Episode 04: Cousins
Nagmamadali't tila humahangos si Adrian na pinaandar ang kanyang kotse. Para puntahan ang pinsang si Travis na kanina lang ay kausap niya. Nang bigla nanamang tumunog ang kanyang cellphone at agad sinagot habang patuloy sa pagmamaneho.
"Hello Adrian, bilisan mo baka matunton na ko ng mga pulis!" Salubong agad ng kabilang linya. Naramdaman niyang may halong pangamba sa boses nito at halatang hindi mapakali sa lugar na pinagtitigilan.
"Don't panic Travis, papunta na ko." Kampanteng sagot niya sa kausap upang pakalmahin ito.
"Sige, hihintayin na lang kita." Saka nito pinutol ang tawag. Pinaharurot naman niya ng mas mabilis ang sasakyang minamaneho.
Magkasangga sa lahat ng bagay sina Adrian at Travis. Kaya ngayong nabisto na ng mga awtoridad ang kanilang ilegal na trabaho'y hindi niya papabayaang akuin ng pinsan ang lahat ng sisi. Dahil alam niyang isa rin siya sa may pakana at nag-udyok kay Travis na magtulak ng droga.
Batid niyang sobrang habang byahe ang susuongin niya, sapagkat na'sa isang liblib na probinsya ang pinagtataguan ni Travis. Samut-saring traffic ang kanyang patuloy na tinatahak. Nilalabanan niya rin ngayon ang antok na patuloy kumakatok sa kanyang sistema, dahil sa kakulangan sa tulog na epekto ng droga.
Samantala, hindi rin mapakali si Travis sa pinagtataguang gubat. Alam niyang kahit anong oras ay maaari siyang mahuli ng mga kawatan. Dahil sa mga taong nagsuplong sa kanila ni Adrian sa ilegal nilang gawain.
***
"Psst! Travis, tara na!" Tapik ni Adrian sa pinsang tila nakatulog sa ilalim ng puno sa paghihintay.
Nang may marinig siyang ilang yabag ng paa at ilang pagkiskis ng damo'y nakaramdam siyang mukhang may paparating...
"Travis! Andiyan na yata ang mga pulis, bilisan mong bumangon!" Untag niya rito.
Nagulat naman si Travis, ngunit 'di pa rin ito tumatayo kaya napilitan na siyang tumakbo at umalis sa kagubatan.
"Uy, teka lang hintayin mo ko!" Nagmamadaling habol naman ni Travis.
Ngunit nauna ng nakasakay si Adrian sa kotse, habang si Travis ay malayo pa at patuloy pa ring tumatakbo. Natanaw niyang papalapit na ito, ngunit nakita niya ring sobrang dami ng mga pulis ang nasa likod nito kaya naisipan niya na lang paandarin ang sasakyan.
Hindi niya alintana kung mahuli ng mga awtoridad si Travis. Ang tanging pumasok sa isip niya bigla ay isalba ang sarili. Ngunit tila may kung anong nag-udyok sa kanya upang iatras ang kotse at ibalik sa lugar kung saan naroon ang pinsan. – hindi para tulungan ito, kundi para banggain... Patayin.
Maraming bumusina sa kanya dahil sa biglaan niyang pag-ikot. Pero wala siyang pakielam, ang hangad niya lang ay hindi na sikatan pa ng araw si Travis.
Habang si Travis ay patuloy pa rin sa pagtakbo at pag-ilag sa mga balang kanina pa pinapaulan sa kanya ng mga pulis. Pagod na siya, ngunit desidido takaga siyang makatakas. Nang mapadpad ulit siya sa kalsada at maaninag ang paparating na kotse sa kanyang harapan. Nakaramdam siya ng pag-asa at pasasalamat na binalikan siya ni Adrian.
Ngunit tila naestatwa siya sa daan ng makitang pinaharurot nito ang kotse palapit sa kanyang animo'y may motibo siyang banggain.
"Adrian... Bakit mo 'to nagawa?" Bulong niya sa sarili, nang maramdaman ang sasakyang tumama sa kanyang katawan. – Na inihagis siya at tumilapon sa kung saan.
***
*Beeeeeep!!!*
Napapamulat si Adrian sa mga ingay na naririnig ng kanyang utak at mabilis napagtanto na nasa kalsada nga pala siya't nagmamaneho. Kung kaya't mabilis siyang dumilat sa pagkakaidlip at agad pinaandar ang manibela.
Ngunit nagulat siya ng biglang may truck na sumalubong...
"Aaaahhhhhh!" Sigaw niya, dahil huli na ang lahat para umatras. Sumalpok na sa kanya ang nasa unahang sasakyan.
"Adrian!" Sigaw naman ni Travis, kitang-kita niya mula sa pagtakbo ang pagbangga ng kotse ng pinsan.
Halos matulala siya pagkalapit niya sa pitpit na kotse. Ni hindi na maaninag ang sakay nito sa daming dugong tumatagas na humahalo sa langis.
Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan. Naisip niyang kabaligtaran nga siguro talaga ang panaginip. Ngunit kahit kabaligtaran man ito'y di niya matanggap na may isa pa rin sa kanila ni Adrian ang napahamak. – At namatay.
BINABASA MO ANG
666 Words: Nightmare
Paranormal"Anim (6) na pares, Anim (6) na panaginip, Anim (6) din ang mamamatay. Paano ka makakaligtas?" Copyright © 2016 by Derl028 All Rights Reserved.