Chapter 1

14 0 0
                                    

Path

—☾*✲⋆—

"Hindi pa ba kayo aalis?"

"Malalate na kami"

"Hindi lang kayo estudyante"

Today is the official first day of school. And Here I am at the back, currently waiting for my turn to look where section I belong.

Umagang umaga nagkakagulo dito sa open field ng school. Dito kasi pinaskil ang list ng sections at ngayon lang din kasi pinaalam sa amin. For surprise purpose daw.

Base from what I heard here so far may mga iba na napa-iba ng section which is unusual. Last na year na rin kasi namin ang alam ko dapat kung sino-sino kasama mo last year, sila rin dapat ngayon para wala ng awkwardness.

And for me hindi ko malalaman agad kung nailipat ako ng section dahil hindi ko kabisado ang mga pangalan ng naging kaklase ko. Malalaman ko pa kung nalipat ako ng section once I enter the room, fortunately tanda ko naman ang mga mukha ng kaklase ko last year.

At kung nalipat man ako, it would be uncomfortable for me. Goodluck na lang ba.

"Kung hihintayin mo sila matapos lahat. Siguradong mahuhuli ka na sa klase." rinig kong boses sa tabi ko.

Nilingon ko naman kung sino ang nasa tabi ko. Napataas ako ng isang kilay habang nakatitig sa taong nasa tabi ko.

Ako ba kausap niya?

"Gusto mo ako maghanap ng section mo? Willing to help naman ako" aniya at bahagyang ngumiti.

Teka siya si...

Higit isang minuto yata ako nakatitig sa kaniya bago pumasok sa utak ko kung sino kumakausap sa akin ngayon. Biglang bumilis ang tibok ng puso dahil unexpected ito. And I am expecting na kita na ngayon sa mukha ko ang gulat. Pero ako ba talaga kausap niya?

Palihim akong tumingin sa kaliwa ko at wala akong nakita na kahit sino pati na rin sa likod ko. Tinignan ko rin ang tabi niya pero wala rin naman kahit sino doon. Dahil ang lahat nagkakagulo sa paghahanap ng section.

So ako talaga kausap niya?

Kahit na nahihiya ako, dahan ko inangat ang kamay ko tsaka itinuro ang sarili ko. Inderectly asking him if he is talking to me or I am just hallucinating. Kulang pa ba ako sa tulog?

He chuckled. "Oo. Ikaw ang kausap ko."

Lalo naman ako nagulat. Why the Austin Villanueva is talking to me? I know him, yes, but as far as I remember this would be the first time we talk. And I expect hindi niya ako kilala.

"Ahmm..." napalunok ako bigla ng magtagpo ang mata namin. Even his eyes were smiling. "Nah, it would be a bothe—"

"Wala naman nag-aalok ng tulong kung tingin nila maiistorbo sila."

He has a point but still

"I will just wait baka mabilis na yung iba" sabi ko at awkward na ngumiti. "Thank yo—" napatigil ako sa pagsasalita ng makita kung paano onting onti nawala ang pagkangiti niya.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon