Chapter 39: Argao
Umasta akong hindi na nagulat pa sa presensiya niya kahit pa matindi na ang kabog ng dibdib ko. Hindi pa nakakatulong na masiyadong madilim ang paraan ng pagtitig niya sa akin na para bang may ginawa akong mali sa kaniya.
Isa pa, hindi ba at nauna akong umalis sa kaniya? Siguradong nag-uusap pa sila ni Cara nang lisanin ko ang mansyon ng mga magulang niya. Bakit mas nauna pa siya sa akin?
"Nandito ka pala. Kanina ka pa?" kaswal na tanong ko nang makalapit sa pintuan.
Isinusuot ko ang susi sa butas ng door knob. Nakakairita na hindi ko iyon magawa at nanginginig pa ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang kaba ko na narito siya.
Kumalma ka nga, Elianna!
Humigpit ang hawak ko sa susi habang pilit pa rin itong ipinapasok. Narinig ko ang malalim na buntonghininga ni Dustine sa gilid ko. Bago pa man ako makagawa ng reaksyon ay nakita ko na ang pagpatong ng kamay niya sa mismong kamay ko.
Hindi ako nagsalita. Ni hindi siya nilingon. Pigil hininga kong pinanood ang pagkuha ng kamay niya sa susing hawak ko at siya na mismo ang nagpasok noon sa butas ng doorknob.
Walang kahirap hirap niyang naipasok.
Pinihit niya ang seradura at itinulak iyon papasok. Hindi pa rin ako makatingin sa kaniya, nananatili pa rin nakatayo roon at para bang bumaon na ang mga paa sahig.
Mula sa pagtitig sa baba ay nakita ko ang pagpasok niya at ang paghawak niya sa kamay ko. Saka lang ako nag angat ng tingin nang hilahin niya ako papasok.
Ang matikas niyang likod ang tanging nakita ko. Parehas kaming walang naging imik habang naglalakad. Nagtuloy siya hanggang sa buksan niya naman ang pintuan ng kwarto ko.
Sumunod lang ako hanggang sa makapasok kami. Hindi ko pa rin siya tinitingnan kahit nang pumihit siya para isara ang pintuan. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero hindi ako nagtagumpay doon.
Pumihit siya ulit papasok, hila-hila pa rin ako. Nang makarating sa tapat ng kama ay pinaupo niya ako doon. Sa mismong dulo. Saka pa lang ako nag-angat ng tingin sa kaniya. Saka niya pa lang binitawan ang kamay ko.
Nagtama ang mga mata namin. Triple sa nakasanayan ang dilim no'n. Tila ba sa galit na mayroon siya ngayon, walang sino man ang uubra.
Kinalas niya ang unang tatlong butones ng longsleeve niya mula sa leeg. Sunod ay tinanggal niya ang relo sa bisig at inihagis iyon sa kama. Nag-iwas na ako ng tingin, hindi na kaya pang tapatan ang mga titig niya.
Kaya naman nang makita siyang naupo sa harapan ko habang ang kamay ay nakatuon sa magkabilang gilid ko, wala na akong naging lusot pa.
"Why did you leave?" tanong niya.
Hilaw akong natawa. "Kailangan n'yong mag-usap-"
"You look in pain," putol niya sa akin. "It was your decision. Wala kang karapatan masaktan."
Unti unting nabura ang pekeng ngiti sa labi ko, aminadong nasaktan sa pagiging diretso niya.
"Bakit hindi mo siya pagbibigyan? Nakikiusap siyang mag-usap kayong dalawa-"
"The fuck I care about her? Matagal na kaming tapos, Elianna! Hindi mo ako basta puwede itulak sa kaniya dahil lang na nakikiusap siya kahit pa nasasaktan ka! It was still my decision to make!"
"Bakit mo ako sinunod kung gano'n? Kung talagang ayaw mo, hindi mo ako susundin! Hindi mo siya kakausapin! Tama ka, desisyon mo pa rin iyan!"
Asta akong tatayo para sana umalis doon ngunit madali niya akong ipinirmi pabalik sa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
Monasterio Series 7: The Dare Not To Fall
RomanceThe start of the third generation Monasterio Series 7: The Dare Not to Fall Walang ibang gusto si Elianna kung hindi ang maiahon sa kahirapan ang pamilya niya. Nga lang ay alam niyang hindi magiging sapat ang kinikita niya sa pamamasada ng tricycle...