya sakin. Ryry? Wtf.

FLASHBACK

"Sungit mo, Ryry. Sapakin kita dyan, eh."

"Ha? Anong tawag mo sakin?"gulat na tanong 'ko sa kanya.

"Wala." sabi nya sabay walkout. Eh? Problema nun?

End of flashback.

Bwiset talaga. 2AM na pero hindi pa din ako tulog. May pasok pa bukas, jusko.

------

"Oh anyare sayo?" tanong ni Micka. Napansin nya siguro yung eyebags kong malaki at yung mata 'kong mapungay. Ikaw ba naman walang tulog, eh.

"Wala. Masama lang pakiramdam 'ko." sabi 'ko at napahilamos ng mukha.

"Magclinic ka muna, Erys." sabi ni Austen. Tumayo agad ako at dumiretso sa clinic.

Nagpaalam ako sa nurse na kung pwedeng itulog 'ko nalang 'tong sakit ng ulo 'ko, pumayag naman sya kaya humiga agad ako.

Haaaay, inaantok talaga ako. Di 'ko namalayan, nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil nararamdaman 'kong may tumutusok sa pisngi 'ko.

Minulat 'ko yung mata 'ko at laking gulat 'ko ng makita 'kong sobrang lapit ng mukha ni Kyle sa mukha 'ko.

"Yah! Lumayo ka nga!" sabi ko at tinulak sya palayo.

Tawa lang sya ng tawa. Pagkatapos nyang tumawa, nagsalita agad ako. "Happy?" poker face na sagot 'ko. Inaantok pa talaga ako. Pero nawala na naman medyo yung sakit ng ulo 'ko.

Umiling sya pero nagpipigil pa din ng tawa. Ano bang meron?! Puta, naiinis na 'ko ah.

Binigyan nya ako ng salamin. "Look at your face." sabi nya at umupo ulit sa upuan nya na nasa harap ng kama na hinihigaan 'ko.

Tinignan 'ko sa salamin yung mukha 'ko. Ah, yun lang naman pala, eh. Tsk. Kung makatawa kala mo wala nang bukas eh 'no.

Alam nyo kung san sya natawa? Sa buhok ko. Peste. Gulo gulo kasi. Kasi naman! Hindi ako masyadong nag ayos kanina nung nasa bahay pa 'ko. Eh sa inaantok yung tao, eh.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong 'ko sa kanya. "Wala, masama ba?" Ay oo nga pala, anak nga pala sya ng may ari kaya pwede nyang gawin lahat.

Lumabas ako ng clinic at iniwan 'ko sya dun kasi nga break time na. Dumiretso ako sa cafeteria at nakita 'ko don sila Micka. Umupo na 'ko sa pwesto namin pagkabili 'ko ng pagkain.

"Okay ka na?" tanong ni Francesca. Tumango ako.

"Nga pala, hinahanap ka kanina ni Lem." sabi ni Austen. "Ah? Nasaan na sya?" Ngumuso si Austen sa direksyon ni Lem na papunta sa table namin.

"Gotcha! Tara!" Sabi ni Lem at hinatak ako paalis ng cafeteria. "Bakit?"

"Wala namiss lang kita." sabi nya pagkadating namin sa garden. May garden pala dito? Ngayon 'ko lang nalaman ah.

"Hala. Hahahaha!" Nag usap usap lang kami ni Lem at nagselfie. Pasensya na po. Naging adik ako sa selfie mula nung ibigay sakin ni Lem 'tong iPhone na 'to.

Pipindutin 'ko na sana yung camera buton ng bigla may humatak sakin. Muntik 'ko pang mabitawan yung iphone ko.

Bakit ba andaming nanghihila sakin ngayon? Madami ba yon? Dalawa? Hahahahaha, ge.

"Ano nanaman ba 'yon?" masungit na tanong kay Kyle.

"Wala."

"ANO?! HINATAK- HATAK MO PA 'KO PAPUNTA DITO TAPOS WALA KA NAMAN PALANG SASABIHIN? P*TA, ANO BA TALAGANG GUSTO MONG MANGYARI?!" sigaw 'ko. Inis na inis na 'ko! Argh!

"Sht.." natatarantang sabi nya. Wtf?! Anong nangyayari dito sa lalaking 'to? "I missed you, Ryry."

Wait...... WAG MONG SABIHING....

"Ako si Kyky, Erys." Nagulat ako ng sabihin nya 'yon.

Wow, so sya pala talaga si Kyle. Ang dati 'kong bestfriend. Ha ha. Kaya pala tinawag nya akong Ryry.

Hindi 'ko na kaya kaya tumakbo ako. Pero sobrang bilis nya kaya naabutan nya 'ko. "Wait, please. Let me explain."

"EXPLAIN WHAT? HA? NA INIWAN MO AKO NG ANIM NA TAON NA WALANG KA- ALAM ALAM KUNG BAKIT KA UMALIS? HA? YUN BA? YUN BA ANG GUSTO I-EXPLAIN?!" Hindi 'ko na napigilan ang luha 'ko.

Niyakap nya ako pero tinutulak 'ko sya. Nanghina na ako kaya wala akong magawa kundi hayaan nalang sya.

"Sorry! Sorry kung di 'ko sinabi sayo yung dahilan. Sorry talaga." Yumuko sya. "Anong dahilan ha? Ba't mo ako iniwan nung bata pa tayo?" umiiyak ako habang sinasabi 'ko 'yon.

"May sakit kasi yung lolo 'ko at kailangan nyang magpagamot. Pero gusto nya nandoon ako habang nagpapagamot sya. Kasi nga ako yung paborito nyang apo. Kahit ako, Erys. Kahit ako ayaw kong umalis ng Pilipinas pero kailangan talaga. Pero unfortunately, namatay sya." umiiyak na sabi nya. Wala akong nagawa kundi yakapin nalang sya.

"Sorry talaga. Sorry." pagmamakaawa nya.

"Sorry din." sabi 'ko at humiwalay na sa yakap nya. Pinunasan 'ko yung luha 'ko.

Nagulat ako ng bigla syang tumawa. "Hi, I'm Kyle Greyson." nakikipagshake-hands pa sya.

Huh? Anong pakulo neto? Tinignan 'ko sya na parang nagtataka pero ngitian nya lang ako.

Ah, gets 'ko na. "Hello, I'm Erys Chance." ngumiti ako.

"And now we're starting over agaaaain, this time we'll erase all the pain awayyy." Pagkanta nya. Hay. Di pa din sya nagbabago.

"Walang iwanan Kyky ah?" nakangiting sabi 'ko.

"Opo Ryry, walang iwanan."

xxxxxxxxx

Hoo! utak 'ko nasa ibang planeta habang tinatype 'ko to. Hahahaha! Sorry na. Bwahahaha.

-alien.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Greyson's ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon