Chapter 13

27.8K 730 180
                                    

Chapter 13

Kung puwede lang sanang bawiin ang desisyon kong dalhin si Lalaine dito, ginawa ko na. Pakiramdam ko ay hindi gusto ni Dustine ang presensya niya dahil sa tuwing dadaan siya sa kung nasaan kami, nakabusangot ang mukha niya at tila iritado.

"Ito naman kasi! Masiyado kang maingay at galawgaw. Ayaw ni Dustine nang ganoon dahil tahimik na tao siya!" sita ko kay Lalaine habang nasa terasa kami at nagmimiryenda ng cake at juice.

Dinalhan kami ni Manang Rowena. Nakakahiya nga dahil asikasong asikaso niya si Lalaine. Mukhang natutuwa siya sa pagiging maingay nito.

"At bakit? Hindi naman ako nag-iingay kapag nariyan siya, ah. Saka halatang iniiwasan niyang makasalamuha tayo. Sure ka bang hindi 'yon paminta?" bulong niya sa tainga ko.

Kanina niya pa sinasabing amoy paminta si Dustine. Hindi ko lang iniintindi dahil alam ko sa sarili kong hindi siya gano'n.

"Hindi nga! Kung alam mo lang kung ilang babae ang dinala no'n dito at ikinulong sa kwarto, hindi mo masasabi iyan!"

Natawa siya, umiiling pa na para bang mayroon akong hindi naiintindihan.

"Alam mo kasi, kapag sinabing paminta ang isang lalaki, ibig sabihin ay bakla talaga siya at itinatago niya lang ang katotohanan sa pamamagitan ng pagbibihis at pag-aastang lakaki. Pustahan tayo, may itinatago iyan!"

Ngumiwi ako at ibinaling sa palayan ang mga mata. Kahit ano pa ang sabihin niya, hindi ako naniniwalang bakla si Dustine. Maaaring iyon ang inakala ko noong una pero malakas ang pakiramdam kong tuwid siya.

"Umamin ka nga sa akin," pukaw ni Lalaine sa atensyon ko. Tumayo pa siya sa mismong harapan ko at itinuon ang mga kamay sa bewang. "Type mo iyang boss mo, ano?"

"Pinagsasasabi mo? Malaking sweldo lang ang habol ko dito at bukod doon ay wala na!" sinimangutan ko siya.

"Pero kung ako talaga ang nasa sitwasyon mo, titihaya na lang talaga ako sa harapan niya at sasabihing, 'sir, isang gabi lang!' sabay hawak sa ano. Gagi, mukhang daks!"

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Anong daks?"

"Daks! Malaki, mahaba at maugat! Naku kapag natikman mo 'yon, Elianna, siguradong hahanap hanapin mo."

Kahit hindi niya na klaruhin ay kuha ko na kaagad ang ibig niyang sabihin. Luminga linga ako at nakahinga nang maluwag nang makitang wala namang tao sa paligid.

Sinamaan ko ng tingin si Lalaine kalaunan.   "Iyang bibig mo talaga! Ayusin mo na nga lang iyang frikils mo at nabubura na!"

Kinapa kapa niya ang mukha, ang kolorete ay bahagya na rin nahuhulas.

"Oo nga, e. Ang init naman kasi ng panahon ngayon. Hindi bali dala ko naman ang pentelpen ko."

Umiling na lang ako at uminom ng juice sa baso ko. Mamaya lang rin ay magpapaalam na ako kay Dustine na ihahatid itong si Lalaine.

Nang bago sumapit ang tanghalian ay nakita ko ang paglabas ni Dustine sa entrada ng bahay. Bagong ligo at mukhang pupunta na naman sa kamalig dahil nakabota ito.

"Ser, saan po ang lakad?" tanong ko kahit pa may ideya na ako.

Dumaplis ang mga mata niya sa akin. Bahagyang tumapat ang sikat ng araw sa balat niya dahilan para mas lalo siyang magmukhang mestiso.

"Sa kamalig."

Tumango ako. "Ingat po."

"Ingat, Sir Dustine!" sigaw ni Lalaine sa tabi ko habang sumasayaw sa harap ng camera.

Kanina pa siya nagsasayaw para sa Tiktok at sa totoo lang, mukha siyang isdang bagong huli na nagkikikisay.

Tumango lang si Dustine kahit pa walang emosyon ang mukha. Hindi nagtagal at lumabas na siya sakay ng kulay brown na kabayo niya.

Monasterio Series 7: The Dare Not To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon