Barabbas

12 0 0
                                    

Iniharap ni Pontio Pilato
ang dalawang mga akusado.
Si Barabbas na isang rebelde
at si Hesus na inosente.

Ugali nga ng taumbayan
na tuwing Paskwa ay magpalaya
ng bilanggo sa loob ng isang selda
na sila rin mismo ang nag-kondena

Galit ang sanlibutan
sa tinta ng katuwiran!
Ang kalayaan ni Barabbas
ay nasa kanilang mga kumpas!

May kapangyarihan kayo
na piliin ang s'yang mabuti,
pero sa boses ng mga mangmang
kayo'y mga nagpapaloko.

Ngayon, kayong mga nagpaloko
ang s'ya ngayong mangmang.
Ang dugo ng mga inosente
ay nasa inyong mga kukote.

Galit ang sanlibutan
sa tinta ng katuwiran!
Ang kalayaan ni Barabbas
ay nasa kanilang mga kumpas!

Hanggang sa ngayon,
demokrasya ay Paskwa.
Ang boses daw ng tao
ay boses din ng Diyos.
Paano kung sabihin ko
na ang boses nilang ito
ang siyang tutugis at papatay
sa anak na si HesuKristo?

Anong gagawin mo?

Book of PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon