CHAPTER 3
DANICA
Hanggang ngayon ay hindi parin magawang gumising ni Sir. Naubos ko na lang lahat nang kinakain ko pero hanggang ngayon ay wala parin siyang malay.
'Mag isip ka Danica kung paano mo gigisingin 'yan!'
Paano kung buhusan ko na lang siya ng malamig na tubig? O mainit? Kaso kakaligo lang ni Sir e!
Inilibot ko ang tingin sa buong paligid at may nakita akong walis tambo sa isang gilid. Kumuha ako ng kaunting hibla nito at pumwesto sa paahan ni Sir. Hinubad ko ang medyas na suot nito at sinimulang kilitiin ang talampakan niya.
'Ewan ko na lang talaga kung hindi ka pa magising sa gagawin ko'
"ha-hahaha w-what hahahaha the f-fuck hahahahahha shit hahahahhaha." Napangisi ako ng agad na magising si Sir. Nakangisi akong tumayo at itinago ang ginamit ko sa pangingiliti sa kaniyang talampakan na mas maputi pa yata sa singit ko. Iba talaga ang mayayaman, pati talampakan ang kinis at ang puti.
'Walis tambo lang pala ang katapat mo ha!'
"Sir ayos lang ba kayo? May masakit ba sa inyo? Matitigok na ba kayo Sir? Sir! Sumagot ka naman kinakabahan na ako rito oh! Sir!" Natatarantang tanong ko pa.
"Shut up!" Malakas na sigaw niya sa akin at muli akong sinamaan ng tingin. " Balak mo ba akong patayin?"
"S-sir hindi ah, kahit naman gustong-gusto na kitang mawala sa mundo ay 'di ko naman magagawang pumatay, mahal ko pa ang buhay ko nuh, at isa pa hindi pa ako nagkakajowa o nakakahanap man lang ng MMMM, aba! Kayo na nga ang ipinagluto ko ng masarap tapos pagbibintangan n'yo pa ako? Itong mukhang ito? Mukha bang hindi gagawa ng maganda?" Mahabang saad ko pa at bahagya pa akong hiningal dahil sa sobrang haba ng sinabi ko.
"You're so unbelievable!" Naiinis na saad niya at ginulo ang buhok, tumayo ito at muli na naman akong tiningnan ng masama. "Change your clothes, maligo ka dahil may pupuntahan tayo."
"Saan Sir? Saka wala akong ibang damit!" Bwesit na holdaper kasi 'yan pati damit ko hindi na pinalampas! Hindi man lang naawa!
"Don't worry may spare clothes doon sa may isang kwarto, and make it fast I'll give you 45 minutes to prepare." Seryusong saad niya at itinuro sa akin ang isang kwarto sa kaliwa.
Dali-dali naman akong pumasok roon , mahirap na baka bugahan pa ako ng apoy nito. Tiningnan ko ang mga damit na sinasabi ni Sir. Bakit naman puro bestida ito?! Saka bakit sobrang iikli naman, kinulang talaga sa tela...kainaman naman!
Nakasimangot akong pumunta sa may banyo at nagsimulang maligo. Pagkatapos ay labag sa libag este sa loob ko ang pagsuot ng sobrang ikling bestida. Baka mamaya masilipan pa ako niyan! Mabuti na lang pala at may nakita akong pantalon at malaking t-shirt.
Pagkalabas ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Sir. Tinaasan naman niya ako ng kilay pagkakita niya ng ayos ko. Problema na naman nito? Abnormal talaga.
"Let's go," saad nito at nauna ng lumakad palabas. Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil sa sobrang kaabnormalan niya.
Pumasok si Sir sa kotse niya at naiwan akong nakatayo sa labas nito.
"What are you doing? Sakay."
"Ahhh hahahhaa sabi ko nga Sir." Nakasimangot na saad ko at agad na binuksan ang pinto ng kotse at tahimik na naupo.
Tiningnan naman ako ni Sir at maya-maya pa ay bigla na lang itong lumapit sa pwesto ko. Halos maduling na ako dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa akin. Lihim akong napalunok habang nakatingin ng diretso sa asul nitong mga mata.
"Aray!" Napadaing naman ako dahil sa pagkakapitik nito sa noo ko. Bastos talaga. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa ginawa niya.
"Laway mo tumutulo," saad nito at saka umayos ng pagkakaupo. Pasimple ko namang pinunasan ang gilid ng bibig ko pero gano'n na lang ang inis ko ng mapagtantong nangti-trip lang talaga ang isang 'to.
Kung hindi lang talaga labag sa batas ang pagpatay baka matagal ko ng tinapos ang buhay nito.
Nagsimula na siyang magmaneho kaya sa halip na titigan ko ang panget nitong pagmumukha...
'Talaga ba Danica panget? Pero bakit wagas ka kung makatitig?'
Ibinaling ko na lang ang tingin sa labas ng bintana at tahimik na pinagmasdan ang mga naglalakihang building. Napatakip ako ng ilong dahil sa itim na usok na pumunta sa direksyon ko.
May naabutan pa kaming dalawang tao na nagtatalo dahil sa nagkabanggaan ang kani-kanilang mga sasakyan, nando'n pa ang ilang mga tsimoso at tsismosa habang may kani-kanilang hawak na cellphone.
Napailing na lang ako dahil sa halip na awatin ang mga nag aaway ay masaya pa silang nakikiusisa sa bawat pangyayari. Nawala ang paningin ko sa kanila ng biglang umandar ang kotseng sinasakyan namin.
Nanghihinayang naman ako dahil 'di ko makikita kong aabot ba sa sapakan ang pag aaway nila. Sayang.
Makalipas pa ang ilang sandali ay huminto kami sa tapat ng isang mataas at malaking gusali. Mabilis na bumaba si Sir, nainis naman ako dahil hindi ko magawang tagkalin ang taling nakaharang sa akin. Seat belt yata ang tawag dito.
Pinagbuksan naman niya ako ng pinto at tinagkal ang pagkakalagay nito. Nakanganga akong bumaba ng kotse at namamanghang nakatingin sa mataas na gusaling nasa harapan ko na gawa sa makikintab na salamin.
"Follow me," saad nito sa akin at nauna ng lumakad. Patakbo naman akong sumunod dito pero gano'n na lang ang inis ko ng bigla akong harangin ng security guard.
"Miss bawal pumasok dito,"
"Ahhh ehh, kasama ko 'yong lalaking pumasok dito e!"
"Nagpapatawa ka ba? Ikaw kasama ni Sir Vladimir? Umalis ka na bago pa kita hilahin palayo."
"Ikaw nga yata ang nagpapatawa d'yan e! Sabing kasama ko nga siya!" Naiinis na talaga ako. Bakit ba ayaw nitong maniwala, e kung bigwasan ko na lang kaya ang pagmumukha nito? Napipikon na talaga ako.
"What are you doing here? Ang sabi ko sumunod ka sa akin."
"Paano ako susunod sa inyo Sir, e ayaw nga akong papasukin nitong ni Mang Panot!"
"S-sir." Kinakabahang saad nitong si Mang Panot habang bahagyang pinagpapawisan ang mukha nito.
"Follow me."
Inis ko namang nilingon si Manong guard at agad na sumunod kay Sir. Tahimik lang kaming naglalakad at bakas sa mukha ng mga nakakasubong namin ang labis na pagtataka kung sino ako. Nahuli ko pa ang ilang babae na masama ang tingin sa akin. Kung dukutin ko kaya ang mga mata nila.
Sumakay si Sir sa tinatawag nilang elevapor, elegator? Elevator? Ahh basta 'yon na 'yon at hinila ako papasok. Makalipas ang ilang sandali ay lumabas narin kami at tahimik lang akong nakasunod na parang aso dito kay Sir. Pumasok siya sa isang kwarto at sumunod naman ako.
Bumungad sa akin ang malaking kwarto, may maliit na lamesa sa gitna na yari sa salamin, upuan na katulad sa bahay ni Sir na sobrang lambot, at mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko ang mga naglalakihang gusali kahit sa malayo. Maski ang mga sasakyan sa baba na sobrang liit na sa paningin ko.
Umupo si Sir sa isang upuan na naroroon at isinuot ang salamin at tahimik na nagbasa ng kung ano-ano.
Abala ako sa pagtingin sa buong paligid ng may narinig akong pumasok. Nilingon ko ito at gano'n na lang ang gulat ko ng makilala kung sino ang taong 'to.
"Ikaw?!"
"Suman Girl?"
YOU ARE READING
The Unexpected Encounter
RomanceIsang babaeng taga probinsya ang mapapadpad sa lungsod, nagbabakasakali na may makitang trabaho para sa isang tulad niya na hindi nakatuntong ng kolehiyo. Ngunit sa hindi inaasahan, sunod-sunod na kamalasan ang nangyari sa unang araw pa lang na tum...