Chapter 11

27.6K 639 22
                                    

Chapter 11: Nobya

Halos mayupi na ang mukha ko sa pagsimangot. Kanina pa kami nakatunganga sa isa't isa ni Nanay, nag-iisip kung sino ang puwede kong dalhin sa mansyon sa Argao at ipakilalang nobya ko.

"Kung sana kasi ay nakipagkaibigan ka sa mga babae dito sa atin, wala tayong problema ngayon! Isa pa, bakit kasi nagbida ka na dadalhin mo ang nobya mo? Kung hindi ka ba naman isa't kalahating tanga!"

Ngumiwi ako. "Lutong no'n, ah! Kasi naman itong si Dustine iniisip na bakla ako! Siyempre kailangan kong magpanggap na may girlfriend ako para lalaking lalaki ang dating! Kaso saan naman ako kukuha, nay?"

"Ikaw ba, Elianna, ay hindi mapapahamak diyan sa ginagawa mo? Baka mamaya ay mahuli ka niyang amo mo at patawan ka ng parusa?" singit ni Tatay na siyang nagmula sa kusina bitbit ang isang mangkok ng nilagang kamote.

Iniabot niya sa akin ito at tumabi sa amin ni Nanay. Bumuntonghininga ako.

"Hindi naman, Tay. Mabait naman siya kahit tahimik at suplado. Ang akala niya nga ay bakla ako kaya siguradong iniisip niyang lalaki ako."

"Kaso mo ay hinamon mo ngang magdadala ka ng nobya mo doon! Sinong dadalhin mo kung wala ka namang kalapit dito? Puwede iyong anak ni Bebang pero baka isipin ay wala kang taste!" pula niya doon sa kapitbahay naming hindi kagandahan pero inaanak niya naman.

Binalatan ko ang kamote at kinagatan ito. "Puwede na kahit sino, Nay. Wala namang magiging pakialam si Dustine niyan. Ang mahalaga lang ay may maipakilala akong girlfriend ko."

"Subukan mong kausapin mamaya at sabihin mo ang tungkol doon. Pero bayaran mo kahit na limang daan at baka kapag libre ay ibunyag pa ang sikreto mo."

Wala sa sarili akong nagkamot sa ulo. Hindi pa nga sumasahod ay gagastos na kaagad ako. Hindi bali, ilang araw na lang naman at makakamtan ko na ang sikwenta mil.

Suot ang isang kupas na pantalon na medyo hapit sa akin at kulay puting malaking t-shirt, lumabas ako ng bakuran namin. Bagong ligo ako at nakaladlad ang mahaba kong buhok na kulot sa bandang dulo. Sadyang kulot ito pero inaakala ng karamihan na ipinakulot ko ito sa parlor.

"Aling Sonya, pabili po ako ng snowbear." sabi ko sa tindera sa loob at yumuko.

Sinulyapan niya ako. "Ikaw pala, Elianna. Ngayon na lang ulit kita nakita dito, ah. Saan ka na ba nagtatrabaho?"

Mabilis kong pinagana ang utak ko sa puwedeng isagot sa kaniya.

"Ss pabrika po ng mga itlog!" natawa ako nang maalala ang poultry farm nina Dustine. "Bago lang po."

"Mabuti kung gano'n. Maganda siguro ang kitaan doon. Nagkalaman ka, e. Bumagay sa'yo at lalo kang gumanda," ngumiti siya sa akin. "Ilang candy ba ang kailangan mo?"

"Ah, limang piso lang po."

Hindi talaga ako sanay kapag sinasabihan akong maganda. Sa itsura kong ito na bihis lalaki, nakakamangha na may nakakapansin pang maganda ako.

"Pabili po. Mayroon po kayong pospro?"

Bahagya akong umusod nang marinig ang boses ng lalaki sa tabi ko. Nagbigay daan ako sa kaniya na kaagad niyang kinuha. Pasimple ko siyang tiningnan at halos manglaki ang mga mata ko nang makilala siya.

"Mayroon, hijo! Aba'y napakagwapo naman ng isang ito. Dayo ka dito, ano?"

Sandali! Bakit narito ang lalaking ito? Sinusundan niya ba ako?

"Ah, salamat po," natawang sagot nung lalaki. "May kaibigan po ako na taga dito at pinuntahan ko lang po. Napag-utusan lang rin po bumili nitong pospro."

Monasterio Series 7: The Dare Not To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon