Chapter 3: The Undeniable Truth

68 2 0
                                    

Chapter 3: The undeniable Truth

MARGAUX'S P.O.V.

Bakit parang nag-aaway yata sila? AHAHAHA buti nga. Wow grabi, ngayon ko lang nakitang umiyak si Maldita ng ganyan. Grabi nagwalk-out pa. Ano kaya talagang nangyari? Hiwalayan ba? Hindi yata eh, wala naman akong nabalitaan na may gf si Greyson. Hmmm ano kaya?

Aray!

Naibunggo ko ang ulo ko sa pader sa kakamasid. Hala! napalakas yung sigaw ko, lagot, baka narinig niya! Pabulong ko sa sarili ko. Tiningnan ko uli si Greyson kaso wala na. Asan na kaya yun? Siguro naman wala soyang narinig. Punta nalang ako sa library. Hayyy! Salamat!

"HULI KA!"

"Ay! Anak ng tipaklong!" Napasigaw ako sabay sampal.

Nanlaki ang dalawang mata namin

"Nako! Anong ginawa ko, holeeeeh sh-"

Greyson: wow ang lakas ng loob mong sampalin ako ah. Iba ka rin. Anong ginagawa mo dito? Nang eespiya ka? Sino nagpadala sayo dito?

"Anong pang eespisya? Ha? ..."
"Ah eh....(ugh si Greyson! Finally! Ariel happen to m- ugh srsly! Anong sasabihin ko? Napansin niya din ako sawakas pero) Ano kasi."

Kinurot ko sarili ko. ( Maryosep! Totoo pala to! Kausap ko si Greyson Baldemor!)

Greyson: ah isa ka sa mga fans ko noh? Aahahahahha miss, wag ka na mangarap ha. Teka teka muna...pamilyar ka ah, ikaw yung sinasabing pangak ni Trixie ah! Pangak nga AHAHA.

Napatigil ako ng saglit sa sinabi niya. Ang sakit </3 parang nag rereplay yung sinabi niya sa utak ko. Kulang nalang sakalin ko sarili ko.

"Grabi kanaman, akala ko ba mabait ka. Ubod kalang pala ng yabang. Pwe! Pangak mo mukha mo! Di kita type! Kapal ng budhi mo! May pa fans'2 kapang nalalaman. Yuck! Makaalis na nga!"

Naglakad ako papalayo sa kanya, nakita ko nalang na nanlaki mata niya akin. Heh! Kala niya siguro iiyak ako tapos walang gagawin? Ano siya? Sineswerte? Di ko ganon. Ang ayoko sa lahat yung masyadong mayabang at mataas masyado ang tingin sa sarili. Grr.

Di ko namalayang may tumulo ng luha sa mata ko. Grabi sama niya. Akala ko panaman iba siya eh. Ugh, kinamumuhian ko na siya. Nako, Isusulat ko talaga pangalan niya sa mala death note kong notebook. Kahit na hindi epektib nakakabawas naman ito ng lungkot. Humanda ka saking ulol ka.

MargauxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon