Part 3

4 1 0
                                    

Mabilis lumipas ang buong maghapon mapapansin ang isang lalaki na nakatayo sa isang gilid at sa tabi nito ay naroon ang isang motor .May tinatype ito sa kanyang cellphone dahilan upang hindi nito mapansin ang mga taong ilang beses na sing kinuhaan ng mga larawan.

"Dion?" Nag angat ng tingin ang lalaki at kaagad nitong nakita ang isang babae may hawak itong box .Masasabing maganda ang babae mula sa mukha nitong tila isang anghel at ang katawan pansin na ang hubog dahil sa fitted nitong suot na uniporm.

"Melissa,May kailangan ka ba?" Tanong ni Dion sa babae bago nito ibinalik ang tingin niya sa kanyang cellphone.

"Ahm?May gagawin ka ba?" Muling nag angat ng tingin si Dion sa dalaga alam niyang matagal ng may gusto sa kanya si Melissa at ilang beses narin nitong pinagkalat na girlfriend siya ng sikat na modelo na si Dion Alexander Ferrer.

"Tama ka ,May gagawin pa and actually may hinihintay rin ako" Sagot nito kay Melissa at hindi na nagtapon pa ng tingin sa dalaga .

"Ganun ba sige salamat" Sagot ni Melissa umaasa ang dalaga na magtatapon ng tingin sa kanya ang lalai ngunit hindi man lang umalis ang tingin nito sa kanina pa nito ginagawa .

"Pre?" Nag angat ng tingin si Dion at kaagad niyang nakita si Chase bumakas ang ngiti sa mukha ng lalaki nang makita nito ang kanina pang hinihintay.

"Kanina ka pa ba?" Tanong ni Chas ngunit kaagad ring sumagot si Dion .

"Hindi naman actually kararating ko lang din ,So tara na " Nakangiting sabi ni Dion bago isinuot ang helmet sa kanyang ulo .

"Nga pala pre sino yung babaeng lumapit sayo ,Girlfriend mo?" Napatigil si Dion sa paglock ng kanyang helmet at humarap kay Chase .Ngumiti si Dion bago kinuha ang helmet na hawak ni Chase at siya na mismo ang naglagay ng helmet sa ulo ng lalaki.

"Si Melissa yun Pre,and isa pa hindi ko siya girlfriend maybe she started the rumor na girlfriend ko siya pero hindi naman talaga totoo yun" Sagot ni Dion pagkatapos niyang ilock ang helmet at pinagana na ang motor .Naramdaman naman ni Dion ang pagsakay ni Chase sa kanyang likuran bago niya pinaandar ang motor papauwi ng kanilang mga unit .

Nagtataka si Chase ng mapansin nitong tila iba ang dinadaanan nila .

"Teka pre ,hindi naman ito daan pauwi sa atin" Nagtatakang sabi ni Chase kay Dion habang pilit niyang inaayos ang nalilipad niyang buhok na kahit nakahelmet na siya ay nagawa paring liparin ang buhok niya .Ayaw ni Chase na ibaba ang face shield ng kanyang helmet dahil natatakot siyang masuffucate at mawalan ng hangin.

"Natakot kaba pre?Dont worry di namab kita sasaktan may nalaman lang kasi akong magandang cafe dito sa atin kaya gusto ko sanang puntahan at isama ka" Hindi na narinig pa ni Chase ang huling sinabi ni Dion dahil bumilis ang takbo ng kanilang motor dahilan upang mapayakap si Chase kay Dion sa takot na baka mahulog .Napangiti naman si Dion sa naging Reaksyon ni Chase kaya naman mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo ng motor at ilang sandali lamang ay narating na nila ag Cafe na sinasabi ni Dion.

Ito ang dahilan kung bakit hindi maalis ng binata kanina ang kanyang tingin sa cellphone nito dahil may hinahanap ang binata ,isang place kung saan alam niyang magugustuhan ni Chase.

Kahapon lamang niya nakilala si Chase at hindi maintindihan ng binata kung bakit ganito ang epekto sa kanya ng lalaki.Sa loob ng isang oras ay nagawa niyang makalap ang lahat ng impormasyon tungkol sa lalaki .Gamit ang mga connection ay nalaman niya ang ilang sa mga gusto ni Chase.

Si Chase ay isang Coffee Lover at ito ang ginawa niyang paraan para mapalapit ng husto kay Chase .Hindi alam ni Dion kung saan magsisimula kaya naman inilam muna niya ang gusto ng binata para maging close sila nito.

Bumaba na ng motor si Dion at ganun din si Chase at inalis ang mga suot nilang helmet .

"Shall we go" Nakangiting sabi ni Dion kay Chase bago sila sabay na pumasok ni Chase .Chase, mismerize ng makita nito ang set up ng cafe na pintuhan nila .Amoy na amoy rin ang aroma ng kape sa paligid at ilang paistries na talagang nakakagutom.

Sabay na lumapit ang dalawa sa counter habang nakapili ay pinagmasdan nilang dalawa ang desenyo ng lugar sa gilid na bahagi ng cafe ay naroon ang ilang book shalve na puno ng libro at ilang lamesa na perfect sa dalawang tao.Malawak ang naturang cafe dahil may second floor pa ang cafe .Gawa rin sa Glass ang buong cafe kaya naman tanaw mo rin ag labas.

"Anong gusto mo?" Nabasag ang pagtitig ni Chase sa paligid ng marinig nito ang boses ni Dion napabuntong hininga na lamang siya bago tumingin sa menu na nakalagay sa mataas na bahagi ng Counter.

"One Cup of Cappuccino and One slice of Blueberry Cheescake" Sagot ni Chase at nagsimula naman magtake ng order ang cashier ng cafe .

"Sayo po sir?" Tanong ng Cashier matapos nitong kunin ang order ni Chase .

"Same as his order" Sagot ni Dion at ngumiti naman ang Cashier dahil namukhaan nito si Dion.

"Ahm,Sir pwede po bang mag pa-autograph" Hindi na napigilan pa ng babaeng cashier na humingi ng autograph mula sa paborito nitong artista .

"Sure ,Do you want to take some selfie?" Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa narinig nito mula sa idolo.Napatungo na lamang ito bago tumakbo sa kanyang locker at kinuha ang cellphone at isang notebook na puno ng litrato ng idolo nito .

"Sir dito po ,pa autograph" Inabot ng dalaga ang isang notebook at kumuha naman si Dion ng ballpen sa kanyang bulsa at binuksan ang takip ng ballpen gamit ang kanyang bibig at isinulat ang kanyang penmanship.Kumuha rin ng ilang litrato ang mga kasamahan ng babaeng cashier bago sila naupo sa isang bahagi ng cafe.

"Sikat na sikat ka pala" Napatingin si Dion kay Chase at nagtatakang tumingin sa lalaki.

"Hindi mo ba ako kilala?I mean hindi mo ba alam na celebrity ako?" Nahihiwagaang tanong ni Dion kay Chase.

Umiling si Chase bilang sagot kay Dion .

"Kahit mayaman kami ay hindi ko hilig manood ng mga pelikula o kahit anong palabas sa tv mas gusto ko pang tumugtug ng gitara" Nalala bigla ni Dion ang video clip na isend sa kanya ni Chase ng unang magchat ito sa kanya.

"Paako mo ako iniadd sa fb kung hindi mo ako kilala?" Tanong parin ni Dion sa lalaki.

"Narinig ko lang sa isang staff ng apartment at tama nga ako napangalan mo yun" Nakayukong sagot ni Chase kay Dion kahit hindi satisfied si Dion sa naging sagot ni Chase ay tumigil na lamang si Dion sa pagtatanong dahil dumating narin ang order niya ngunit isang chocolate moist ang bigla na lamang inilagay ng service crew sa kanilang table.

"Hindi ako nag order ng chocolate moist" Nagtatakang sabi ni Dion.

"Ah,Sir pinapabigay po ng manager bilang pasasalamat dahil daw po sayo ay marami kaming customer ngayon,Ah sige po sir Enjoy the Food " Dahil sa sinabi ng crew ay napatingin si Dion sa paligid at doon nga ay nakita nitong halos mapuno na ng tao ang buong building.May ilang security naman ang nakakalat sa kanila kaya walang makalapit kina Dion na mga Fans nito.

Pounding HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon