Part 6

6 0 0
                                    

Part 6 (Week End Date Part 2)

"Gusto mo bang kumain muna?"Tumingin si Chase kay Dion at tumango dito .

"Tara may alam akong masarap na kainan dito" Hinila ni Dion si Chase papuntang labas nang mall nagtaka naman si Chase kung bakit siya hinila ni Dion papalabas ng mall.Tumigil sila sa isang side walk vendor kaagad namang lumapit ang dalawa.Kaagad nakita ni Dion ang mga kwek-kwek ,fishball na nakalagay sa stante .

"Malinis ba yan?" Tanong ni Chase na nagpakunot ng noo ni Dion.

"Hindi ka pa ba nakakain niyan?" Tanong ni Dion kay Chase at Umiling naman si Chase .Mula pagkabata ay hindi hinayaan ng mga magulang si Chase na kumain nang pagkain na nasa lansangan minsan bumili ng ice cream si Chase sa labas ng kanilang bahay ay napagalatin siya ng kanyang ina.

Si Dion naman ay nasanay nang kumain ng mga street food dahil sa ilang movie at ilang serye na ginanapan niya ay pagiging mahirap at parte na ng kanyang pag arte ang kumain ng mga ganitong klase ng pagkain at dahil masarap naman ang lasa ay nagustuhan na ng binata ang pagkain ng mga ordinaryong pagkain na karaniwang nakikita sa tabi ng kalsada.

"Kuya pabili po ng apat na kwek-kwek at tatlong stick ng fishball at kikiam" Nakangiting sabi ni Dion sa tindero na kaagad namang inihulog sa mainit na mantika ang inorder ni Dion na pagkain.

Author Note: Hindi ko na po itutuloy yung kwento namin ni Dion nagbreak na po kasi kami 😭

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pounding HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon