Part 1

30 3 0
                                    

"You are late again,Dion"

Tumingin ang lalaking kapapasok lang sa studio suot nito ang isang itim na jacket at pantalon habang nasa kamay nito ang isang helmet .Kumuha muna ito ng kape sa isang try na nakapatong sa mesa bago lumapit sa mga kasamahan nitong modelo.

"Jhon ,Pasensya na ,tanghali na akong nagising" Nahihiyang sabi ni Dion sa kaibigan nitong photographer bago ito humigop ng kape at nagtungo na sa gitna upang makapagsimula na ng Picturial nila para sa upcoming event at bagong launch nilang project .

Mabilis lumipas ang oras at sa loob lamang ng ilang oras ay mabilis sumapit ang dilim .Napaupo na lamang si Dion sa kanyang upuan dulot ng matinding pagod bago ito muling humigop nang kape.

Nakakailang baso na ba siya ng kape?Hindi na mabilang pa nang binata kung ilang baso na ng kape ang nainom niya.

"I need to go" Sagot nito sa kanyang manager na hindi pa siya tapos kausapin tungkol sa ilang project na gagawin ng binata ,kinuha ni Dion ang helmet na iniwan nito kanina at muling isinuot ang jacket at lumabas na ng studio.Sumapal sa mukha ng binata ang malamig na hangin dahilan upang magulo ang buhok nito .

Bente tres pa lamang ang binata at walong taon ito sa pagiging modelo ,hindi lang sa pagiging modelo sikat ang binata dahil kahit sa mga pelikula at teleserye ay talagng sikat ito marahil ay dahil narin sa  perpektong mukha nito ,Mula sa kulay hazel brown na mga mata nito ,mapupulang labi ,matangos na ilong ,natural na kapal ng kilay at mahahabang pilik mata at ang pagkaperfect to jaw line nito ay talagang masasabing may magandang pagmumukha ang binata.

Matapos ang ilang minutong biyahe ng binata ay nakarating na ito sa tinutuluyan nitong apartment dahil kilala na ito ng guard ay mabilis na nakapasok ang binata at kaagad na nagtungo sa parking lot.Inalis na ni Dion ang helmet sa kanyang ulo at pasipol na naglakad patungo sa elevator .Pagkabukas pa lamang ng elevator ay agad na pumasok si Dion at pindot ang button papuntang 7ft loor ng building kong saan naroon ang kanyang unit .Tumigil sa second floor ang elevator at ilang sandali lang ay kaagadna nakkita ni Dion ang isang lalaki.

Napatitig na lamang si Dion ng makita nito ang pagkakaroon ng lalaki ng magandang mukha ,mukha na tila sa isang babae .

"Pre ,yung bibig mo nakabukas"

Napailing na lamang si Dion ng mapansin niyang nakabukas ang kanyang bibig.

"Fuck"

Bulong na sabi ni Dion sa kanyang sarili bago ito umiwas nang tingin kinuha na lamang ni Dion ang kanyang cellphone at airpods.Nagpatugtug na lamang ang binata ngunit kahit na may nakalagay sa kanyang tenga na tunog ay hindi maalis ni Dion ang tingin sa lalaking nasa harapan nito.Hindi maglalayo ang kanilang tangkad ngunit higit naman na mas malaki ang katawan sa kanya ng lalaki nakasuot lamang ito ng isang simpleng black na damit ,isang short at isang baseball cap na kahit nasa loob ito ng elevator ay hindi nito inaalis ang baseball cap na suot nito.

Tumigil ang elevator sa tapat ng floor ni Dion.Nagulat si Dion na sabay silang lumabas ng binata ,nagtataka ang binata dahil halos kilala na niya lahat ng nasa kanilang floor at ngayon lang din niya nakita ang lalaki .

Tumigil ang lalaki sa tapat ng isang pintuan na katabing unit ng kwarto ni Dion nakakapagtaka ngunit alam niyang halos dalawang taon ng walang nakitara sa unit na yun.

"Sandali Pre ,Ngunit matagal na walang nakatira sa unit na yan" Pigil ni Dion sa lalaki ngunit ipinakita lamang sa kanya ng lalaki ang isang key card at pumasok na ito kahit nagtataka si Dion ay wala na siyang nagawa kundi ang pumasok na rin sa kanyang unit.

Pagkarating ni Dion sa kanyang unit ay kaagad siyang naghubad ng suot niyang damit at mabilis na dumapa sa kanyang kama .Nakakapagod ang buong araw para kay Dion .Ipinikit na lamang ni Dion ang kanyang mga mata ngunit nakakatawang rumehistro sa kanyang isipan ang mukha ng lalaking nakasabay nito sa elevator.

Pounding HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon