Prologue

10 0 0
                                    

—☾*✲⋆—

My name is Audrey Fillan. My parents both died when I was 8 years old and its been 10 years since then.

Nangyari ito nung araw ng kaarawan ko. We planned to spent my birthday happily, naalala ko pa na mabilis na tinapos ni dad ang mga trabaho niya sa kompanya para i-celebrate ang kaarawan ko, habang si mom ang nagluto ng kakainin namin para sa picnic.

It was really a happy day for me especially I feel the love of my parents. I still remember their happy face while singing a happy birthday for me. It was a happy family indeed. I engrave it on my memory dahil iyon na ang pinaka huling alaala ko.

I thought it will be a happy day since its my birthday until an accident happened. Ang aksidente na kumuha ng magulang ko sa akin.

Lahat naman maayos at masaya nung umalis na kami sa picnic place. Habang dinadaan na namin ang kalsadang pauwi sa bahay, nag request ako na dumaan muna kami sa mall dahil malapit lang naman kami at para bumili. Kung alam ko lang ang simpleng request ko ay kapalit ng buhay ng magulang ko hindi ko na ito ginawa. Sana, kung sana lang mababalik ko ang oras.

Nang nakapag-park na si dad nagmadali akong lumabas ng kotse not minding their call. I was a cheerful but a naughty daughter and I wish I wasn't.

Masaya akong tumatakbong tumawid ng biglang narinig ko ang malakas na busina. Sa sobrang lakas napahinto ako at takot na tumitig sa trailer truck na paparating sa akin. Parang kinuha sa akin lahat ng lakas ko at ang tanging ramdam ko lang ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Mabilis ang naging pangyayari. Namalayan ko na lang nasa likod ko na si mom at malakas akong tinulak tsaka ang pag sigaw ni dad sa pangalan namin ni mom.

I remember how shocked I am and trembling hard nung nakita ko si mom at dad na parehas na naliligo sa sarili nilang dugo. All I did was to sit in the road and cry like there was no tommorow. Naalala ko ang paligid ko ay puno ng mga taong nagkakagulo at puro sigaw hanggang sa mag collapse na lang ako siguro dahil sa pagkashock at pag iyak.

Pagkagising ko bumungad sa akin ang buong pamilya. I remember their eyes were screaming harted. Hindi ko sila masisisi dahil pati ako ay naiinis sa sarili ko. Sinabi nila sa akin na dead on arrival parehas sila mama at papa.

I cried the whole day and the next upcoming days after hanggang sa burol nila mama at papa ang ginawa ko lang ang umiyak. Hindi ko naalala kung sino ang kumakausap sa akin o nagbalak na kausapin ako at lalo na kung sino ang mga tumabi sa akin, dahil ang buong atensyon ko ay nasa magulang ko lang. Ramdam ko ang mundo ko na onting onting nawawasak.

Kung sana umuwi na lang kami at hindi ko pinilit na pumunta pa kami sa mall. Kung sana hindi na lang cinelebrate ang birthday ko. Kung sana hindi na lang dumating ang araw ng birthday ko. Kung sana hindi ako pasaway na anak. Kung sana hindi na lang ako nag exist at iba na lang ang anak nila, eh di sana buhay pa silang parehas ngayon.

Pagkatapos ilibing sila mama at papa pinag usapan kung sino ang mag-aalaga sa akin. Lahat sila ayaw ako kunin at lahat sila pinaramdam sa akin na hindi nila ako gusto. Sino nga ba ang mag-aalaga sa isang bata na naging dahilan ng pagkamatay ng magulang niya? Wala.

Pero sa huli napunta ako sa pamilya ng mama ko. Nang makapasok ako sa bahay pa lang nila naramdaman ko na ayaw nila sa akin kaya nagkulong ako sa kwarto. Sa kwarto ang ginawa ko lang kung hindi matulala ay umiiyak ako. Hindi matanggap ng sistema ko na in just one day nawalan ako ng pamilya. Naiwan na ako mag-isa. Mag isa sa magulong mundo.

The following days hindi ako lumabas ng kwarto kaya hinahatiran nila ako ng makakain. Kahit wala akong gana kumain, lagi kong inuubos ang mga dinadala nila sa akin. I was crying while eating. Magagalit sila kapag hindi ko inubos iyon at ibabato nila sa mukha ko ang mga pagkain hinatid nila. Ang bilin pa naman sa akin ni mama na huwag mag-sayang ng pagkain. Kaya kahit anong ibigay nila ay kinakain ko.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon