Sa makitid na lagusan daraan
itong pangkat ng anim na pu.
Mananahan doon sa may itaas
nang makapagtago sa tatlong daan.Naghihintay ang nanay,
ang kapatid, ang sinisinta
sa pagbabalik ng kanilang bayaning
magtatanggol sa nag-taksil sa kanila.At sa Pasong Tirad, kami ay aakyat.
Ipuputok gintong balang
dadaan sa kanilang balat.Nasa amin ang pabor ng gyera
dahil hindi naman nila kami nakikita.
Kaya panatag itong aking kalooban
na uuwi ako sa aming tahanan.Bangungot nga lang aming inabot
nang makadaan sila sa lagusang makitid.
Kapahamakan ngayon ay dumurungaw,
kaligtasa'y si Galut ang nagnakaw.At sa Pasong Tirad, sila ay umakyat.
Ipinutok gintong balang
humaplos sa 'king balat.Sa banig ng dugo ako'y nakahilata,
kasamahan ko'y mga nakihiga.
Ako ang agilang tinitingala,
sa Pasong Tirad, ako ay nadapa.