Sa tabi ng rumaragasang ilog,
nakabilad ang isang bato."Itapon ninyo ako sa ilalim ng tubig.
Hayaan na ako ay magtago at lumipas habang kumukupas ang panahon.Sa ilalim ng ilog na ito,
katahimikan ay malalasap ko.
Hayaan ninyo na ako'y tangayin
nitong daloy ng malamig na tubig.Kaysa mabilad sa katirikan ng araw.
Kaysa madurog ng mga taong dumadaan.
Mabuti siguro na sumisid ako
magtago sa ilalim ng tubig na 'di kita ng mga tao."At siya ay nanatiling nakabilad sa init ng araw. Hindi natupad ang hiling at ingay ng mga iyak niya. Dahil siya ay isa lamang bato, kahit kailan, walang boses sa tenga ng mga tao.