Chapter 1: Ms. Pangak
"Pansinin moko please," pasigaw kong iniisip. Pero imbes na iyon ang mangyari, nadapa ako sa sahig at as usual pinagtatawanan nanaman ako. Sino nga ba ang hindi matatawa sa ganitong eksena?
Dito ko uumpisahan ang aking storya.
Pero bago ko umpisahan, aba syempre magpapakilala muna ako. Ako nga pala si- "Hoy Margaux! Di ka pa ba tatayo diyan? grabi yang pag i-ilusyon mong pangak ka." Sigaw ng aking bastos na kaklase. "Aba ang bastos nito ah! Kahit ganito ako, wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan." Sabi ko sa kanya. "Wala akong paki alam, nakakairita ka kasi tignan, ang sarap mo kasing tapakan. Mukha kang supot" Sagot niya.
Sasagot pa sana ako kaso pinigilan ko lang sarili ko, syempre, may class ako kahit papaano. Hindi naman ako kung sinu-sinong mga babae diyan na kung maka asta ay parang nakatira sa kalye. Kaya ang ginawa ko nalang binigyan ko siya ng nakakatakot na titig. Tumakbo yung kaklase kong bastos ahahaah aba eh akalain mo nga naman, natakot talaga siya. Hindi naman ako mukhang nakakatakot ah. Hindi nga ba? Pagkatapos nun, nagtawanan ang iba at umalis na. Naiwan nananman akong mag-isa.
Eh lagi naman. Sanay na ako. Wala pa akong kaibigan. Total mag-isa nalang ako dito, magpapakilala na ako ng maayos. Oo tama. Margaux ang pangalan ko, Margaux depenansen. Siguro naman hindi na kayo magtataka kung bakit hindi talaga ako pinansin ni crush. Siya si Greyson Baldemor. Oo, siya yung taong gusto kong ako ay pansinin. Alam kong imposible na pansinin niya ako kasi napakalaki ng pagkakasalungat namin. Aaminin ko, panget, four eyed nerd ako plus pandak pa, kaya nga pangak tawag sa akin eh, Panget at pandak. Eh siya? Siya lang naman ang pinagmamalaki kong campus crush dito sa school. Amg gwapo niya kasi, matalino na at varsity pa ng basketball tsaka MABAIT siya! Oh diba, bawing-bawi?
Pangak na nga ako tsaka ako yung tipong laging binabastos at tinutukso pero hindi ako basta bastang nagpapaapi katulad nung nangyari kanina. Hindi ko hahayaang tapakan nila ako. Ano sila? Diyos? Teka panget ba talaga ako? I mean hindi noh. Bulag lang yata sila. Maganda kaya ako. Nakakapangit lang kasi tignan saakin yung buhok ko Sadyang mabuhaghag at magulo, Divergent kasi, cannot be controlled pfft. Ano kasi, para akong lalake, i mean daig ko pa siguro ang mga lalaki, palibhasa kasi, tinatamad akong mag-ayos sa sarili bahala sila wala talaga akong pake idgaf. Manglait sila kung manglait, eh hindi naman sila priority ko. Pag-aaral at pag titinda ang pangunahin kong ginawa sa bahay. Masasabi kong hindi kami mahirap nor mayaman. Normal at simple lang buhay namin. Hindi naman ako 'jeje' nor 'coolkid'. Happykid lang.
Hay naku, tama na nga tong panglalait ko sa sarili ko. Kahit naman ganito ako, maipagmamalaki kong class valedictorian ako. Mahusay din akong mag volleyball, aba! Hindi naman ako lampa tulad ng iniisip niyo. Paborito ko ang pagvovolleyball at higit sa lahat mabait akong anak.
Ang swerte ko dahil nakapag graduate ako na valedictorian kaya nagkaroon ako ng scholarship. At teh, dito pa ako dinala ng scholarship ko! Sa prestiyosong eskwelahan na to. Ang Shelford University. Mag-tatatlong linggo pa lang ako dito at sikat na agad ako. Celebrity problems eh. Gaga! Problems lang walang celebrity. Ang daming mayayaman dito tsaka ang ganda ng school nakaka op kaya lang marami ring may masasamang ugali at matatapobre pa dito. Shucks! Palibot-libot lang ako dito ng may biglang - (Nu bayannnn, lagi nalang napuputol linya ko ah)
BINABASA MO ANG
Margaux
RandomIto'y isang pangkaraniwang kwento ng isang dalaga na nangangarap na pansinin ng kanyang crush. Nang napansin na siya, biglang nag bago ang lahat. Bumaliktad ang mundo. Magiging mutwal ba ang kanilang mga nararamdaman sa isa't isa? Tunghayan. Kaumay...